C~3 [Eventful Surprises]

5 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang Araw at Buwan ay todo ingat at pasimpleng iwas si Aya sa kanyang Hinahangaan na kaibigan dahil sa kinatatakutan niyang mas lumalim pa ang kanyang paghanga dito at....

Ayaw niya umabot sa puntong mahal niya na ito hindi bilang kaibigan kundi higit pa dun

"GO! AYA WHOOOO!!!!" Sigaw ng mga taga suporta ni Aya sa pagsasayaw.

Sa kasalukuyan ay sumasabak sa isang kompetisyon si Aya at ang iba pang kasama niya sa Dance troupe ng kanilang eskwelahan.

Kilala si Aya sa isa sa mga pinakabatang nakapasa sa audition noong nasa 4th grade siya ay nag audition siya kahit marami ang nagsasabi na hindi niya kayang makipagsabayan sa mga matataas na level sa eskwelahan.

Pero di siya nun sumuko at ipinagpatuloy niya pa rin ang pag sali kaya kahit pangalawang beses palang siya kasama sa kompetisyon ay kilala na siya sa eskwelahan nila nag champion rin sila last year noong 4th grade palang siya.

"WHOOO!!!" Nag Palakpakan, sigaw, sabay standing ovation ang mga hurado ng kompetisyon.

Kalaban nila ang iba pang branch ng pribadong eskwelahan Halos taon taon ay pagsasama sama ng mga ito upang magsilbing activity sa lahat at mahubog ang talento ng mga estudyante.

Bumaba na ng stage sina aya at ang mga iba pang miyembro.

Sinalubong naman siya ng kanyang mga tropa at ang isang taong di mawawala pag sumasabak siya sa kompetisyon na nagsisilbing lakas at inspirasyon niya.

"Grabe! Bilib talaga kami sayo aming reyna!" Sabay na sabi ng mga tropa niya pa. At niyakap nila siya

Na sina Klarc, Derix, Dielo, Jozua at Davien

Sila ang mga Solid na kaibigan niya bukod ky Dos

Nasa isang grupo lang naman sila ng mga magkakaibigan kaya magkakasama talaga sila.

At siya ang iisang babae sa grupo.

Kaya Reyna ang tawag sa kanya o empress ay basta yun kung ano naman kasi ang matripan na tawag sa kanya eh basta reyna pa rin ang kabaliktaran nun. Pare pareho lang naman.

Marami ang naiinggit sa kanya pero wala din naman silang magagawa eh pano ba naman kasi puro heartthrob yung nasa grupo nila tas siya lang ang babae.

Sa iba malandi tingnan at di maganda pero mas maayos pa nga ang mga kaibigan niyang lalaki at pinapahalagahan siya nirerespeto at pinoprotektahan hindi kagaya ng ibang kaibigan na babae di mo alam kung bina back stab ka na ba o hindi.

Well!

Di naman lahat i don't take it in general may iba lang talaga.

Tumabi naman agad ang mga kaibigan niya upang mag give way sa kanyang bff na may dalang favorite niyang pagkain.

Isang Tera size ng Cheese Flavored fries at tubig alam kasi nito na hindi siya mahilig sa mga soda at more on water lang talaga ang iniinom niya.

"ANG GALING MO TALAGA " Sabi ni Dos sabay yakap ng marahan sa kanya .

"SUS! Tsansing!" Kantayaw ng mga kaibigan nila sabay Tawanan at nag Reklamo pa Ang iba na wala man Lang na pagkain para Sa Kanila.

Na itinawa na lamang nilang dalawa para maiwasan ang biglang pag awkward ng hangin.

Binigay ni Dos sa kanya ang dala dalang pagkain. At pinunasan ang kanyang pawis sa mukha ng marahan .

Sanay na siya dun gentlemen talaga ang bff niya kaya nga siya nahulog eh at ang ibang babae dami ngang nakapila sa kanya pero mas importante daw si Aya bleh!

FEELINGS {ON GOING}Where stories live. Discover now