KABANATA 5

1.1K 22 4
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa sinabi ni Harry kahapon. Gayunpaman, maaga akong pumasok kinabukasan kahit na medyo inaantok pa ako.


Pagkadating ko sa room halos kalahati pa lang ang pumasok dahil may 30 minutes pa bago mag start ang klase. Nakita kong nandun na din sila Rovelyn, Lyka at Rose ann. Pagtingin ko sa upuan nila Harry wala pa ito. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Agad akong hinila paupo ni Rovelyn at tinanong nila ko ng sunod-sunod.


"Anong nangyari?"

"Magkasama ba kayo ni Harry kahapon kaya parehas kayong absent?"

"Hinatid ka ba niya?"

"Nagdate ba kayo?"

"Nanliligaw na ba siya sayo?"


Namilog ang mata ko sa huling tanong nila. "Pwedeng isa-isang tanong lang? natatawa kong sabi. Oo, magkasama kami ni Harry kahapon. Nakita kong nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Hinatid niya ko sa bahay at hanggang doon lang yon. Hindi pa siya nanliligaw saken.


"Hindi pa? tanong ni Rovelyn. Hinihintay mong ligawan ka niya?"


Natigilan ako sa tanong niya. Hinihintay ko nga ba? Imposibleng manligaw siya saken dahil maraming mas magagandang babae dito sa school namin. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong nito. Iniba ko na lang ang usapan.


"Ano pala ang ginawa niyo kahapon?"


"Wala naman. Nag attendance lang kami." aniya.


May narinig akong suminghap. Napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan sa labas ng room namin. Yung iba namang babae naman halos magka lockjaw sa pagkakalaglag ng panga.


Tumaas ang kilay ko. Anong meron sa hallway at ganyan ang mga reaksyon nila? Bago pa nasagot ang tanong ko. Nakita kong nag give way ang mga babae at pumasok si Harry sa room namin.


"What?" bulong ko sa sarili ko.


Nagkatinginan kaming dalawa. Napakurap-kurap ako nang mas lalo kong naaninag ang kagwapuhan niya. Umupo ito malapit samin. Biglang tumabi sa tabi nito sila Christian at Vincent na halos kasunod lang nito.


"OMG! Ang gwapo-gwapo niya talaga!" tili ng isang babae sa labas na halos mangisay sa kilig.


Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Harry na napapalibutan na ng mga kaklase kong babae. Halos lahat ng classmates kong babae ay nasa paligid na ito. May natirang tatlong babae na tahimik lang nakaupo at walang pakealam sa presensiya ni Harry. Seriously? 2nd day niya pa lang dito tapos may mga ganito ng eksena?


Bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga classmates kong nakapalibot kay Harry ng dumating ang professor namin.


"Good morning class! bati nito. Everybody stand up! Seating arrangement tayo. Let's do this through alphabetical order okay? Alternate Boys and Girls."


May ibang nagprotesta at may iba namang nasiyahan lalo na ang mga classmates kong babae.


"Ano ba ang surname ni Harry? Sana ako ang katabi niya." narinig kong bulong ng classmate kong hindi ko kilala.


"Asa ka naman. Ako kaya." sabi pa ng isa.


Nagsimula na ang seating arrangement. Ilang sandali ang nakalipas bago ako ang natawag.


"Liam, Jamie and . . . ."


"Moralio, Harry." 


Maraming nadismaya ng marinig iyong sinabi ni Ma'am. Natuwa ako sa isiping makakatabi ko siya ng biglang napalitan ng inis ng makita ko kung sino ang katabi nito sa kanan. The slut of the town. Maraming may galit dito dahil malandi ito dahil kahit may girlfriend na ang lalake nilalandi pa rin nito basta type nito.


Bale ang seating arrangement namin ay ganito. Limang upuan sa isang row. Si Rose ann, yung isang lalakeng hindi ko kilala, ako, si Harry at yung slut naming kaklase. Nasa likod ko naman sila Rovelyn, Christian at Lyka. Si Vincent naman ay nasa harapan nakaupo dahil Balceda ang apelyido nito.


Napatingin ako sa katabi kong si Harry. Napatalon ako ng bahagya ng bigla niyang ibinaling sa akin ang tingin niya. Nag-iwas ako ng tingin. Naamoy ko ang pabango niya. Hindi ko alam kung anong gamit nitong perfume pero effeortless ang bango nito. Hindi masakit sa ilong. Lalaking-lalaki. Hindi ako makatingin dahil naasiwa ako sa kanya.


"Yung mga katabi niyo ay ang partner niyo sa incoming foundation day. Nagbulungan sa protesta ang buong klase. Nung last year kasi kung sino ang gusto mong maging grupo, yun na ang grupo mo. Kaya magkakagrupo nila Lyka, Rose ann at Rovelyn. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kagrupo ko si Harry. Okay class, That's all for today! Magmeeting na kayo ng kagroup niyo kung anong gagawin niyo sa foundation day. Good luck and have a nice day!"


 _____________________________

A/N:VOTE PLS. :) ISANG CLICK LANG PO. PAGBIGYAN NIYO NA KO. :) LEAVE A COMMENT PARA GANAHAN PO AKONG MAG UPDATE. THANK YOU READERS! :) <3

Torture loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon