Dogma

8 0 0
                                    


Eduardo's POV

Lahat ng pagiingat sa aking anak ay ginawa ko. Ngunit dumating na ang oras. Kelangan niya malaman ang katotohanan sa aming lahi at kanyang pagkatao.

*Flashback*

Cebu 19**

Mula pagkabata ay nakagisnan ko na ang mga kakaibang tradisyon at pamumuhay ng aming pamilya. Hindi kami katulad ng mga mortal, pero patuloy kaming nakikihalubilo sa kanila. Tao pa din kami ngunit may iba sa amin. Mayroon kaming kakaibang lakas, kakayahan, paniniwala na aming itinatago para na rin sa aming kaligtasan.

Noon pa man ay sinusunod ko na ang mga batas ng aking mga ninuno.

Walang sinuman ang puwedeng sumuway sa kanilang tagubilin at igagalang anuman ang kanilang pasya.

Masaya ang aming pamilya, masasabi kong nabuhay naman kami ng normal.

Ako si Eduardo Romualdez. Panganay sa tatlong magkakapatid.
Ang aming pamilya ay buhat sa Norte pero dito na kami sa Cebu lumaki.
May ekta-ektaryang lupa ang aking Ama, na pinagmumulan ng aming hanapbuhay.
Ang aming tanim ay mangga at tubo. Meron kaming mga trabahador na syang nangangalaga sa aming mga pananim.
Malaki ang aming Bahay na nasa Gitna ng aming Lupa. May sarili kaming Gate at buong lupain ay may bakod para iwas na rin sa mga masasamang loob dito sa probinsya.
Ang aking Ama ay si Don Juanito Romualdez at aking Ina naman ay si Fonciana Alonzo.
Mabait ang aking Ama sa kanyang mga tauhan kayat ginagalang sya hindi lang sa aming purok kundi sa buong distrito.
Makailang ulit na rin hiningkayat na tumakbo ang aking Ama sa politika ngunit humindi ito.
Para sa kanya ang pagtulong sa kapwa ay hindi na nangangailangan ng posisyon sa Gobyerno.
Ilang beses man kami hagupitin ng bagyo. Ang bahay namin ang nagsisilbing kanlungan ng aming mga kababaryo.
Nagbibigay din ang aking Ama ng rasyon ng pagkain sa mga nasasalanta at tumutulong sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay at pamumuhay.
Hindi kami laki sa luho, Sa katunayan ay sa Publikong Paaralan lang kami nagaaral magkakapatid. Sanay din kami sa trabaho dahil tumutulong kami sa mga trabahador pag anihan. Yan ang pinakamasasayang araw sa aming pagkabata. Ni minsan hindi sumagi sa isipan namin ang magmalaki dahil pamilya na ang turing namin sa mga trabahador.

Walong taon gulang ako ng nalaman ko ang sikreto ng aking Pamilya. Ang aking Ina ang nagpaliwanag sa akin ng mga bagay bagay na hindi ko maintindihan na aking nararanasan noon. Ang sabi niya pa. Dadating din ang panahon maiintidihan ko ang lahat, ganun din sa aking mga kapatid.

Kaarawan ko noon may handa sa aming Bahay. Dadating daw aming mga kamaganakan buhat sa Ilocos, kayat abala ang lahat lalo na si Ina na syang nagsasaayos ng lahat. Katulong niya si Manang Auring at iba pang mga taga baryo sa pagluluto.

Alas kuwatro ng hapon nagdatingan ang mga bisita at mga kamaganak namin. Tuwang tuwa ako kasi nakilala ko ang aking mga pinsan.

Walang humpay na kwentuhan at kainan. Syempre naglaro lang kami magpipinsan dahil sabik din ako sakanila.

Alas otso ng Gabi ng humupa na ang kasayahan at halos lahat ng bisita ay nakaalis na.

Pinatawag ako ng aking Ina kay Manang Auring. Nagtataka ako bakit kelangan ako lang ang tumungo sa hapagkainan at pinapasok na ang aking mga pinsan at mga kapatid sa mga kuwarto. Tapos naman na ang kainan kaya imposibleng kakain na naman kami, busog na nga din ako.

Inabutan ko sila Ina at aking mga Tiyahin at Tiyuhin na nakapalibot sa aming mahabang lamesa.

"Anak, muli maligayang kaarawan sa iyo, Sana ay naibigan mo ang mga hinanda ko para sayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon