Beautiful Disaster

3 2 0
                                    

Title: Beautiful Disaster
Written by : Kristyne Almero
Dedicated to :Eva

  “Beautiful Disaster”

Hindi ako 'yung tipo ng tao na malapit sa mga hayop. Kumpara sa mga manok, aso o pusa mas mailap pa ako sa kanila. Mabilis akong nangingilag kapag nakikita ko ang aso sa malayuan. Kumakaripas na ako sa pagtakbo kapag may pusa akong narinig.

Not until I've met Peachy. The most stunning cat I've ever since. Siya iyonh pusa na may asul na mata. Iba't ibang kulay ang balahibo nito. Malamang ay dahil sa maharot siguro ang nanay ng mumunting kuting.

Nakuha siguro niya ang iba't ibang kulay buhat ng pakikipaglandian ng kaniyang ina sa bawat gabi, sa itaas ng bubungan.

Masama ang panahon nong araw na 'yun. Ang simoy ng hangin ay napakalamig, ang hampas ng ulan sa atip ay nakakakilabot. Parang malalaking bato ang bumabagsak mula sa kalangitan.

“Meow, meow,”  ang maliit na ingaw ng pusa ang nagpukaw sa nanlalamig kong katawan.

Hindi ko alam, imbes na matakot ako ay hinanap ko ito. Binuksan ko ang pintuan, halos tumalon ang inahing pusa dahil sa pagbukas ko ng pinto. Bitbit nito ang kuting gamit ang kaniyang bibig.

Nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Naiinggit ako, mabuti pa ang pusa ay hindi magawang pabayaan ang anak. Napasinghap ako sa hangin at nangilid anh luha. Paanong nagawa ni mama na iwan akong mag-isa? Paano nagawa ng isang magulang na iwan ang anak niya?

Ang nanunubig kong mga mata ay napalitan ng pagkagulat. Dama ko ang balahibo ng pusa na umikot-ikot sa aking paa. Gustuhin ko man itong igalaw ay hindi mo na lamang ginawa.

Pinagmasdan ko ito habang ikinikiskis ang balahibo sa balat ko. Tila ba ay pinatatahan ako nito sa pag-iyak. Parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko.

Imbes matigil sa pagluha ay mas lalo akong naiyak. Naiyak ako habang naiyuko ang ulo. Malakas pa rin ang pagpatak ng ulo. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumakap sa 'kin.

“Meow..”

Napatigil ako at napasinghot sa namumuong likido sa aking ilong. Bukas pa rin pala ang pintuan. Nasa paanan ko pa rin ang pusa. Bakit hindi ko ito ampunin hindi ba?

Tumitig ang inahing pusa sa mga mata ko. Bakas sa mga mata nito ang pagkabalisa. Binitawan niya ang kuting at naglakad patungo sa pintuan. Tila ba ay pinagkakatiwala niya ang anak.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

Wari'y  sasagutin ako ng pusa. Lumingon ito at muling umingaw. Tila pamamaalam ang ibig sabihin no'n.

Sinuong nito ang ulan at tuluyang umalis. Naiwan kaming dalawa ng kuting sa loob ng tahanan.  Anong gagawin ko rito?  Hindi ako nag aalaga ng kahit ano!

Nag aalangang binuhat ko siya. Nangilag pa ako dahil sa mainit at malambot nitong katawan. Nakakatakot dahil baka mapirat ko ito!

Ipinikit ko pa ang isa kong mata habang buhat ang maliit nitong katawan. Tahimik kaming naglakad sa may sofa.

“meow, meow meow!”
Naririndi ako sa tinis ng kaniyang boses. Ngunit, napakacute naman kasi niya kaya hindi ko magawamg ibalibag. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Tila ilang linggo palang na ipinanganak.

Kinabukasan ay binilan ko ito ng chupon. Weird, pero binilan ko talaga siya. Hirap pa nga akong pasusuhin ito, hindi ko rin alam kung pwede ba ang alaska sa kaniya. Bumili pa ako ng freshmilk.  Medyo mahal pero ayos lang. Wala naman akong ginagastusang iba.

Pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay. Ginagastusan ko raw ang isang pusang ligaw. Kailan pa naging basehan ang lahi ng isang hayop upang mahalin? At ano naman sa kanila kung gumastos ako? Humihingi ba ako sa kanila ng pera upang ipambili? Hindi naman di ba?

Bago ako umuwi ay bumili ako ng gatas, pagkain at laruan ni Peachy. Paniguradong masaya ito.

Masaya akong umuwi sa bahay ng makita si aling nena sa harap ng bahay ko. Anong mayroon at narito siya?

“Aling nena? Ano pong ginagawa niyo r'yan?”

Nilingon ako nito na may matatalim na titig.  Nakapanghawakan pa ang mga kamay sa kaniyang bewang.

“Enrico, iyang pusa mo kinain ang ulam namin!” singhal nito.

Napakunot naman ang noo ko. Paanong kakainin ng alaga ko ang ulam nila?  Nasa kulungan si Peachy mg iwan ko ito.

“Aling nena, paanong kakainin ng alaga ko ang ulam niyo? Nasa kulungan po si Pe—”

“Aba malay ko!  Hindi mo rin kami masisisi kung may nagawa kami sa pusa mo Enrico!ninakaw niya ang ulam namin,” nakahalukipkip pa ito bago tinuloy ang sasabihin. “Kaya hindi sinasadya ni Roman na mahampas iyang pusa mo.”

Nanlamig ako, hindi ko alam kung bakit parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.  “Anong ibig sabihin niyo aling Nena?” nanginig pa ang boses ko habang sinasambit iyon.

Ngumuso ito. “Ayon, nasa plastic siya.”

Halos matumba ako ng makita ang nakabaluktot na katawan ni Peachy. Parang kakapusin ako sa paghinga. Habang inihahakbang ang mabugat kong mga paa mas lalong naninikip ang labi ko.

Nangilid ang mga luha ko. Nanlalabo ito habang papalapit ako. Kita ko ang kabuoan nito. Nadudurog ang puso ko habang binubuksan ang plastic.

“Enrico, pusang ligaw lang 'yan!”

“Shut up! Huwag mong ilalang ang pusang kinupkop ko mula palang kuting siya! Hindi mo alam ang pakiramdam na masaya sa tuwing uuwi ka!”

“Hindi mo alam kung gaano ka sarap makita ang paglaki ni Peachy! Lalong wala kayong alam sa nararamdaman ko! Oo pusang ligaw siya! Pero mahal na mahal ko iyong pusa!”

“Ang ulam, mapapalitan! Ang buhay ni Peachy hindi!”

Kinuha ko ito sa plastic, hindi ko alintana ang amoy nito. Hindi ko alintana ang duguang katawan niya. Bumalik sa ala-ala ko ang unang araw na binuhat ko siya. Ang malambot at mainit nitong katawan ay napalitan ng matigas at malamig na katawan.

Ang maingay at matinis nitong boses ay napalitan ng katahimikan. Niyakap ko ito habang umiiyak. Kalalaki kong tao ngunit heto ako, daig pa ang babae sa paghagulhol.

Wala ng sasalubong sa akin pagkauwi ko. Wala ng makakasama sa bahay. Maiiwan na naman akong mag-isa.

Humihikbing  tumayo ako at pinasok ang katawan ni Peachy sa bahay. Naluluhang pinakatitigan ako ni Aling Nena. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago pumasok.

Inilibing ko si Peachy sa may bakuran. Isinama ko ang laruan, niya. Pati na rin ang pagkain at gatas nito.  Sa tuwing susulyapan ko ang puntod nito ay hindi ko mapigilang  maluha. Bakit napakalupit ng iba? Bakit hindi nila magawang mag-isip ng tama? Bakit kamatayan ang kapalit ng isang maliit na kasalanan?

trexgedy's one Shot StoryWhere stories live. Discover now