Chapter 4

53 2 0
                                    

Ethan's P.O.V.

"Shet, friend ang gwapo nga talaga ni Ethan." A girl with glasses wispered to her friend, pero siyempre rinig ko parin but acted as if wala.

Ako nga pala si Ethan, Ethan Torres.

"I know right? tignan mo nga silang magkakabarkada, nakaka-laglag panty eek." hala ano nabang nagyayari sa kababaihan ngayon, kailalandi na. Pero sanay na ako sa mga gantong comments. Sanay na KAMI actually, kasama ko kasing naglalakad ngayon sa hallway ang mga kabarkada kong si Logan, Zack at si Owen.

Papunta kami practice room, may banda kasi kami eh at ang mismong owner ng school nato offered this large room for us na pwede daw namin gawing practice room. Ba't ang bait bait niya samin? well, para sumipsip sa akin at sa mga magulang ko. Mukhang pera ang may-ari nitong paaralang ito. Pero kahit na sipsip siya, siyempre tinanggap pa rin namin ang offer, ehh aarte paba?

Sipsip siya ehh oportunista kami haha, pero siyempre joke lang di naman kami oportunista noh..... minsan lang haha.

"Oi Ethan kailan nga ba tayo magpe-perform?" tanong ni Owen, ang drummer sa grupo.

"Sa birthday ni Kat. Ngayong Saturday na." sagot ko naman

"Hoi Owen di ito performance, panliligaw to." sabi naman ni Zack, ang pianist.

"Ay oo nga pala." sabi naman ni Owen "pero Ethan di ka ba nagsasawa?"

"Nagsasawa saan?"

"Mabasted" sabi naman ni Logan(Bassist at backing vocalist).

Tang naman tong Logan na'to. Never tong naging supportive -____-

"Hoi Logan di ako nabasted noh. She did not say no."

"But she didn't say yes either." sabi naman ni Zack. Tang talaga tong mga kabarkada ko. Barkada ko ba talaga sila? parang hindi eh

Sino ba tong "nag-basted" sa'kin you might want to ask. Ang pinag-uusapan namin ay si Kat, kababata ko at natutunan kong mahalin nine years old palang ako. Siyempre di niya alam ang nararamdaman ko sa kanya noon pero inamin ko na ang feelings ko noong grade five na kami. Hindi siya nagsabing 'hindi' kaya hindi ako nabasted, sabi lang niya "ewan" at sabi nga nang kanta diba 'Ang ewan ay tulad narin ng oo'ng inaasam' oh diba?

I think she loves me to but was not yet ready to enter into a relationship yet, eh mga 11 pa kami noon eh. Nanligaw ako noong mag ge-grade six kami pero lumipat sila sa ibang city at doon na rin siya pumasok. Hindi naman gaanong kalayo ang nilipatan nila kaya minsan ay binibisita ko siya at nagpasyang lumipat din sa school nila noong nag second year ako at manligaw uli sa kanya, pero timing noong paglipat ko ay lumipat sila ulit, pero ngayon sa ibang bansa na kaya di ko na siya mabisita. Gusto ko rin sana siyang sundan kaso pinagalitan na ako kasi kakalipat ko palang at ang owner ng school nato ay naging business partner ng papa ko kaya hindi na niya ako pinalipat.

Mga once in a blue moon ay nakikita ko siyang bumibisita dito....

yun nga lang palaging may kasamang lalaki.

#Iyak TT___TT

Sana nga mga kaibigan lang niya iyon pero kung hindi...

eh asawa nga maagaw kasintahan pa kaya? hahaha. Hoi joke lang yun ha.

"Ewan ko sa inyo. Mga hindi talaga kayo supportive. Mahal ko si Kat at hindi ako magsasawang manligaw sa kanya kasi naniniwala akong mahal niya rin ako, takot lang siyang masaktan tulad ng ginawa ng tatay niya sa nanay niya." pag-didipensa ko sa sarili

"Sabi mo eh." sabi naman ni Owen na binubuksan ang pintuan. Di ko namalayan na nasa practice room na pala kami.

Pagpasok namin, wala kaming nakita kasi nakapatay yung ilaw. Weird. Pagpupunta kasi kami dito after class ini-on na ni manang janitor ang ilaw para samin, mabait yun ehh.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon