Menudo

0 0 0
                                    


Araw ng lunes sa buwan ng Hunyo. Unang linggo sa pagpasok sa eskwela. Magaan ang katawan ko ng  ibangon ang katawan sa higaan. Parang may magaganap na kakaiba, nararamdaman ko iyon.

Malapad ang ngiti ko habang sukbit sa likuran ang aking bagong bag, yakap naman ng mga bisig ko ang bagong libro na pinag-ipunan ko ng ilang buwan.

Hindi mapawi-pawi ang mga ngiting nakapaskil sa mukha ko habang tinatahak ang pasilyo patungong kantina. Gusto ko kasing pumarito kapag break time. Bukod sa tahimik, maaliwalas ang paligid, dito ako nakapagbabasa ng taimtim.

Masaya kong ibinuklat ang pahina ng libro. Lasap na lasap ko pa ang amoy nito, amoy na nakakaadik. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang amoy ng bagong libro. Weird, pero wala e. May pagkakulang-kulang yata ako sa pag-iisip.

Nasa senaryo ako na pinatid ni Deib si Taguro. Kinikilig talaga ako sa eksena na ito.

“Oy! Watch out!” sigaw ng isang baritonong boses.

Napawi ang ngitiko at napatigil sa pagbabasa dahil sa sigaw nito. Inangat ko ang aking ulo na agad ko ring pinagsisihan. Mariin akong napapikit ng tumalbog ang isang bola sa menudong nasa lamesa ko. Tumilamsik ito sa aking mukha at gayoon rin sa libro.

Halos takasan ako ng ulirat ng makita ang pinakamamahal  kong libro na naliligo sa sarsa ng menudo. Umakyat na rin yata ang lahat ng dugo sa ulo.  Masama kong tinitigan ang lalaking nasa harapan ko. Napaiwas ito nang tingin.

Kung nakakamatay lamang ang uri ng pagtitig ko sa kaniya marahil ay bumulagta na siya.

Suminghap ako bago siya inirapan.
Nagpapadyak akong umalis sa kantina, bitbit ang bag at libro ko.  Dismayado ako ng sobra. Alam niyo 'yung pinaghirapan at pinaka-iingatan mo bigla na lamang masisira ng iba? Hindi naman siya totally na sira, pero malakas talaga ang epekto sa akin ng pagbahid ng menudo roon.

Hindi ko nga ininda ang kahihiyan sa menudong kumalat sa mukha ko. Ang mas inaalala ko ang kalagayan ng aking libro.

“Hindi man lang nag sorry?” bulong ko pa habang papalayo sa kinatatayuan ng lalaki.

Mula noon kapag magkakasulubong kami ay para kaming aso at pusa. Halos magpatayan kami kapag magtatama ang aming mga mata. Nakakatawa nga lang dahil sa pangyayari ay naging mortal kaming magkaaway. Parang mga bata kung magisnaban.

Ngunit, hindi niyo naman ako masisisi. Ang librong iyon ay mula sa pagtitipid ko. Parang itinapon ko lamang ang pagpapagutom ko last year dahil sa ginawa ng lalaking 'yon.  Oo nga't aksidente lamang. Nguni,  ni humingi ito ng pasensya ay wala. Kaya sinong hindi maiinis hindi b

“Uy si Tristan ayan na!” hiyaw ng kaibigan ko.

Napairap na lamang ako. Ano naman ngayon kung dadaan siya hindi ba? A-anong pakialam ko?

“Hoy! Kristina! Wala ba talagang something sa inyo ni Tristan? Kasi 'yung mga titig niyo sa isa't isa,  parang iba na!”

Napakunot ang noo ko.  Ano bang sinasabi ng babaeng ito? Kung ang pagpapatayan namin sa pagtititigan ang tinutukoy niya. Walang nag iiba roon. Ganoon pa rin iyon hanggang ngayon.

“Ano bang sinasabi mo, Jell? Walang something sa 'min ni Tristan! Kilabutan ka nga!”

Ngumisi lamang ito at kinurot ako ng pabiro. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit ang makulit na babaita ay bumungisngis lang.

“Wala 'ha! Baka magulat na lang ako! Hanap-hanapin mo si pareng Tristan! Kayaaah!”  kinikilig nitong ani.

Napapikit na lang ako at hinila na siya papasok sa silid-aralan. Baka may ibang makarinig sa mga sinasabi niya at mapagisipan pa kami ng masama!

trexgedy's one Shot StoryWhere stories live. Discover now