Chapter 12

47 2 0
                                    

Si Kate at si Kat ay iisa...

Si Kate at si Kaye ay iisa...

Therefore ...

si Kat at si Kaye ay iisa....

therefore ...

parehong nililigawan ni Boy-basted at ni Kyle si Kate...

Therefore ...

haba ng hair ng bestfriend ko!!!

"Wait... nililigawan mo bestfriend ko?!" I asked.

iba talaga ang kamandag netong Kate nato! pang ibang level na talaga ang kahabaan ng hair mo girl!

"She's your bestfriend?!" he asked, his face lighting up.

"yeah... ba't parang ang saya-saya mo?"

"eh tulungan mo akong mapasagot siya Bob, please"

“Tulungan?  I’m a busy person Mr. Sanchez, you know that.”

Nag pout siya “busy din naman ako pero tinulungan parin kita.” Pagmukmok niya.

Natameme ako. I felt guilty, totoo kasi ang sabi nitong mokong nato. Di naman kami close pero nag-aksaya parin siya ng panahon mawala lang kahit konti stress ko. Yes, medyo FC siya pero, FC or not, the deed he has done is what matters.

“sorry...” I said with all sincerity “and thank you. tama yung sinabi mo pero I really can’t help you kasi...”

“Kasi?”

“kasi...”

“kasi?”

“kasi...”

“bakit nga ba kasi?” he finally asked impatiently.

“May tinutulungan na din akong mapasagot si Kate. Sorry” I bit my lip. Gusto ko sana siyang tulungan. Yes, he’s annoying but Ethan’s annoyance is of different level... swear! At kung may tutulungan akong mapasagot best friend ko at ang dalawang walang hiya nalang talaga natira sa mundong ito... tutulungan ko nalang si Kyle, mas bagay pa sila noh, and he has helped me big time today.

“Sino?”

“basta... secret na yun.”

“ok... sino?”

“ay! Secret nga yun! You don’t know him naman eh”

“ok... sino?”

“ilang ulit kaba ipinanganak ha? Ba’t ang tigas tigas ng ulo mo? Secret nga!”

“ok ok relax” tumawa siya “wag mo nalang siyang tulungan Bob, ako nalang. Pleaseeeee” sabi niya na nagpa-puppy eyes pa.

“sorry talaga... may contrata kasi kami eh. I’ll do anything in my capacity to return the favour pero wag lang yang... about kay Kate.”

He pouted “ok” and smiled “ I guess ang kagwapohan ko nalang ang tanging kong pag-asang mapasagot ko si Kaye.”

“kapal mo “ I grinned. I hate to admit it, but I’m starting to hate this guy less and less by the minute. I like his arrogance, because his type of arrogance is like mine, yung tipong I like to call ADNI; Aroganteng di nakaka-inis. Yung tipong parang joke lang ang pagyayabang sa sarili, well jokes are half meant pero yung parang dinadaan lang sa joke na imbes mainis ka sa kayabangan ay natutuwa ka instead? Kyle has that king of arrogance and I believe I contain the same, do I? Or assuming lang talaga ako?

Assuming kalang! ikaw yung tipong ANS, aroganteng nakakasakal!

Salamat ever supportive conscience, salamat...

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon