KABANATA 2

957 10 1
                                    

Tinitigan ko siya habang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Ang light-brown nitong mapupungay na mata na binagayan ng mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, pantay-pantay na mapuputing ngipin. Pangahan at ang manipis nitong mamula-mulang labi. Kitang-kita rin ang hubog ng katawan nito. Mas lalong nadedefined ang biceps at triceps nito. Siguro may abs din ito. 


Damn! He's so gorgeous now. Hindi ako makapaniwala na magtatransform ng ganito ang binully namin noon.


Bigla itong napatingin sa kanya. Bigla akong napaiwas ng tingin. Nag-init ang pisngi ko sa sobrang hiya. Baka isipin nitong nagagwapuhan ako sa kanya. Tsk!


"Ang gwapo talaga ni Harry ngayon parang model. Katawan pa lang, pak na pak na!" nakangising sabi ni Lyka habang kumakain.

"Oo nga eh, I can't believe na gagwapo siya ng ganun." segunda naman ni Rovelyn.


Nandito kami sa Cafeteria. As usual, maingay dahil kamustahan dito, kamustahan doon. Susubo na sana ako ng biglang tumahimik. Napatingin ako sa pintuan, saktong kapapasok lang nila Harry at sa likod nito ang mga kaibigan nito na sina Vincent at Christian. Narinig kong napasinghap lahat ng nasa cafeteria. Seriously?! Ganito ang epekto niya sa mga tao?


Napatingin ako sa paligid. Wala ng vacant seats. Ang inuupuan namin ngayon ay pangwalong tao, walang nakaupo sa harap at sa tabi ko.


Damn! Sana wag silang umupo dito. Sana may biglang matapos kumain para magkaroon ng vacant seats o kaya may mag offer sa kanila ng ganun pero mukhang hindi natupad ang dalangin ko.


"Pwede ba kaming makishare?" sabi ni Christian na may dalang tray kung nasaan ang kanyang pagkain.


Napalinga ako, hoping na may natapos ng kumain pero wala talaga.


"U-uhm... S-sure." sabi ko.


Umupo sa tabi ko si Christian samantalang si Harry at Vincent sa harapan ko umupo. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa na si Christian ang katabi ko ngayon at nasa harapan ko si Harry.


Bumuntonghininga ako. Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko. Samantalang ang mga kaibigan ko, ganadong kumain habang pasulyap-sulyap kay Harry. Ang mga walanghiya! Kung makatingin sila kay Harry parang wala silang atraso dito.


Napatingin ako sa kanya na kumakain ng biglang tumingin din siya sakin.Uminit ang pisngi ko.Huling-huli niya kong nakatingin sa kanya. Syet! nakakahiya! 

Torture loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon