KABANATA 1

1K 8 0
                                    


"O, bakit maraming nagkakagulo sa bulletin board?" tanong ko kila Lyka, Rovelyn at Rose Ann pagkadating ko sa school.


1st day of school ngayon. Second year college. We decided to take up Bachelor of Science in Industrial Engineering para hindi na kami magkahiwa-hiwalay kahit na hindi ako sang-ayon at si Rose Ann sa desisyon na ito dahil may kahinaan kame sa Math.


Nakakapagtaka lang ngayon dahil nung nakaraang taon konti lang ang tumitingin pero ngayon may tumatalon-talon pang ilang estudyante sa likod para makita lang ang nasa bulletin board.


"May transferee daw!" tili ni Lyka na may kasamang hampas sa braso ko.


Tumaas ang kilay ko. "O, ano namang bago dun? Nung nakaraang sem may transferee din ah, dalawa pa nga eh." sabi ko habang nakakunot ang noo.


"Gwapo ang transferee ngayon. Mas gwapo pa daw kila Christian at Vincent." mahinahong sabi ni Rovelyn na parang hindi apektado sa nangyayari sa paligid.


Sina Christian at Vincent ay yung mga transferee nung last sem na classmates namin ngayon. I admit gwapo ang dalawa. Mas sumikat pa lalo ng sumali ang mga ito sa Basketball team.


"Guess what?! classmate din natin siya!" kinikilig pa ring sabi ni Lyka habang papunta kami sa room .

Pagkapasok namin sa room. Nakita kong halos kumpleto ang mga kaklase ko na bihirang mangyari pag unang pasukan pa lang. Dumiretso kami sa bandang dulo para umupo dahil wala ng vacant seats sa harapan.


"Good morning class! bati ng professor namin. We have another transferee. You may come in now." sabi nito habang nakatingin sa labas ng pintuan.


Nalaglag ang panga ko ng pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki habang nasa likuran nito sina Christian at Vincent. Dumiretso ito sa harapan para magpakilala samantalang yung dalawa naupo na sa likod na may kalapitan samin.


"Good morning everyone! panimulang bati nito. I'm Harry Moralio came from Cebu. 18 years old and very much available." ngumiti ito sabay kindat sa mga kaklase naming babae na tumitili.


Napasinghap ako ng dumiretso si Harry papunta samin. Akala ko samin siya tatabi pero kila Christian at Vincent ito dumiretso para umupo. Kitang-kita kong halos lahat ng kaklase naming babae nakalingon sa likod kung nasan si Harry. Hindi alintana kung mabali ang mga leeg ng mga ito.


Nagbalik tanaw ako sa nakaraan. Hindi ito yung Harry na nerd kong kaklase na patay na patay sakin nung High School. Matangkad, mapayat, ang buhok nitong may hati sa gitna, makapal na salamin sa mata at brace sa sungki nitong mga ngipin. Ibang-iba na ang hitsura nito ngayon. Naalala pa kaya nito yung ginawa naming magkakaibigan sa kanya noon?


"MALAMANG JAMIE!" sagot ko rin sa sarili kong tanong. Who would forget that embarrassing moment? Damn! Bakit pa kami pinagtagpo ulit. Hindi ko alam kung paano ang makikitungo sa kanya despite of what I've done to him.

Torture loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon