10: Sakripisyo

1.2K 52 2
                                    

Solstice Organization HQ, 12:01am

"Kompirmado po, dalawang babae na po ang nasakripisyo ng mga aswang"

"So, tama nga ang sinabi ni Eru. kailangan nila ng puso ng limang dalagang birhen. So kailangan pa nila tatlo kung  ganun. Tsk. Tsk... Kamusta naman pala ang susi?"

"Mabuti naman daw ang lagay niya sabi ni Eru. Binabantayan niya ito mula umaga hanggang sa gabi"

"Baka naman hindi na sya nakakapagpahinga? Kamusta naman ang training niya para maging isang ganap na tao?"

"Ah... Sa tingin ko po, malaki na ang kanyang pagbabago buhat nung una natin syang nakita. Parang ibang tao na nga sya kung tutuusin. Malayong-malayo sa marumi at walang modong kausapan natin, isang taon na ang nakakalipas"

"Mabuti... Sya nga pala, pinadala ko na rin si Ram bilang dagdag na bantay"

"Hindi ho ba masyado syang bata para sa misyon?"

"Huwag kang mag-alala, matalinong bata si Ram, alam kong alam na niya ang dapat niyang gawin. O sya, magpahinga ka na at kailangan pang planuhin ng organisasyon ang mga susunod na hakbang natin laban sa plano ng mga aswang na yan. Pakisabi na lang kay Eru na bantayang mabuti ang susi"

"Makakarating po"

My Guardian Aswang: Sakripisyo

***

 St. Agnes Village, 7:30am

"Good morning Angel!" Bungad ni Ez kay Angel, pagkabukas na pagkabukas nito ng gate

"Pssshh" Inilahad naman ni Angel ang kamay niya na agad naman naintintihan ni Ez ang ibig sabihin

"OH...Ito oh" May iniabot si Ez na sandwich sa dalaga

 Pagkakuha naman ni Angel ay sabay lakad nito paalis

 Mukhang nasanay naman na si Ez sa ugali ni Angel kaya sumunod na lamang ito

 Tahimik at wala silang imikan habang naglalakad sila

  Nang makarating sila sa entrada ng village. Huminto si Ez sa paglalakad. Samantalang si Angel ay dirediretso lang sa paglalakad. 

"Eh?" Nagtaka tuloy si Ez "Angel!"

Doon lamang napahinto si Angel "Oh bakit?"

"Ah... Wala naman" Dahil mukhang hindi naman aangal pa si Angel, sumunod at sumabay na lang si Ez sa kanya papasok ng school

 

***

 

Sa kotse ni Migz...

"Salamat Boss sa pagsabay sakin ah (^___^) " -Spen

"..." -Migz

"Ah... Boss?"

"Bakit?"

"Pwede niyo po bang sabihin ang totoo?"

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon