Chapter 1

240 6 8
                                    

"Yan ba si Jeelly? Ang ganda naman nya." sabi ng isang babae na naka-glasses

"Oo nga mas maganda siya sa personal kesa sa mga pictures" sagot naman ng kaibigan niya.

I looked their way and smiled making them open their mouth a little bit. I am walking in the hallways; all eyes on me.

Ako nga pala si Jeelly, Jeelly Amonte. If you're thinking of Amonte Hotels, Oo amin yun. Hindi naman sa pagmamayabang ha, proud lang talaga ako sa success ng parents ko.CHOS! and yes, naniniwala ako sa sinasabi nila, na maganda ako hehe.

Kung ididiscribe ko ang sarili ko masasabi kong matangkad ako...

JOKE!!! 

Hahaha 5'1 lang pa lola niyo haha. Di naman ako pandak di nga lang din katangkaran, in other words... AYS LANG.

 Matangos ang ilong ko which is one, I believe, of my physical assets. Hindi ako maputi, Morena ako and I'm proud of it! and ofcourse naniniwala ako na maganda at sexy ako. NYAK! 

"Jeelly!" I looked back to find Tep, One of my bestfriends, running my way with a big smile on her face.She has short hair at napakadaldal ng babaeng to . Behind her was Angie, Ayka and Eryll mga besties ko din.

"Your so bad talaga Jeelly ha. We planned to walk in this hallway together para katulad ng movies pero you didn't wait for us." sabi ni Angie, ang pinaka girly samin and is better known as "Miss Conyo" Maarte itong magsalita pero she's very fun to be with when you get to know her more. Kaya nga di dapat tayo mag judge. We might hurt others kasi eh. hehe yan nahawa tuloy ako sa pagka-Conyo ni Angie :D

"Ang bagal niyo kaya. I've been waiting for like an hour sa gate. It's so mainit na kaya sa labas" Sagot ko naman mimicking Angie that earned a laugh from Ayka and Eryll making me,Angie and and Tep laugh in unison.

Si Ayka kasi at si Eryll ang pinakapangit kung tumawa sa grupo namin. Alam niyo yun yung mas nakakatawa pa ang tawa nila kesa sa anomang joke. Kaya ang grupo namin palaging masaya kahit ano man ka waley ang joke dahil nanjan si Eryll at si Ayka. 

Classmates kaming lima and that's not very surprising. Alam kase ng principal na barkada ko sila kaya ayaw nilang magkalayo kami and I know they're doing this para sumipsip sa'kin and ofcourse sa parents ko, My parents are like bestfriends at ofcourse business partners din ng owner ng school nato kaya everyone that works here treats me like a princess.

Some rich kids you watch in movies or read in books may not like the special treatment but I don't mind hehe.Unfair?well that's life dear; live with it. Pero di naman ako umaabuso sa special treatment nila.Belive me,di talaga, PROMISE :D

 I was having fun talking and laughing with my bestfriends, ang LG, yan ang tawag namin sa aming grupo meaning "abot LANGIT ang GANDA" Kapal noh? haha pero siyempre kami lang ang nakakaalam ng meaning kase baka sabihin ng iba ang kapal ng fes namin diva?

Pero siyampre may mga hula2 rin ang iba lalo na ang mga haters namin tulad ng...

 "mga malaLANDING GUMAGAPANG" o di kaya'y...

 "malaLANDING GUMUGULO sa lovelife" o di ba, malalandi daw kami? pero di yan totoo noh hindi kami katulad nila na siyang unang lalapit sa mga lalake, Ang mga lalaki mismo yung lumalapit samin! Sila ang tunay na MALALANDI! Chozzz! haha

Pero seriously, inggit lang  yang mga haters na yan samin kaya nga gustong gusto ko yung kanta ni Keri Hilson. Yung Pretty Girl Rock... Don't hate me cause I'm beautiful. Don't hate me cause I'm beautiful...

oh diba???

bagay samin ang kanta...

We are BEAUTIFUL bwahahaha. 

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon