Oh my Cat! part 2

18 1 0
                                    

Mabilis pa din ang takbo ng Van, pero dinig ko ang kalabugan sa loob. Marahil lumalaban si Omeng.

Konting kampay pa at naabutan ko na ang Van. Nasa gilid ako nito, nakita kong ngumiti ang driver sa akin. Mga lintik na itim to, mali sila ng kinalaban.

Lumayo ako ng konti, inipon ko ang buong lakas ko. Pinuntirya ko ang gilid ng Van. Gamit ang buong lakas ko, binangga ko ang gilid nito.

Bahagyang umangat ito, at nawalan ng kontrol ang driver.
Binangga ko pa ulet. Isa pang malakas.

Nawala sa hiway ang Van at dumeretso sa isang damuhan kung san ito napahinto.

Sinamantala ko ang pagkakataon, hinila ko ang pintuan, at natanggal ito.

Biglang litaw ang tatlong halimaw na akala mo hayok na hayok. Mga kalbo sila, mapuputi na akala mo walang dugo sa katawan, itim ang kanilang mata, kakaiba ang kanilang ilong na parang sa ibon, mahahaba ang mga kuko, nakasuot sila ng damit pangmonghe na kulay orange.

Sumugod sila na parang hayop sa bilis at sinugod ako. Buti na lang at nakalipad agad ako paitaas.

Umangil sila na parang isang uhaw na lobo, nakatingin silang lahat sa akin, mga galit ang mga matang sing itim ng gabi.

Bigla silang tumalon ng pagkataas taas, halos 5 katao, sabay sabay sila, naiwasan ko ang isa at pangalawa. Ngunit ang pangatlo ay nahagip ako sa likod.

Nawala ang balanse ko, at pabagsak na ako sa lupa, ng biglang may sumugod naman sa aking harapan, hinawakan niya ang leeg ko na sa sobrang diin ay nasugatan niya. Sinipa ko naman siya at nakawala sa pagkakasakal niya.

Susugod pa ang isang itim pero nabasa ko na ang gagawin niya. Pupuntiryahin niya ang pakpak ko sa likod. Kaya humarap ako sa kanya at sinuntok ko siya sa mukha, subsob siya sa lupa.

Agad ko din syang inatake. Inumpog ko pa ang ulo niya sa lupa at hinarap ko naman ang isa pang natitira.

Inilabas ko ang aking espada at gulat na gulat siya. Sinugod ko siya at pinutol ang kanyang ulo.
Umagos ang dugong sing itim ng langis.

Tatakbo na sana yung sinipa ko kanina pero agad ko syang inabutan. Sinaksak ko ang aking espada sa kanyang tiyan.

Nilipad ko uli yung Van, inabutan ko si Omeng na punong puno ng sugat, sa buong katawan. May malay siyang tumingin saken.

Punong puno sya ng mga sugat sa buong katawan at mukha. Umaagos ang dugo sa kanyang punit punit na jersey.

Unti unti pumapanglaw ang liwanag na nangagaling sakanya.

Kelangan ko magmadali.

-----------------------------------------------

Note:
Oh yan bitin pa din haha. Wala kasi ako sa mood. Makapagupdate na lang ba. Maghibernate muna ako kasi bloodmoon naman. After a month na ang susunod. Siguro naman may votes at comment na to. Haaays.....

IisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon