Malayo na ang lugar na ito sa Village at hindi na kakayanin ng katawan ni Omeng.
Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa Ospital, dahil walang kahit anong medisina o Doktor ang makakapagpagaling sa sugat niya.
Isa lang ang naisip kong lugar.
Lumipad kame hanggang sa aking bahay.
Nagkukulay abo na ang buong katawan ni Omeng tanda na ang lason ay kumakalat na sa kanyang katawan at sinisira ang kanyang sistema. Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Masama ito.
Biglang may kumatok sa aking pintuan.
Kinabahan ako at baka nasundan na ako ng mga itim.
Alerto ako sa aking bawat galaw na upang hindi makagawa ng ingay.
Dinama ko ang presensya sa buong kabahayan. Iisa lang ang may taglay ng ganung Aura.
Agad kong binuksan ang pintuan.
"June!!! Buti na lang nakabalik ka na."
Agad niyang napansin ang duguan na si Omeng na nasa aking sofa.
"Claire, kumuha ka ng insenso at langis madali!"
Sinunod ko naman agad ang utos niya. Lage naman may mga ganun sa bahay dahil na rin sa paghahanda ko sa mga sitwasyon tulad nito.
Agad niyang pinahidan ng langis ang mga sugat na natamo ni Omeng sa laban. Sinindihan ko ang insenso at nagsimula na kameng magOrasyon.
Latin ang gamit naming wika. Buhat pa ito sa mga matatanda. Bata pa lang ay tinuturo na ito sa amin.
Dangan nga lamang, mas malakas ang kakayahan ni June sa pagpapagaling.
Mas nagpakabihasa kasi ako sa pakikipaglaban. Offensa at Depensa.
Unti unti may lumalabas na kulay itim na langis sa katawan ni Omeng. Hirap na hirap sya dahil kitang kita mo ang mga ugat sa kanyang katawan. Wala pa din syang malay.
"Claire, kelangan malaman ito nila Judith."
Tinawagan ko agad sila.
"Hello?"
"Judith, si Claire to, nandito saken si Omeng."
"Hah?!"
"Sinugod siya ng mga itim, malala ang lagay niya."
"Sige, papunta na kami dyan."
Ilang minuto ang nakalipas, dumating na rin si Paul at Judith kasama si Manang Auring.
Napaiyak si Judith sa nakitang kalagayan ng kanyang anak.
"Hindi ko pa natatanggal ang lahat ng lason sa kanyang katawan,nanlaban siguro si Omeng kaya napadami ang saksak niya. Pero ligtas na siya sa ngayon"
-paliwanag ni June"Eduardo, mabuti pa samahan mo na si Tantan, ako ng bahala dito."
- utos ni Manang Auring.Umalis na si June pagkatapos ibilin ni Paul ang kanyang mga anak.
Eduardo's POV
Abot abot ang aking kaba sa aking paguwi. Protektado ang Village pero hindi ang labas nito. Kelangan ko maging maingat at baka may makasunod din sa aking mga itim.
Pagdating ng Village. Lakad takbo na ang ginawa ko.
Hanggang sa may makasalubong akong itim na pusa.Hindi ito maaari.
Kumislap ang mga mata ng pusa habang nakatingin sa akin.
Bigla itong nagsalita na akala mo ay tao.
"Tempus est."
Lumaki ang mata ko, hindi dahil sa nagsalita ang pusa kundi sa sinabi nito.
Hindi na ako nagaksaya ng panahon at tumakbo uli.
Nakasalubong ko si Francis at ang asong si Gabby, iniikot nila ang buong Village.
"Francis, bantayan mo mabuti si Nathan ah pag wala ako."
"Tito, kahit hindi niyo po yan sabihin. Talaga pong babantayan ko siya."
"Salamat."
At nagtungo na ako sa bahay nila Paul. Inabutan ko dun sila Peter. Sinubukan ko maging normal ang lahat ng kilos ko. Kelangan nila ng Sandigan ngayon , kahit na napakadame kong alalahanin.
Sa mga sinabi ng matatanda, ang nangyari kay Omeng, ang itim na pusa.
Isa lang ang naging desisyon ko.
Sasabihin ko na kay Nathan ang buong katotohanan.
*********************
Note: Penge pong votes at comments ng sipagin ako haha.
Ps: Si Papa June at Eduardo po ay iisa lang. Wag kayo malito. May explanation yan. Next chapter.
BINABASA MO ANG
Iisa
AdventureHindi ka pala normal tulad ng iba. Higit kang kakaiba sakanila. Babaguhin ka ba ng iyong bagong pagkatao? O, ikaw na ang babago sa mundo? Ang dating dalawa... Ngayon ay ... ...iisa!