21: Tawag

893 28 4
                                    

A/N Sorry for keep you waitin guys. Here’s Chapter 21. Votes and comments are much appreciated. Hope you enjoy it.

***

Isang Buffet Restaurant sa isang Mall, 6:30pm

*MUNCH* *MUNCH* *MUNCH*  -Angel

“Hindi ako makapaniwala. May gana ka pa talagang kumain after nang nangyare kanina?” Inis na sabi ni Girlie kay Angel

“Ikaw naman baka talagang nagugutom lang si Angel. Pagbigyan mo na” –Migz

“Oo na. Alam ko namang pagbibigyan mo lang yang babaeng yan. Paimpress ka rin ano? Tulungan mo nga ako dito Ez”

“…” Tahimik at nakatulala lamang sa basong hawak niya si Ez

“Hoy Ez” Tawag ulit ni Girlie

“…” Iniisip pa rin nito ang babaeng muntik nang masagasaan kanina

Kung hindi nya lang ito nakitang patawid at balaan si Migz kaya nakapreno ito bago pa man tumama sa babae

“Ez?”

“…”

Hindi nya masyadong iniisip ang kamuntikan na itong maaksidente

Kung hindi ang mga sinisigaw nito bago pa man niya ito makita

Ang mga katagang “Aswang” ang isa sa kinakataka niya

Gusto niyang alamin kung bakit nya ito sinisigaw at bakit ito humingi ng tulong?

At kung may kinalaman nga ang mga aswang sa biglaang pagkawala niya

“Ez!” 

Nainis na si Girlie.

Kaya tumayo ito, lumapit kay Ez, tinapat ang bibig sa tenga ng binata at…

“EZZZZ!!!!”

My Guardian Aswang: Tawag

Halos mabingi si Ez sa ginawa ng dalaga

Isang mahaba at matinis na tunog ang naiwan kay Ez

“Ang o.a ah” –komento ni Girlie nang makitang parang sobrang nasaktan si Ez

Lingid sa kaalaman niya, sobrang sakit na nito para sa binata

Hindi ordinaryo ang mga naririnig nito at kaiba sa normal na pandinig ng tao

“S~sorry Girlie. Ano nga kasi yon?”

“Gosh! Ano ba naman tayo dito? Isang lamon nang lamon, isang muntik nang makapatay at isang tulala ang mga kasama ko”

“Ah sorry ah. Yung tungkol ba dun sa kanina?”

“Ay hindi. Yung tungkol sa kahapon. Are with us Ez? Hindi ba’t kilala mo rin yung girl? Hindi ba talaga kayo nagulat dun sa babae? Bukod sa muntik nang sagasaan ni Mr. Mayaman eh sya yung matagal nang nawawalang si Yolai ng 4B. Di ba nakakaburyo lang”  

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon