Anak namin si Carlito

1 0 0
                                    


“Anak namin si Carlito”

Anak namin si Carlito, isang programang tinangkilik sa telebisyon. Si Carlito ay napaka-cute na batang lalaki.  May malusog na pisnge at nakawiwiling bata.

Ito ay mapapanood kada hapon, kung saan si Kyle ang ama, ako ang ina, at si Carlito ang nagsisilbing anak naming dalawa. Kung isasabuhay namin ito, perpektong pamilya! Ang astig, nakikilig at napakasaya!

“Lights!  Camera!  Action!”

Nag isigaw ito ng director ay automatiko akong napangiti at sumisisid sa daluyan ng dugo ko ang kakaibang saya!  Sa wakas eto na, heto ang eksenang ikasasaya ng madla. Ang pagkikita ng mag-amang Kyle at Carlito.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Carlito, habang kumakain ng sorbetes sa ginta ng mall. Masaya akong hinawi ang buhok patungong tainga. Ngumiti at pinunasan ang maruming pisnge ng anak ko. Yumuko ako at umupo upang magpantay ang taas naming dalawa.

“Dahan-dahan  naman anak, ang rungis mo na o,” ani ko at pinunasan ang mga labi niya.

Ang pilyong bata ay ngumiti at pinahiran ako ng tunaw na sorbetes. Nanlaki ang mata ko, hindi ito kasama sa iskripto! Naikagat ko ang ibabang labi ko, handa ng tumayo upang pahiran ito ng tissue.

Sumenyas si direk na huminto ako at manatili sa aking pwesto. Nagtataka man ay sinunod ko ito. May binulong ito kay Kyle, kunot noo itong tumitig sa 'kin at nag kibit-balikat na inayos ang kaniyang polo.

Dahan-dahan itong nagtungo sa kinaroroonan ko, sumenyas ang camera man na tumitig ako sa kabilang direksyon. Ngunit, ang aking mga mata ay napako sa makisig na lalaking papalapit sa 'kin.

Malakas na hinampas ng direktor ang lamesa at naghisterikal na sumigaw.

“Cutttt! My God Kristina! What are you doing?!”

Kinastigo ko ang sarili ko, sana naman ay pigil-pigilan mo ang kaharutang ito!  For Pete's sake! Nasa set ka!  Urgh!  Gising.

“So.. Sorry po,” ani ko at iniyuko ang ulo.  Nakakahiyang pangyayari!  Ahysss!  Ano ba!

Gusto kong ibaon ang mukha ko sa tiles. Bakit ba kasi hindi ko magawang maging professional kapag kaharap ko na siya!

“Ay!  Ewan ko ba sayo Kristina!”

“Direct,  hayaan mo na muna siya. Puyat siguro si Kristina. Kaliwa't kana rin kasi ang shooting ng batang ito,” ani naman ng manager ko.

Mas lalo lang akong nahiya.  Parang lumalabas na lutang ako na ewan!  Handa na akong mag-angat ng mukha at  tumayo ng may mga daliring lumapat sa panga ko.

“Let's wipe this,” turan nito.

Halos napalunok ako ng ilang beses dahil sa ginawa niya. Nagtitili naman ang mga stuff. Dinig ko ang sigaw ni direk!

“Nakuhaan niyo ba! Continue!”

Parang sasabog ang puso ko sa mga oras na iyon. Ang lakas lakas ng pitik ng puso ko.  Gusto kong tumalon na hindi ko malaman! Parang kakapusin ako ng hangin sa sayang nararamdaman ko.

“Mama!” sigaw ng isang tinig. 

Nataranta ako napaling ang mukha sa kaliwa!  Oh my! Makasalanang nilalang.  Aksidenteng  nahalikan ko ang gilid ng labi niya. Muntik pa itong masubsob buti at maagap ang kaliwang kamay niya na naitukod sa balikay ko. 

“So.. Sorry,” ani ko.

“Why did you kissed him, Mama?” my chidl asked.

“Hayss, halika na nga. Pasensya na 'ha.” Nahihiyang turan ko at mabilis na umalis sa gitna. Nakita kong nakiki usosyo na nag lahat. Sana naman isipin niyong dala lamang sa eksena iyon kahit wala sa script!

Pinaupo ko ang anak ko sa pinakamalapit na upuan. Nilingon ko ang pumapalakpak na direktor namin sa labis na saya. Minsan, ang katangahan ko iyon pa ang pumapatok sa iba.

“Mama, why did you kissed him? Papa in heaven won't be happy if he saw you with that guy!”

“Silly, it was an accident  baby.”

Nag pout lang ito at humalukipkip. Hindi siya natutuwa sa nangyari kanina. That's why, sinadya nitong punasan ng ice cream ang mukha ko.

“Carlito, can tito Kyle say so sorry to you? You keep glaring at me.  I saw it, don't  you dare deny it baby.”

Nilingon ko ito at mabilis na nag-iwas nang tingin. Hindi ko kaya ang presensya niya. Parang gusto ko siyang yakapin at siilin ng halik!

“As if I care!” pagsusungit nito.

“Carlito, don't  talk to tito Kyle like that 'ha.”
Humikbi naman ito at pilit pinipigilan  ang mga luha. Mabilis na inaluhan ni Kyle ang bata at pinatahan.

“Shhh, Huwag na umiyak Carlito okay,” ani pa nito.

“Kris, huwag mo na uulitin 'yun. Normal lang naman sa mga bata ang gumanoon.  Hindi niya pa alam ang ginagawa niya.”

Napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya. Kung umakto ito ay parang tunay na ama. Sa eksena lang naman siya ang tatay.

“Ey, stop crying my buddy! Fistbomb!”

Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Carlito at sinalubong ang nakakuyom na kamao ni Kyle.  Tila pinipiga  ang puso ko sa nasasaksihan. Parang tunay silang mag-ama. Yun ay kung hindi mo talaga alam ang tunay na kaganapan.

Napawi lang ang nararamdaman ko ng may mga ilaw at camera na tumutok sa 'min. 

Kahit simpleng pag-uusap namin ay kailangan nilang makuhaan. Hindi ko alam, hindi na ako natutuwa sa ganitong eksena.

“Direc, please stop it.”

Naiiritang tinabunan ni Kyle si Carlito.  Isang protective father ang matutunghayan mo. 

“Kyle,” ani ng isang babae.

Nilingon naman ito ni Kyle, hinagkan niya sa noo si   Carlito at umalis na. Napa “ayy” ang mga nasa paligid nang nagtungo palayo ang dalawa.

Napasinghap na lamang ako at itinikom ang bibig.  Paano ko kaya papawiin ang nararamadaman ko sa kaniya. Kung ama lang naman siya sa programang “Anak namin si Carlito.”

“Mama? Why does it feels, tito Kyle is my dada?”

Nanlamig ako sa tinuran nito. Limang taong gulang pa lamang siya, bakit ganito ito kung magsalita.

trexgedy's one Shot StoryWhere stories live. Discover now