13: Plano

1K 50 5
                                    

A/N Medyo busy po sa work kaya wala masyadong update. Medyo eto lang nakayanan at napiga ko sa utak ko. Sana mapagtyagaan nyo na. Salamat po ulit sa pagbasa. God bless :)

***

[Normal POV]

San Nicholas High School, 7:58am

"Walang pasok?" -Angel. Nagkasalubong sa hallway si Angel at Girlie

"Oo, iimbestigahan daw kasi yung pagkawala nung Yollai ba yun? Yung tsismosa sa 4b. Hindi daw kasi umuwi kagabi" Paliwanag ni Girlie

"Ok"

"Eh teka nga, bakit hindi mo ata kasabay si Ez?"

"Paki-alam ko dun" (~_~) Walang kabuhay-buhay na tugon ni Angel

"Ushu... Eh ni hindi nga kayo mapaghiwalay nun di ba? Imposibleng hindi mo rin sya hinahanap"

(~_~) "... Alis na ako"

"Oh saan ka pupunta?"

"Sa taas"

"Ah ganun? Well hindi na ako sasama sayo. Uuwi na lang ako para magpraktis at malapit na yung regional meet. Ikaw ba? Nagpapraktis ka ba?"

"Saka na yun"

"Ok... Sige bye!"

 Umalis na nga si Girlie. Samantalang nagsimulang tunguhin ni Angel ang rooftop.

 Habang naglalakad si Angel papaakyat ng rooftop, bigla syang napahinto. Pakiramdam niya kasi may nakamasid sa kanya mula sa malayo. Lumingon-lingon muna sya paligid. Nang wala naman syang nakita ay nagpatuloy na ulit sa paglakad. Pakiramdam nga ba o tamang hinala? 

 

My Guardian Aswang: Plano

***

 Section 4B room, 8:15am

"Yollanda Bartolome, 16 years old, 4th year high school student, 52 kg, 173 cm, tiga-barangay San Nicholas, Hmmm... Anong oras kayo huling nagkasama ng kaibigan niyong si Yollai?" Nagkatinginan muna si Marsh at Leslie. Walang gustong unang sumagot sa tanong ng pulis. Magkatabi silang nakaupo sa gitna ng silid. Sarado ang mga bintana at pintuan. Halos mapudpod na ata ang mga palad nila sa sobrang kiskis nila dito. Marahil ay dahil na rin sa kaba at takot dahil isang pulis ang nagtatanong sa kanila "Huwag kayong matakot. Hindi ko naman kayo pipiliting sumagot kung ayaw niyo. Pero malaki ang matutulong nito para makita natin ang kaibigan niyo" Wala muling sumagot sa dalawa at nayuko na lamang ang mga ito.

"Tama na yan. Siguro icheck na lang natin ang buong school" Pagpipigil ng kasamahang pulis

"Ok po chief ah-"

"Ma~~mga... 6:15 po~~po siguro. Nagpaalam po syang magcr" Biglang sagot ni Leslie na medyo nangangatog pa

"Tapos po, kalahating oras po namin syang hinintay kaso hindi na po sya bumalik. Kaya pinuntahan po namin sya sa cr kaso wala na po sya dun" Dugtong ni Marsh

"Yun lang po yung alam namin" -Leslie

"*EXHALE* Salamat. Yun lang muna siguro. Pwede na kayong umuwi" -Pulis

 Dali-dali namang lumabas ng kwarto sila Leslie at Marsh.

 "Sapat na ba yung mga nakuha natin?"

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon