Chapter 9

66 4 1
                                    

As what I've promised to myself, I gave the painting to ma'am De Jesus wholeheartedly and welcomed her view about the painting.

Inieksamin niya iyon gamit ang mapanuring mga mata. She's holding the canvas like it's the most precious thing she have seen today. Naiisip ko tuloy na baka hindi niya nagustuhan o 'di kaya ay palpak at hindi tama ang pagkakagawa ko.

Jaeden liked it. Kaya sana pati siya ay magustuhan din dahil wala akong ibang ibibigay kay Jaeden kapag uulit ako. Nakakahiya naman kung puro suman ang ibibigay ko sa kanya.

"Okay lang po ba, ma'am? Kailangan ko pa po bang ulitin?" tanong ko nang hindi man lang ito nagsalita ilang segundo na ang nakakalipas.

Sobrang simple lang naman ng ginawa ko. Wala akong nakikitang anong espesyal sa ginawa bukod sa mukha nga ni Jaeden ang nakapinta roon.

Bumaling siya sa akin na tila narinig ang pagsalita ko sa tabi niya. Marahan niyang ibinaba ang hawak saka napapamanghang tumingin sa akin.

"Sigurado kang ikaw ang gumawa no'n at hindi si Jaeden?" I nodded as a response. Sa pagkakaalam ko, wala namang hilig iyong isang 'yon sa pagpipinta kaya malabong mangyari.

I agreed to paint her something and now that I've done it, she won't believe me. Pwera na lang kung alam nga niyang nagpipinta si Jaeden saka hindi ko alam ang tungkol doon.

"Diana, sobrang ganda! Kuhang-kuha mo ang mukha niya at ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yong mas maganda kung ipagpapatuloy mo ang pagpipinta nito!" Tinuro niya iyong ipininta ko. She have the same reaction with ma'am Teresa. Interesado sila sa ginawa kong pagpinta.

Not bad for a first timer. Lagi kong sinasabi sa sarili na hindi ko kayang gumawa ng ganito, pinaniwala na wala akong talento pagdating sa pagpipinta ng mukha ng isang tao. Now that I've tried, I guess I proved something to myself now. I just lack confidence on this matter.

Akala ko wala na akong ibang magagawa. Turned out that people appreciates it. Ma'am De Jesus appreciates my talent.

"Tignan mo nga. Lalo na iyong mata ni Jaeden. Sigurado akong natuwa ang batang iyon sa pinamalas mo!"

"Iyon nga po, ma'am. Na-appreciate niya naman po. Hindi nga lang katulad niyo na sobrang saya," pag-amin ko saka sinundan ng kaunting tawa iyon.

Ano kayang itsura niya kapag nakangiti? Hindi ko pa kasi nakikitang nangiti iyon, eh. Sa tagal ko nang kilala siya ay ni minsan, hindi ako nakakuha ng tyempong nginingitian ako.

"Oh? Naku talaga. Ang importante ay nakita niya itong gawa mo. I suggest na ipagpapatuloy mo ito. Pwede mong ibenta para sa pagkolehiyo mo! Sigurado akong malaki ang kikitain mo."

I suddenly thought of being a college student. Paniguradong hindi ako makakapunta sa ibang unibersidad. Tanging nasa bayan lang ang choice ko dahil masyadong mahal naman kung sa Manila ako mag-aaral.

Isa pa, hindi afford ng magulang ko roon. Malaki ang tuition na halos aabutin ng ilang libo. Kaya kung pagsasamahin ko man ang kikitain ko sa mga gawa ko, hindi pa rin sapat para makatuntong ako sa 4th year nang hindi naghihirap.

I massaged my neck as I keep on thinking about the money that I will need for my college. Iyong sa bayan, pampubliko pero hindi maiiwasang may gagastusin din. Ayoko namang pilitin sina mama kasi sila lang din ang nagsasabi sa akin na kung saan ko gusto, doon sila payag.

"Eh ma'am, hindi naman po sapat lahat ng kikitain ko riyan. Ang sa akin lang, makatulong kina mama kaya kahit kaunti, may ibibigay ako sa kanila."

Her eyes contains this pity on me. Simula dati ay alam niyang wala akong ibang gusto kundi ang tulungan ang magulang ko. Lagi kong bukambibig, eh.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now