Mabilis na naligo si Thea para pumasok ng opisina. Inayos niya din ang mga babauning damit at pagkain. Pagkatapos kasi ng siyam na oras sa opisina, nagpa-partime cleaner din siya. Gusto niyang makaipon, para makabili siya ng sariling bahay. Para hindi na siya hamakin ng ina. Hindi pa sapat ang naipon niya. Nagde-deposit pa rin naman siya sa account ng magulang, bilang suporta sa mga ito. Kahit alam niyang may pera ang mga ito, galing sa sustento ng mga kapatid.
Sa kabutihang palad, sinuwerte naman siya sa abroad. Ikalawang taon na niya dito sa Dubai ngayon.
Yes, isa siyang OFW dito sa Dubai. Dahil lang naman sa kaibigan niyang si Vina kaya siya narito ngayon. At ang magulang niya ang naging dahilan kung bakit siya napapayag ng kaibigan na magtrabaho dito.
Graduate siya ng BS Tourism, pero wala siya sa sariling field. Nasa isang construction firm siya ngayon nagtatrabaho bilang office staff. Pagkatapos ng graduation niya, nag-apply naman siya sa Pilipinas. Kaso hindi siya pinalad na makakuha ng trabaho na may kinalaman sa kurso niya.
Malayo man sa kurso niyang tinapos, tinanggap niya pa rin ang alok ng kaibigan. Ikaw na kasi pag-almusalin ng ina mo ng sermon. Hindi pa ito nakokento, ginagawa pa niyang tanghalian. Minsan naman desert pa sa gabi. At, sa lahat ng desert, iyon ang nakaka-umay. Paulit-ulit pa. Nakalimutan niyang sabihin, minsan alarm clock pa niya ito sa umaga.
Laging bunganga ng ina kung kailan ba siya magkakatrabaho. Isang taon na daw siyang tambay. Mabuti pa daw ang ibang kapatid niya, may mga stable na daw na trabaho. Tapos nakapag-asawa pa ng mayaman. Alam niya ang pinaglalaban nito.
Marami pa siyang pangarap sa buhay. Napaka-aga pa para mag-asawa.
Napatingin si Thea sa wallclock. Oras na ng pag-alis niya. Bitbit ang sling bag at shoulder bag na may lamang damit at pagkain nang lumabas siya ng silid. Matipid din siya, imbes na lumabas para kumain. Nagluluto na lang siya.
"Morning, folks!" masayang sambit niya ng madaanan ang mga ka-room-mate sa sofa. Paroo't-parito ang ilan dito. 'Yong iba may bitbit na kape, tinapay at kung anu-ano pa. May mga nakapatong din na towel sa ilang kasamahan niya. Naghahanda na rin ang ilan sa pagpasok.
"Morning din, Theang! Ingat!" nakangiting tugon ni Zoe. Isa itong transwoman. Sa salon naman ito nagtatrabaho.
"Ingat, bunso!" halos sabay-sabay naman na bati ng mga nasa sala at kusina.
Oo, bunso ang tawag ng mga ito sa kan'ya. Siya kasi ang pinakabata sa lahat ng kasamahan. Pero, siya lang ang bukod tanging nag-oopisina. Siya lang ang nakapagtapos ng kolehiyo kumpara sa mga ito.
Kung hindi sales lady, cleaner, parlorista, o di kaya construction worker ang trabaho ng mga ito.
Kinawayan niya ang mga ito at nagmamadaling lumabas. Siya ang nauunang pumasok sa mga kasamahan. Maaga ang pasok niya, samantalang ang mga ito ay tanghali. Nagpapasalamat siya dahil wala siyang kasabayan sa kusina nila minsan. Malaya siyang nakakakilos at nakakapagluto.
Muntik na siyang ma-late dahil sa banggaan kanina. Buti na lang nakapagpreno agad ang sinasakyang taxi.
Busy day para sa kanila dahil may audit ngayon. Pero last day naman na. Galing pa sa main branch nila sa Pilipinas ang nagka-conduct ng audit. Pinoy ang may-ari ng construction firm na pinapasukan niya.
Hindi akalain ni Thea na aabutin lang ng alas-dos ang audit. Nagmamadali na kasi ang mga auditor nila.
"May booking ka mamaya?"
Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Si Clark pala. Isa rin itong pinoy na nakipagsapalaran dito sa Dubai para matustusan ang pamilya nitong naiwan sa Pilipinas. Nauna lang siya rito ng tatlong buwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/278338859-288-k959964.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon a Time in Dubai
RomanceDahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan...