PROLOGO

1.9K 10 0
                                    

PROLOGO

"OMG! ang gwapo talaga ng boyfriend mo!" sabi ni Lyka sakin habang tumitili sa kilig.


Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya, maski ako napasinghap at kinilig ng makita ko si Schubert Demitillo.


Nandito kami sa court. Pinapanood namin itong magbasketball, hindi ko namalayan na tapos na pala itong maglaro ng Basketball kasama ang mga kaibigan nito. Boyfriend ko ito since last month pa, bale ito pa lang ang matagal kong naging boyfriend.


"Oh! Andito rin pala si Harry." ani Rovelyn na nakangisi.


Ngisi pa lang nito alam na niyang may gagawin itong kalokohan.


"Asan?" naghahanap ang mga matang tanong ni Rose ann.


"Ayun! Nakatingin satin, I mean nakatunganga kay Jamie."


"Hayaan niyo na lang". Sabi ko sa mga ito.


Kamakailan lang ay nabuking ang damdamin nito sa kanya sa pamamagitan ng isang love letter na aksidenteng nalaglag sa notebook nito. Napulot ito ng maloko naming kaklase. Ganoon na lang ang pamumula ng mukha nito dahil sa pagkabisto ng sikreto nito.


Doon na nagsimula ang pang-aasar ng mga kaklase nila kay Harry. Pang-aasar na may kasamang panlalait dahil sa hitsura nito. Pinabayaan niya lang ang mga ito dahil nag eenjoy siya sa ideyang may gusto sa kanya ang matalino nilang kaklase.


"Ano kaya kung pagtrip-an natin ngayon si Harry, Jamie? Katuwaan lang." nangingislap sa kapilyahang sabi ni Lyka.


"Oo nga." segunda naman ni Rovelyn. "Patay na patay sayo si Harry, siguradong magkakandarapa yon malapitan ka lang niya.


"Tigilan niyo nga ko!"


"Ang killjoy mo naman." ani Rose Ann.


"Uy, mukhang naawa siya kay Payatot. Baka naman iba na yan?" patuloy na pambubuska nila.


Naitirik ko ang mga mata sa inis. "Ano bang gusto niyong mangyari hah?!"


"Yes!" Nag-apir ang tatlo na nangingiti. "Ganito, tatawagan namin si Harry. Sasabihin naming tawag mo siya tapos utusan mo."


"Anong iuutos ko?"


"Pabilhin mo ng sampung softdrinks at limang burger. Kapag nagawa niya, kunwari may premyo siya ng kiss sayo."


Nanlaki ang mata ko. "Baliw talaga kayo! Bakit hindi kayo ang humalik sa kuhol na yon!"


"Tangek! Kunwari lang noh! Papipikitin mo siya para ikiss tapos kami na ang bahala."


"Bakit? Anong gagawin niyo?"


"Hmmm... curious lang kami kung ano ang tinatago niya sa loob ng kanyang shorts." ngisi ng mga kaibigan niya.


"Mga sira kayo!" Napabungisngis ako but i like the idea. Nakuha ko ang ibig mangyari ng mga ito.


"Oh, sige umpisahan nyo na."


"Tawagin na namin."



Bigla siya naawa sa kaklase ng makita niyang hindi magkandaugaga ito sa pagdala. Magkabilang kamay ang may hawak na softdrinks, kagat naman ng bibig nito ang plastik bag na may lamang mga burger.


"Salamat." sabi niya rito ng makarating ito sa kanila.


"Walang anuman." sagot nito sa maligayang tono.


Kinindatan ako ni Lyka. Lihim ko namang pinandilatan ito ng mga mata.


"Gusto kitang ikiss bilang reward mo sa ginawa mo samin ngayon."


Nginitian ko ito ng hindi kumibo. "Wala bang magagalit sayo pag ginawa ko yun?"


Mabilis itong umiling habang nakaawang ang bibig.


"O sige, but close your eyes."


"N-ngayon na? D-dito....?"


Tumango ako, nakaramdam ng excitement sa nakatakdang gawin.



Sumunod naman ito, ipinikit ang mga mata ngunit halatang kabado.

Sumenyas ang mga kaibigan ko. Si Lyka ang nakapwesto sa likod ni Harry.


"One, two, three....!" pagbibilang ng mga ito.



Sa isang iglap ay kumilos si Lyka, nagawa nitong maibaba ang shorts ni Harry na garterized ngunit sa sinamaang-palad na sumama ang puting brief nito.


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Namayani ang malakas na tawanan.


Pulang-pula ang mukha ni Harry sa pagkapahiya. Mabilis nitong dinampot ang nahulog na shorts at brief saka tumakbo.



"Ang sakit na ng tiyan ko" naluluhang sabi ni Rovelyn habang tumatawa.


"Maluwag pala yung garter ng brief ni Harry."


"Ano, ano malaki ba?" natatawa pa ring sabi ni Lyka.


"Gaga ka talaga, Lyka! Bakit isinama mo pati brief?" sita ko sa kanya pero ang lakas ng dagundong ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa nakita ko o dahil maaaring magalit si Harry at malamang na magsumbong ito sa principal.



"Hindi ko naman alam na naisama ko pala yung brief niya. Hindi na Harry pangalan niya kundi Hairy dahil mabalbon pala siya."natatawang wika pa rin nito.


Torture loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon