11: Tulala

1.1K 49 2
                                    

Author's Note:

Si Marco Dionisio. Image >>>>>>                

Grabe si Glenda! Dahil sa kanya may rotating brown-out tuloy samin. Wala ring tubig. Igib mode tuloy dito samin. Hirap rin tuloy magupdate ng story. Anyways, I hope na safe ang lahat. Pray pray din tayo para naman maging safe tayo sa mga susunod na araw. Salamat din pala sa mga nagvote at nagadd nitong story sa kanilang reading list. Much appreciated it guys. Yun lang. Enjoy this story : P 

***

San Nicholas High School, Section 4-D, 7:58am

"Anong nangyare sa kamay mo?" Tanong ni Angel kay Girlie ng makita ito sa classroom at nakabenda ang kamay

"Eto ba? Na~nasobrahan sa praktis ng boxing eh, kaya eto"

"Ok" Naupo na si Angel sa upuan nito

 

"Hi Girlie! Kamusta na yung kamay mo?" Bati naman ni Ez kay Girlie pagpasok nito sa classroom

"Ah... Medyo ok na. Medyo namamaga nga lang"

"Buti naman. Oh sige" Pumunta na si Ez sa kanyang upuan na nasa bandang likuran

 Anong meron? kahapon lang, halos gulpihin na ni Girlie si Ez, ngayon parang matagal na silang magkaibigan. Sa isip-isip ni Angel

"Please sit down everyone!" Isang babae ang pumasok sa classroom "Good morning! My name is Lucy Rivera. I will be your substitute teacher in Math"

"**Sh*t pre ang ganda niya!**"

"**Oo nga pre. Hindi lang yun, ang sexy pa**" Bulungan nila Marco at mga kabarkada niya

"Some of you, already heard about Ms. Guinto"

 Napatingin na may halong pagtataka si Angel kay Girlie

 Medyo lumapit ng kaonti si Girlie sa direksyon ni Angel at bumulong

"Nakita kaninang umaga sa kwarto niya na tulala at hindi na makausap"

"Ok guys turn your books to page 20" -Ms.Rivera

My Guardian Aswang: Tulala

***

Canteen, 10:00am

"Iniisip mo pa rin  ba yung nangyare kay Ms. Guinto?" Tanong ni Girlie kay Angel nang mapansing tulala ito

"..." -Angel

"Huwag mo nang isipin yun, buhay pa naman sya eh. Tulala nga lang. Ikaw kung tutulala ka lang dyan baka magaya ka dun. Sige ka" Sinamaan tuloy ng tingin ni Angel si Girlie

"Bakit wala kayong kinakain girls?" -Ang napadaan na si Ez

"Wala kaming pera eh. Balak nga naming dumilehensya mamaya" Diretsong sagot ni Girlie. (Dumilihensya means manakot,manghuthot sa mga estudyante para may makuhang panggastos)

My Guardian AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon