3: Shortcut

1.8K 66 1
                                    

"You may now take your seat Mr. Chavez" Utos sa kanya ng guro

 Sumunod naman si Ez at lumakad papunta sa kanyang assigned seat na tinuro ng guro sa kanya

 Isang upuan ang layo sa tabi ng bintana at ilang pulgada lang layo mula kay...

 "Hi! Ikaw ulit? Kamusta ka na?(^_^)" Masayang bati ni Ez kay Angel

 Sinamaan naman ng tingin ni Angel si Ez at pinakita nyang inis syang makatabi ito

 "May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Pag-aalalang tanong ni Ez

 "Umalis ka dyan" Diretsong utos nito kay Ez

 "Pero sabi ni Ma'am..."

 "And so? Humanap ka ng ibang upuan wag lang dyan"

 "Ok" Yun na lamang ang naisagot niya kay Angel

 Tumayo si Ez 

 "Ma'am mukhang may nakaupo na po dito" Paalam niya sa guro

 "Yes meron nga. Pero dahil absent sya at wala namang pasabe that's why dyan kita nilagay"

 "Hindi po ba magagalit yun?"

 "Ako ang magagalit kung hindi ka tatahimik dyan at makikinig sa lecture ko"

 "Ok po Ma'am" Wala ring nagawa si Ez at umupo na lang.  Humigpit naman ang pagsara ni Angel sa kamay niya. "Oh narinig mo si Ma'am ah. Dito daw ako (^_^) Seatmates na tayo"

 Sinamaan ulit ng tingin ni Angel si Ez. Pero wala na itong nagawa dahil inutos na ito ng guro

 My Guardian Aswang: Shortcut

***

 

 Magkatabi ang dalawa hanggang sa matapos ang klase. Buong araw wala silang imikan. Buong araw ding inis na inis si Angel sa di malamang dahilan

  Hindi niya alam kung bakit naiinis sya sa presensya ni Ez kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya

 

***

 

 Tulad ng dati. Tumambay muna si Angel sa rooftop hanggang sa makauwi ang lahat.  Medyo nakaidlip ito at gabi na nang magising. Dali-dali naman itong bumaba para makauwi. Tiyak na hahanapin na naman sya ng kanyang Kuya Atan

 

 Madalas doon sya sa highway dumadaan pero sa pagkakataong ito, naisipan niyang bagtasin yung short cut. Hindi niya ugaling dumaan dito dahil ayon sa marami. Delikado daw ito. Kuta daw ito ng masasamang loob tulad ng mga magnanakaw at holdaper. Pero wala na syang oras at kung hindi sya magmamadali ay mag-aalala ang kanyang kuya. Nagsimula syang maglakad...

 

 

 

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon