Mixed colors, empty canvas, some crumpled papers and paint brushes are all in front of me in a messy arrangement. Nakatitig ako roon ng ilang minuto na, hindi nalalaman kung ano ba ang dapat na gawin. Tanging ang paghalo lang ng iba't ibang kulay ang nagawa ko. Hindi ako nakatapos ng kahit na ano.
Hindi ako makapinta ng isang mukha ng tao. Matagal ko nang sinubukan ngunit hindi ako nagtagumpay. Masyadong malayo ang itsura sa pinagkukuhanan ko ng base. Kung hindi naman ay hindi pantay ang nagiging linya ko.
I like painting the nature. Hindi yata para sa akin iyong paggaya sa mukha ng isang tao. I feel sad for myself. Sad because I like to improve my talent, to see the beauty of giving color to someone's apperance through my skill, to prove that giving me a chance won't be a problem.
Tumingin ako sa kalangitan. Nagbabadya na ang paglubog ng araw. It is now showing an orangey color mixed with a slightly pink, the thing that I will always love to paint. Marami akong naipinta na ganito sa bahay. Naka-display lang lahat ng iyon sa loob ng kwarto ko. Parang hidden art gallery na iyon sa mga nagawa ko.
Pinunasan ko ang noo saka na sinimulang ayusin ang mga gamit. Tinapon ko ang mga nagamit na papel sa pag-drawing kanina sa basurahan, iyong mga nagkalat na mga kulay ay pinunasan ko na.
Alas singko ng hapon. Hindi pa nakakalabas si ma'am De Jesus sa kanyang silid-aralan. She's busy encoding some grades. Habang ako naman ay nandito sa labas at sinubukan ang talentong pantanggal ng tagal sa paghihintay.
Ilang sandali pa ay lumabas siya. Tumayo na ako saka sinubukang dalhin iyong mga folders na dala niya. She looked at the empty canvas and my paints.
"Akala ko tuloy may aabutan akong panibagong pinta mo. Madalang na kitang nakikitang nagpipinta, ah?" She touched the canvas. Napapahiyang ngumiti ako ng bahagya.
Tama si ma'am. Madalang akong magpinta ngayon dahil sa walang makuhanan ng inspirasyon. Pinagkakakitaan ko iyon minsan pero ngayon lang talaga ako nawalan ng ganang magpinta.
"Oo nga, ma'am. Ayoko namang puro paglubog ng araw na lang ang ipinipinta ko. Hindi naman pwedeng pagsama-samahin ko na lang iyong mga kulay. Magastos po, eh," dahilan ko. Sa kita ko minsan ako kumukuha ng pambili o 'di kaya ay sa naiipon kong pera mula sa baon ko.
She examined the paints, looked at it with a hint of confusion as if it's something that caught her attention. Inayos ko ang shoulder bag, pati iyong walang lamang canvas ay inipit ko sa braso habang bitbit ang mga folder.
"Paubos na ang mga ito, ah? Hmm. Saan ka ba bumibili ng mga ito?"
"Po? Sa tindahan lang po sa may bayan. Iyong mga mumurahin lang po ang mga pinipili ko."
Sa katulad kong kapos sa pera, iyong mumurahin ang binibili ko. Wala namang problema kung ganoon kasi nagiging maganda naman ang kalalabasan ng ginagawa ko. What matters to me the most is the outcome, not the quality and the price of the paints I am buying.
Isa-isa ko nang sinilid sa tote bag ang mga iyon. Hinintay ako ni ma'am De Jesus na maisilid lahat nang iyon hanggang sa makaalis na kami sa paaralan.
"Pwede kang magtayo sa susunod ng art gallery mo. Ako ang unang bibisita kapag mangyayari iyon. Hanga ako sa talento mo, Diana. I wonder if you are willing to share it to the world?" Sumasabay ako sa lakad ni ma'am.
Iyong canvas ay nakaipit sa kilikili ko habang bitbit ang mga folder niya tapos sa magkabilang braso ay ang tote bag at ang shoulder bag ko.
Napapahiyang kumamot ako sa ulo sa sinabing iyon ni ma'am. Syempre, payag akong ipakita sa mundo iyon. Sino ba namang aayaw sa ganoong ideya?
YOU ARE READING
Fourth of October (Juntarsiego Series #1)
RomanceIn the world of goodness, there will always be a bad side. Jaeden Luis Juntarsiego is not what you think of. A son of a rich man, the eldest of the Juntarsiegos is part of something that Diana didn't think of. The difference of their world slowly me...