8: Tanong

1.5K 56 1
                                    

A/N Girlie Patricia Rivero. Image>>>>>>>

***

San Nicholas High School, 7:35am

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Ez kay Gabby pagkatapos nilang tumigil katatakbo mula sa mga humahabol sa kanila

"*pant* *pant* Naku Ok lang *pant* Salamat ha *pant* Buti na lang dumating ka *pant* Kung hindi baka kung saan na ako dinala ng dalawang yun. Teka... Bakit parang hindi ka man lang ata hiningal? Malayo-layo rin yung tinakbo natin ha" Pagtataka ni Gabby

"*pant* Syempre hiningal din ako*pant* Teka kilala mo ba yung Migz?" Pag-iiba ng usapan ni Ez

"Naku hindi nga eh. Wala akong kilalang tiga St. Francis"

"Ganun ba? Eh alam mo ba kung bakit gusto ka ipadukot ni Migz? May atraso ka ba sa kanya o hindi naman kaya may ginawa ka?" Iling lamang ang isinagot ni Gabby "Oh sya. Since ligtas ka naman na, mauna na ako sayo sa klase. Mag-iingat ka na lang mamaya pauwi" Tumalikod si Ez papaalis ang kaso...

My Guardian Aswang:  Tanong

"**Hoy mga bakla! Tingnan nyo si Prince Ez oh. Kayakap si Gabby**"

"**Ano meron sa kanila? Hindi kaya sila na?**"

"**Medyo lumapit tayo ng marinig natin yung pinag-uusapan nila kahit konti**" Bulungan ng mga estudyanteng nakakita kina Gabby at Ez

"Salamat ha. Niligtas mo ako" Nakayakap si Gabby mula sa likuran ni Ez "Salamat din kasi... Hindi ka umangal nung sinabi kong... BOYRFRIEND kita"

"**Narinig mo yun bakla!?**"

"**Tinawag niyang boyfriend si Prince Ez!!**"

"**Lagi na lang panalo sa lahat ng bagay yang bruhildang Gabby na yan. Nakajackpot sya kay Prince Ez (T.T) (T.T) (T.T)**" Bulungan ulit ng mga tsismosa

Kapapasok lang ni Angel sa loob ng School at nakita niyang may magkayakap sa harap niya. Hindi namalayan ni Angel na napatulala na pala sya sa nakikita

Humarap si Ez kay Gabby "Wala yun (^_^).  Ginawa ko lang yun, kasi... Angel?"

"Oo. Your my guardian Angel (♥///♥) "

"Hindi... Si~si Angel" Binitawan ni Ez si Gabby at lumapit kay Angel. Lumingon naman si Gabby sa direksyon nila Ez

"Oh andito ka na pala. Sabay na tayo sa loob?" Aya ni Ez kay Angel

"Mukhang nag-eenjoy ka pa dyan. Mauna na ako" Pinigilan na ni Ez si Angel sa pamamagitan ng paghawak sa kanang kamay nito

Nang magkaharap sila, sinamaan agad ni Angel si Ez ng tingin

"Oh! *bitaw sa kamay* Sorry hindi ko sinasadya" 

Tumalikod at naglakad paalis si Angel. Hahabulin pa sana ni Ez si Angel

"Huwag mo na syang habulin, baka masaktan ka pa. Mainit yata ang ulo. Kapag ganyan sya nambubugbog yan" Hinawakan niya si Ez para pigilang sundan si Angel. Pero hindi sya pinansin nito at nakapako ang tingin ng binata sa kaaalis lang na si Angel "A~ahm. Ez? P-pwede mo ba akong ihatid mamayang uwian. Natatakot kasi ako, baka andyan na naman sa labas yung mga lalaki kanina" Pakiusap ni Gabby

"**Nakita mo yun mga bakla? Mukhang may something doon sa magjowa at kay Angel**"

"**Ano kaya yun?**"

***

San Nicholas High School, Section 4D Room, 7:45am

"Yow" Bati ni Girlie kay Angel. Pero tango lang ang naisagot nito "Oh anong problema? May nang-away ba sa'yo? Tara upakan natin" 

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon