Tara Kape

2 0 0
                                    


"Tara kape"

Hindi mo talaga masasabi agad kung sino ang magiging happy ending mo, no? Madalas kasi ay nakasalubong mo na pala ito sa daan ngunit sadyang hindi niyo pa oras upang magkakilala kayo. Minsan naman ay nakabungguan mo na pala ito sa isang masikip na pasilyo ngunit hindi niyo pa oras upang magka-usap. Life and love is unpredictable. Minsan iyong hindi mo inaasahang mangyayari ay magaganap na lang bigla.

"Wrong timing naman, o! Ngayon pa umulan!"

"Hay, kapag maaraw gustong umulan. Kapag maulan naman gustong maaraw. May mga tao talagang hindi makontento. TSS!"

Napangiwi ako sa tinuran ng lalaking na sa kanan ko . Agad akong napalingon sa kaniya. Nakangiti ito habang pinapagpag ang maruruming talsik ng putik buhat ng malakas na ulan. Nang lingunin ako nito ay nakataas pa ang dalawang kilay niya. Mabilis akong umusod sa kabilang side ng shop at iniwas ang mga mata kong nahihipnotismo sa appearance niya. Napapikit na lang ako sa sobrang hiya. Baka iniisip n'on ay nabibighani ako sa kaniya. WELL, infact attracted nga ako sa guy na ito.., he loooked nice and mabango pa. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango. I wondered if kaya ba ako nitong ipaglaban!(insenrt laugh) Hindi ko tuloy maiwasang sumulyap-sulyap sa kaniya sa tuwing pIpitik ang mahahaba nitong daliri sa kaniyang polong hapit na hapit at bahagya pang inilalantad Ang kaniyang matitipunong katawan.

"Staring is rude," turan nito.

Napaayos ako nang tayo at pilit kinakalma ang humihiritibo kong puso. SELF, kalma. Kalmahan mo lang. Bakit ka kasi titig na titig? Kulang na lamang ay maglaway ka sa sobrang paghanga sa kaniyang kabuoan. Ka-bu-o-an? Geez. Ayusin mo ang mga words mo, Donna! Naiiling na tumitig ako sa kalsada. Hindi ko alintana ang pasimpleng pagdampi ng butil ng ulan sa'king pisnge. Naks, ulan chansing ka? Umirap pa ako habang pinapahiran ang mukha ko. Para akong nababaliw habang kausap ang aking sarili. Natawa na lang ako sa mga pinag-gagawa ko. Nawala tuloy sa isip ko na may adonis akong katabi.

"Let's go," ani nito at binuksan ang glassdoor ng shop.

Gusto kong lumingon upang malaman kung sino ang niyayaya niya. Kasi mga te, ako lang naman yata ang na sa labas. Kami lang dalawa ang na rito. UNLESS MAY NAKIKITA SIYANG HINDI KO NAKIKITA!?

Tumingala ako at nagkunyareng tinititigan ang bawat patak ng ulan. Pilit kong pinigilan ang leeg ko na lumingon sa gawi niya. Pero, syempre sa perephiral vission ko nakikita ko ang bawat galaw niya. Ultimo mo ang pagkisap ng mga mata nito ay hindi ko pinalagpas. Nakatayo lang ito sa may pinto at tila may hinihintay. Gusto ko nga siyang tanungin ng, Sir? ako ba ang hinihintay mo? Bigla na naman akong napahagikgik. Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang ngiting sumisilay sa'king labi. Puro ka kalokohan, Donna. Mamaya at maweirduhan na si kuyang pogi sa ikinikilos mo!

"Miss? Papasok ka ba o makikipagtitigan ka na lang d'yan sa ulan?"

Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko ng mala 360 degree walk ni Catriona. Ako ba ang kausap niyo? HIS TALKING TO ME BA? Tinuro ko pa ang sarili ko para konpirmahin if ako ba talaga ang tinutukoy niya. He just nod his head and smiled at me. His complete set of white teeth was sending shivered to my body. Am I dreaming? Tinampal ko pa ang aking pisnge upang malaman kung nanaginip nga ba ako. Sandali, ang buhok ko huwag niyong tapakan! Chawr! Bye mama, I'm getting married. What should I wear?

"A..ahem!"

Isang tikhim ang nagpabalik sa tama kong suhestiyon. Probably, I'm just dreaming nga mga te. Yes na sa pinto nga siya. Nakangiti habang tinatanguan ang mga pumapasok at bumabati sa kaniya. Nakatapat ang tainga nito sa kaniyang mobile phone. Ilang minuto siyang nakipag-usap sa guard, tumango ito bago inilipat ang tingin sa akin. Hindi ko nagawang umiwas ng irapan niya ako. Is he a gay? Napatakip ako sa nakaawang kong labi. Loka loka ka kasi, Donna! Lakas mong magday dream, papa rin yata ang nais ni Kuya! Tumalikod na lang ako at hinintay na tumila ang ulan. Until unexpected event happened that lead as to "Kape tayo".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

trexgedy's one Shot StoryWhere stories live. Discover now