PETER P.O.V.
Masaya kaming naglalakad papunta kala Jawo para icelebrate ang unang pagkapanalo namin sa liga, ng biglang may humintong Puting Van at kinuha si Omeng.
Kanya kanya kameng takbo dahil na rin sa takot. Pero naalala ko ang bilin samin.
Protektahan si Tantan. Tumakbo ako sa talahiban pinuntahan niya."Tantan!"
-sigaw koBigla naman silip niya at ni Francis na nagtatago sa matataas na damo.
"Andito kame."
"Nasaktan ka ba?"
"Hindi, anu ka ba?! Si Kuya Omeng ang kinuha ng Van!"
"Tara, hanapin pa natin ang iba baka nakuha din sila."
Madali naman namin natunton ang lahat ng kateammate namin, lahat takot na takot at namumutla. Napakagulo, lahat nagtatanong kung sino ang kumuha kay Omeng, bakit siya kinuha ng Van, San siya dadalhin, Baka patayin ito, Dapat magsumbong sa Police.
"Tumahimik kayong lahat!, kelangan muna malaman ito nila Tita Judith."
Napagpasyahan namin na bumalik sa Village, maliban kay Coco na hinatid na lang ang pinsan niyang si Jawo sa bahay nito. Binilinan ko silang wag muna magkukuwento kahit kanino.
Nagpauna na lang din umuwe sila Michael at Marlon ng makarating kame ng Village, marahil na rin sa takot kaya gustong gusto na nila makauwe.
Halos hingal na hingal naman kame sa pagtakbo para makarating lang agad sa bahay nila Omeng. Bukas naman ang gate nila kaya nakapasok agad kami.
"Tita Judith! Tito Paul!"
-sigaw ko habang tahol ng tahol si Gabby"Oh bakit Peter? Akala ko..."
"Tita si Omeng po kinuha ng Puting Van!"
-hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya"Ano??!"
-sigaw ni Tito PaulSinubukan ko magpaliwanag habang hinahabol ko ang aking hininga. Magulong magulo ang lahat. Umiiyak si Tita Judith pati ang mga kambal, Si Tito Paul naman ay parang galit na galit, Tahol pa rin ng tahol si Gabby.
"Pupunta ako ng prisinto para humanap ng tulong."
-pasya ni Tito PaulPaalis na sana si Tito Paul ng biglang nagring ang telepono. Sinagot ito ni Tita Judith. Baka iyon na ang mga kidnapper.
Tahimik kaming lahat. Nakikiramdam."Hello?"
-may takot sa tono ni Tita Judith"Hah?!"
-bakas sa mukha niya ang pagkabigla dahil nanlaki ang mata nito"Sige,papunta na kami dyan"
-tumingin sya sa mga mata ni Tito Paul."Sino yun?"
-pagtataka ni Tito Paul"Si Claire, nasa bahay niya daw si Omeng."
-banggit ni Tita ClaireNabuhayan kame ng loob sa sinabi niyang yun. Ano kaya ang nangyare kay Omeng? Bakit siya nakala Tita Claire. Marameng tanong ang naisip ko. At sigurado ganun din sila.
Hindi na nagaksaya ng panahon si Tita Judith at Tito Paul. Sumakay na sila ng Van at nagtungo na kala Tita Claire. Kami na lang ang naiwan sa kambal.
"Ano kaya ang nangyare kay Kuya Omeng?"
-pagaalala ni Tantan"Hindi ko din alam, sana okey lang siya"
Matagal kaming naguusap, pasulyap sulyap lang samin ang kambal. Tahimik naman na si Gabby na waring nagaantay sa mga amo niya.
May biglang kumatok sa pinto.
Tok tok tok.
Takot ang namayani samen kaya wala agad nakapagsalita.Nagulat na lang kami ng bumukas ang pinto, at si Tito June ang nandun, agad niyang nilapitan si Tantan at niyakap.
"Anak, ayos ka lang ba?"
-bungad nito"Opo, Papa, pero si Kuya Omeng po"
-malungkot ang mata ni Tantan"Wag ka ng magalala, magiging ayos din si Omeng, ligtas na siya."
-pangaamo ni Tito Eduardo"Paano niyo po nalaman?"
-pagtatakang tanong ni TantanHindi sinagot ni Tito June ang tanong ni Tantan.
"Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa po"
- sabay na sagot nila Liza at MonaPumunta agad si Tito June sa kusina nila Tita Judith para makahanap ng pagkain. Oo nga pala gabi na, hindi ko na rin napansin ang oras, tanghali na ang huli kong kain bago ang parada, gutom na pala kame, siguro dahil sa mga nangyari nakalimutan ko na ang mga bagay bagay. Ni hindi ko naalala ang mga magulang ko na baka nagaalala na saken.
"Tito Eduardo, mauna na po akong umuwe baka hinahanap na po ako samen."
-paalam ko."Tantan ikaw na bahala sa kambal ah"
-paalala koTumango lang si Tantan.
"Okey sige, magingat ka Peter"
-si Tito Eduardo habang palabas.ng kusina, dala ang ininit na pizza at juice-----------------------------------------------
CLAIRE P.O.V.
Aalis na sana ako ng bahay para makapagsanay ng dumating si Eduardo.
"Napasyal ka June, anong sa atin?"
-tanong ko"Claire, may liga kasi sila Nathan mamaya, hindi ako makakapunta para suportahan siya, Sayo ko muna sya ipagbibilin. Babalik naman ako bago mag gabi."
-paliwanag niya"Saan ba iyang lakad mo at mas importante pa ata yan kesa kay Nate?"
-paguusisa ko"Sa mga matatanda."
-tiim baga niyang pagkakasabiAlam kong labag sa loob ni Eduardo ang pagsangguni sa matatanda pero kelangan niya ang mga patnubay nito para na rin kay Tantan.
Kinahapunan, pinasya kong magpunta sa Village para suportahan si Tantan. Nakakaawa ang batang iyon. Walang kaalam alam sa mga bagay bagay at pilit pang hinihigpitan ng kanyang Ama. Buti na nga lang ang napilit ko na si Eduardo na pagaralin na si Nathan sa School na malapit sa bahay ko dahil na rin siguro sa pangako ko na babantayan ko ang anak niya.
-----------------------------------------------
Kinahapunan, pumunta na nga ako sa Village. Naguumpisa na pala ang game at team na nila Omeng ang naglalaro. Napansin kong nakaupo lang si Tantan sa bench kasama si Coco at Mariel. Lumapit si Omeng kala Tantan at kitang kita ko ang puting enerhiya na nilalabas ng katawan niya. Hindi ko mapigilan magalala na baka may makapansin sa kanya kahit na alam kong protektado ang Village sa mga itim. Napansin ko din na titig na titig si Tantan kay Omeng. Nakikita din niya kaya ang nakikita ko?
Hindi ko na sila nilapitan, nagpaligid ligid na lang ako sa buong court para magmatyag. Parang normal naman ang lahat. Siguro sa paglalaro ni Omeng hindi niya mapigilan ang enerhiya niya sa paglabas sa katawan niya. Puting puti ito.
Natapos ang game at nanalo ang team nila Omeng. Hindi man lang naglaro si Tantan.
Sinundan ko sila ng papalabas sila ng Village. San kaya pupunta ang mga batang to?
Hindi na ako lumapit pa at baka maOP lang ang mga bata. Kitang kita ko na masaya sila.Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa matalahib na daan. Nang biglang may humintong Van at hinatak si Omeng pasakay sa loob.
Nagulat ako, kelangan ko maligtas si Omeng, pero kelangan ko din bantayan si Tantan. Mabilis na umandar ang Van palayo. Sinabayan ko ito ng pagtakbo.
Minuto din ang tinatakbo ko ng bigla pang bumilis ang Van. Hindi na ako nagaksaya ng panahon. Inilabas ko na ang aking pakpak at lumipad.
----------------------------------------------
Note:
Ayan putol haha. Hindi ko kasi malaman ano pang itatakbo ng istorya. Pero meron na akong mga ideas. Penge naman pong votes o comment ng sipagin po ako magupdate. Nakakalungkot din kasi na seenzone lang ang story ko. Pwede din po padedicate. Pramis may papatayin na po ako character next update.
BINABASA MO ANG
Iisa
AdventureHindi ka pala normal tulad ng iba. Higit kang kakaiba sakanila. Babaguhin ka ba ng iyong bagong pagkatao? O, ikaw na ang babago sa mundo? Ang dating dalawa... Ngayon ay ... ...iisa!