Chapter 9

44 2 0
                                    


Monday na at nai-cheka ko na lahat about kay Kate sa mga LG. I told them na dito sa Lagals high uli mag-aaral si Kate at excited na akong makita siya. Biro niyo, 6:30 pa ako dito sa school para salubungin lang si Kate?

Naging friends din ang LG kay Kate, di nga lang ganoon ka close because si Kate talaga bestfriend ko noong first year dahil wala pa nabuo ang LG nun. Second year lang kasi naform talaga ang LG nang naging magclassmates na kami nina Eryll, Ayka, Tep at Angie and since then di na kami nagkahiwalay kasi, alam niyo na, mejo pasipsip yung owner ng school sa parents ko so, I always get it my way. Pero di ako nang-aabuso ha!.... sometimes lang :D  

Naiconnect ko narin ang love story netong si Ethan at si Kate.And the story goes like this...

.

.

.

Magkababata si Kate at si Ethan. Si boy nagkaroon ng feelings kay girl pero si girl... parang ewan, siguro nagpapakipot? nagpapavirgin? o baka di lang talaga niya type si boy-basted,di ko talaga alam. So, after gumaduate ni girl sa elementary, kinaylangan niyang lumipat sa di kalayuang city, which is here at siyempre dito din siya sa Lagals High nagtransfer and studied for a year. Si boy naman, since parang sobrang natamaan ata, lumipat din dito the next year, which is noong second year highschool na kami, pero because of his luck, yung babaeng pinuntahan niya dito'y lumipat nanaman sa ibang school pero this time, sa Korea na. Hindi na rin nasundan ni boy kasi... di ko alam. Baka reality hit him na, pero parang wala pa eh. Baka nakatikim itong si Ethan sa mga magulang niya ng bugbog. hahaha buti nga sa kanya! hahahaha!

"Jeelly are you sure Kate's gonna come? It's almost seven thirty na." sabi ni Angie

"Baka na late lang." sagot naman ni Ayka

"O baka-" di nakatapos si Eryll nang may tumunog

Ting! 


Oi cellphone ko yun.

"Ting!" I imittated at napa facepalm naman si Tep

"Hahay Jeelly when are you gonna get rid of that habit?"

"Bakit, naaanoy kaba?"

"Oo"

"then... never!" I laughed evily at binelatan siya. I attempted to open the text message but was stopped when the door went open and wako wako entered together with our Physics teacher. 

"Ba't kasama ni Teacher Nana si Wako-wako?" Eryll wispered.

"Baka sila na" Sagot ko naman and we all held our laughter. Ayaw kasi namin ni Teacher Nana, di naman sa maldita siya, mabait yan kaya lang... sometimes parang di niya naranasang maging estudyante. Biro niyo two minutes nalang natira sa time, magpapa-quiz pa?

'okay class we have two minutes left, get one fourth sheet of paper' <<< ganyan siya -___-

ito namang si wako-wako, if all of you have already forgotten, siya yung principal naming malaki ang ulo pero maliit ang height at hindi uso ang suklay at toothbrush kaya mukhang nanggayuma sa may-ari nitong paaralan para ilagay siya in his current position.

Ba't nga ba siya nandito?

"Good morning students. I am here to introduce a new student from Korea." sabi nito

ahh kaya pala, may new student.... NEW STUDENT????!!!! 

"Hoi new student daw" I said, excited. Hindi kasi kami sanay sa mga transfer students kasi ang hirap talaga makapasok sa school na'to... financially to be more precise.

"Koreano daw, Sana gwapo, yung sa mga kpop ba. Eek." sabi naman ni Tep. malandi talaga tong bruha...

Kaya nga friends kami eh haha

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon