Chapter 4

1.2K 43 108
                                    

Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala. 

Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya? 

Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya.

Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito.

Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol. 

Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamilyar sa kan'ya iyon. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-awit nito.

"Can I call you baby? Can you be my friend? Can you be my lover up until the very end?" ani ng malamyos na himig ni Keith mula sa sala.

"Puwede naman," wala sa sariling sagot niya dito, sabay ngiti. Bigla niyang tinakpan ang bibig, dahil baka marinig siya nito. 

Smile na lang ginawa niya nang mga  sumunod na sandali. Lalo siyang ginanahan sa pagluluto dahil sa boses ng binata.

Kung kilig man lang ang pag-uusapan. Magaling si KH, lalo na kapag nasa stage. Pero hindi pa siya nakapunta sa kahit anong concerts ng banda nito. Sa TV, Youtube at sa social media niya lang ito nakikita. 

Malapit na siyang matapos sa paghahanda ng mesa. Tapos na din siyang magsandok ng ulam. 

Tumingin muli siya sa gawi ng sala. Ibang awitin naman ang inaawit nito. Kasama iyon sa album ng banda nito. Gusto niya sanang patapusin ang ginagawa nito. Pero sa huli, hinayon din siya ng mga paa papunta sa sala. Baka kasi lumamig na ang sabaw. Sinigang na baboy ang niluto niya at may gulay din.  

Napatigil ang binata nang makita siya.

"Luto na po, Sir." Nakayuko siya ng bahagya. Ayaw niyang tingnan ito sa mata.

"Okay. Sabayan mo akong kumain," anito at ipinatong ang gitara sa may center table.

Nauna siyang naglakad pabalik ng kusina nito. Alam niyang nakasunod ito sa kan'ya. 

Napatigil siya sa paglalakad nang unahan siya nito. Hinila nito ang lagi niyang inuupuan kaya napatingin siya dito.

"Sit," anito at nginuso ang upuan. 

Nahihiyang naglakad siya at umupo. "Thank you po," aniya dito. Hindi pa rin inaalis ng binata ang pagkakahawak sa upuan.

"Cut the po, Thea, and please call me Keith," bulong nito sa kaniya. Biglang nagtayuan ang balahibo niya. Hindi dahil sa sinabi nito, kundi sa tinig nito. Bakit ba may pabulong-bulong pa itong nalalaman, eh, sila lang naman na dalawa ang narito ngayon.

 "Understand?" anito ulit.

Napapikit siya. "Okay."

Pagkasabi niya ay naglakad na ito patungo sa puwesto nito. Nakatingin ito sa kaniya habang nagsasandok ng pagkain nito.

Tahimik lang siyang sumusubo. Panay naman ang puri nito sa luto niya ng binata. Isang tanong, isang sagot lang siya dito lagi.  Muntik na siyang mabulunan ng tanungin siya nito.

Once Upon a Time in DubaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon