KABANATA 3

828 9 0
                                    

"Kamusta kana?"  ani ni Rovelyn kay Harry ng natapos na kaming kumaen.


Naiilang pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya matignan ng diretso. Mas lalo akong namula ng makita kong nakatitig pa din siya sakin. What's happening to him? He's making me more uncomfortable.


"Eto mas okay na kasi nakita ko na naman ang inspirasyon ko." narinig kong sabi ni Harry.


Ako ba ang tinutukoy nitong inspirasyon? Assuming ka Jamie! It's been 2 years ago. Imposibleng hanggang ngayon may feelings pa rin ito saken o baka infatuation lang ang nararamdaman nito at that time because we're too young to love.


"Sinong inspirasyon naman yun Harry?" ramdam kong tumitig saken si Rovelyn. Marahil umaasa ito na baka ako yung inspirasyon na tinutukoy ni Harry.


Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagkibit-balikat lang ito. Ayaw sagutin marahil ang tanong ni Rovelyn o hindi lang talaga namin pwedeng malaman kung sino yun kaya hindi nito sinabi.


"You know each other?" nagtatakang sabat ni Vincent habang palipat-lipat ang tingin kila Harry at Rovelyn.


"Yes, we are. sagot ni Rovelyn. Classmate namin siya nung high school."


"Namin?"


"Yap! Kameng apat."  tinuro kaming tatlo ni Rovelyn.


"Really?! What a coincidence!"


Tumayo ako. "U-uhm, excuse me. Cr muna ko.


Tumango lang sakin si Rovelyn na busy pa din sa pakikipag-usap kay Vincent habang sila Lyka at Rose Ann ay busy sa pakikipagtext. I wondering who's their textmate.


"My gosh! Ang gwapo ni Harry! Makalaglag panty!." patiling sabi ng babaeng mukhang clown sa kapal ng make-up.


Napatigil ako sa pagreretouch. Wala pang isang araw na nandito si Harry sa school. Hearthrob na kagad siya? Pinagpatuloy ko ang pagreretouch ko habang pasimpleng nakikinig sa kanila.


"Sinabi mo pa! Balita ko wala pa daw siyang nagiging Gf." sabi ng kasama nito.


"Diba section 1 siya? Sayang! Bakit pa kasi sa section 2 ako nilagay?!"


"May pag-asa kapa naman kahit na hindi natin siya classmate. Diba nga wala pa siyang Gf? Malay mo ikaw na yun!" pang-eencourage ng kasama nito.


Gf?! No way! Tinapos ko na ang pagreretouch ko at bumalik na sa table namin. Nakita kong nag-iisa na lang si Harry na nakaupo dun. Nasaan sila? Tinignan ko ang counter baka bumili lang ulit sila pero wala sila dun. Shit! Iniwan nila ako?


"A-asan sila? tanong ko.


"Nauna na sila sa room. Tumayo ito. Tara na."


Nanginig ang tuhod ko. Seriously? Kaming dalawa lang ang maglalakad papunta sa kabilang building? Maglalakad na sana ako ng may naramdaman akong malamig na tubig sa damit ko. Napatingin ako sa gilid ko.


"S-sorry miss." sabi ng lalaking nakatapon sakin ng tubig. Akmang pupunasan pa sana niya ang basang parte na nasa bandang dibdib ko pero pinigilan ko kaagad.


"Ako na." Nanliit ang mata ko habang tinitignan siya. Ist day of school. Ganitong kamalasan kaagad ang inabot ko.


"Miss, sorry talaga." sinseridad nitong sabi ulit.


"Jam- lumingon sakin si Harry ng naramdaman nitong hindi ako nakasunod sa kanya. Dali-dali itong lumapit. Anong nangyari sa damit mo? Napatingin ako sa white blouse ko. Juice pala ang natapon saken hindi tubig kaya pala ang lagkit ng pakiramdam ko.


"Wala.. natapunan lang" nilingon ko ang careless na lalaki.


"S-sorry ulet miss..." umalis na ito.


___________________

A/N: VOTES AND COMMENTS. :)

Torture loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon