Chapter 20

50 6 1
                                    


Ehtan's POV

Mga 7 na at nakabalik na kami sa suite after mag scuba diving. We are currently getting ready to go "Bar Hopping" or "Parteh parteh" daw according kay Jeelly. She wanted to try it so badly. Wala naman kaming gagawin so bumigay nalang ako.

"Hoi matagal ka pa ba jan?" Tawag ko. Kanina pa kase tong nagbibihis.

"Wait lang!"

"Dito ka nalang kasi magbihis! Wag ka ng mahiya!"

"Manyak talaga!" after niyang sinabi yun, bigla siya lumabas.

"Thank God! Wait..." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at parang naconscious siya.

"Hoi Ethan alam kong irresistible ako pero please... try to resist naman. ENEBEYEN." Sabi niya habang tinatakpan chest niya habang iniirapan ako...

ABA...

"Hoi ka din! Kapal mo naman tinitignan ko lang sinusuot mo kase medjo revealing. You do know we are going to a place full of perverts right? Dudumugin ka dun oi! At paano ka makasayaw niyan? Ang taas ng heels mo."

"Dudumugin? Oh please... Sana'y na ako at tsaka siyempre dapat mataas talaga ang heels to get the impression na di na tayo minor."

"Kahit gaano pa kataas heels mo, maliit ka pa din! Ano nga height mo? 5?"

"Hoi di ah!" hinampas niya shoulder ko.

Nako talaga tong babaeng to, mapapatulan ko talaga to pag di ko mapigilan, ansakit manghampas!

"Ano nga?!"

"... 5"1'... oh may 1 yan ah!"

"At proud ka pa niyan? JUICEKO!"

"Ewan ko sa'yo! Hali ka nanga! Ang bagal mong kumilos!"

"Wow! Nahiya talaga ako! Sheck! Ah basta pag ikaw minanyak don't expect me to be your knight in shining armor."

"Tsk! A knight in shining armor is just someone who hasn't truly tested his armor. I can rescue myself so... hali na! I want to PARTEH!!!" sabi niya habang hinila hila ako palabas.

This is gonna be a long night...

Jeelly's POV

Papasok na sana ako pero hinarang ako ng lalaking sobrang laki ng katawan na nakashades.

"Ahhh Koya gabi na po di na po kailangan ang shades" I whispered

"What?" nagtanong si manong-shades

"Umm I said I would like to go inside now so... it would be great if your hand isn't on the way."

"I'm sorry ma'am but we can't let minors in."

"Minor?" grabeh naman tong si manong-shades. Kay taas-taas na nga ng heels ko, kai pulang-pula nanga ng lips ko mukha pa ba akong minor? Sheck ang hirap talaga pag baby face tsk! Hahaha "No you are mistaken sir I am already 21." I said pouting my lips para ma-emphasize yung color neto pero nashock nalang ako nang may umakbay sakin. Tinignan ko ito and it was Ethan.

"It's ok she's with me." Sabi nito habang pasecretong umabot ng pera at yun...

Nakapasok din kami. Grabeh talaga!

"Oi salamat ha. Ang hirap kase pag baby face eh..."

"Maliit ka lang hindi ka baby face. Kapal..."

"Di ako maliit noh! Matangkad ka lang talaga! Yabang... ge na nga hali na baka mawala pa ako sa mood!"

Pumunta ako sa may bar at naupo. Umorder ng drink si Ethan at gumaya din ako.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon