Basketball

85 0 0
                                    

BATANGAS April 1994

Nathan P.O.V.

Umpisa na ng bakasyon. Excited na ako kasi mas madalas ko makakasama ang barkada dahil wala na silang pasok. Pero ako may tutor pa din kahit summer. Ok lang naman yun kasi Tuwing umaga lang naman ang mga turo saken.

Isang umaga sa gitna ng aming lesson ni Tita Claire.

"Nate, mabuti naman at lumalabas labas ka na."

"Oo nga Tita eh, pinapayagan na ako ni Papa, basta si Kuya Omeng ang kasama ko."

"O baka kung san san na kayo nagpupunta ah."

"Hindi naman kame lumalayo sa village Tita, saka kung gumala kame sa bayan, marame naman kame. Kasama namin sila Francis."

"Alam ko naman yun, pero magiingat ka ha, Delikado pa naman ang panahon ngayon."

Nagtataka akong tinitigan si Tita Claire, hindi naman sya dating ganun saken, para ba niya akong anak kung pangaralan ngayon. Pero gusto ko naman yun kesa yung masunget sya.

"Nga pala, nasabi na ba ng Papa mo na ieenroll ka na niya sa pasukan?"

"Talaga po?!!"
-excited kong tanong

"Oo, kinausap ko na si Papa mo na dun ka na lang ienroll sa school ni Kuya Omeng mo."

"Basta pangako mo lang na hindi ka magpapasaway dun ha."

"Malapit lang naman din ang bahay ko dun sa school na yun, pwede niyo ako puntahan tuwing reccess, ipagluluto ko kayo ng barkada mo."

"Ah, sige po sasabihin ko po kay Kuya Omeng."

Hindi na maalis ang ngiti ko sa labi habang iniisip na papasok na ako sa totoong school.

Ang sabi nila Coco, malayo daw ang school nila, sa highway kasi, marami daw puno dun at may batis. Excited na talaga ako.

Kinahapunan, pumunta ako kala Kuya Omeng.

"Good Afternoon po Tita Judith, nandyan po ba si Kuya?"

"Good Afternoon din Tantan, pumasok ka muna, nasa court pa si Kuya mo, pero pauwe ba rin yun, antayin mo na lang."

Pumasok ako sa loob ng bahay nila. Andun  yung kambal na Kapatid ni Kuya Omeng. Sila Liza at Mona nanunuod ng T.v. habang naglalaro kasama si Tito Paul, ang lakas ng tawanan nila.

Parang nainggit ako. Kasi wala naman akong kapatid, wala na din si Mama, si Papa naman laging wala sa bahay dahil sa trabaho, Si Manang Auring lang ang palagi kong kasama dun, Hindi naman siya nakikipaglaro saken dahil matanda na siya. Baby pa lang ako alaga na ako ni Manang Auring, dati kasi siyang katiwala ng Mansyon nila Papa sa Cebu, pero ng namatay ang Lolo at Lola, Isinama na lang ni Papa si Manang Auring sa Batangas.

"Oh Tantan andyan ka pala, kumain ka na ba?"

"Opo Tito, inaantay ko lang po si Kuya"

"Tara dito, manuod ka muna ng TV."

Umupo ako sa sofa, panay ang tingin sakin ng dalawang kambal na para akong pagtitripan, maloko din ang mga ito parang si Kuya Omeng.

Nung nakaraan nga na natulog ako dito sakanila, nilagyan nila ng bubble gum yung buhok ko.

Pinagmasdan ko yung mga nakasabit sa wall ng bahay nila, Puro medals at Trophy ni Kuya.Omeng ang nakadisplay. Proud na proud sila kasi hindi lang sa sports sya magaling, matalino din sya. Ang nagpalungkot lang sa akin ay ang Family Picture nila. Madame yun. May maliliit at may pinakamalaking Nakasentro sa wall. Ang saya nila. Buo kasi sila, may Nanay, may Tatay, may magkakapatid.

IisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon