Sa mundong maraming mapangkutya, nabuhay akong masaya sa pagiging sikat. Nabuhay ako sa dalawang katauhan. Ang isa ay para sa kasikatan at ang isa naman ay para sa pagiging talunan.Ang isang katauhan ko ay para sa pag e-encourage sa mga tao sa social media na hindi basehan ang kung anong status mo sa buhay upang may humanga sayo. Basta may talento pasok ka sa pang idolong masa. Ngunit, sinong niloko ko? Sarili ko rin. Dahil, alam ko ang katotohanan sa kabila ng paghanga nila. Alam ko ang katotohanan sa likod ng “magaling ka” “maganda ka” “idol/hinahangaan kita”
Sa kabilang banda, ang isang katauhan ko ay para sa eksperimento. Kung saan gumawa ako ng account upang magsimulang i-post ang mga lirikong ako mismo ang sumulat. Ngunit, walang pumapansin. At ang lirikong pinost ko mula sa account na ito. Ay ni repost ko sa kabilang account ko. Ang fake famous account ko.
Alam kong iisa lang ako at si ikaw, ngunit bakit nasasaktan ako sa binabatong salita ng mga tao.
“Plagiarist,”
“Scammer,”
“Inggitera,”
“Walang hiya.”
“Hampaslupa.”
“Panget ka na nga papansin ka pa.”
“Boba.”
“Ilusyunada.”
Nakakabaliw isipin, na ang komento nila sa post ko ay hindi na related sa topic. Inopen ko ang account ko. I posted someone plagiarize my work. Then, I screenshot and post it sa another account. For, experiment purposes. How ironic na hindi man lang nila inembestigahan ang pangyayari. Bagkus ay mas pinaburan nila ang kabila, samantalang klaro naman na mas nauna kong na i-post ito. Mas nauna ako at may pruwebang ako ang nagsulat n'on. Ngunit, hindi pinakikinggan ng iba ang mga komento ko. Sino ba naman kasing magtatanggol sa yunay na ako hindi ba?
Isa akong influencer sa social media. Kung saan 16million ang followers sa Fb, 12.5 million sa insta at 10.7 million sa yt. Kung kakalabanin ako ng isang underrated. Sinong magtatanggol sa isang underrated na nilalang hindi ba? Nauubusan na ako ng luha habang binabasa ang mga comment, sa comment section. Para ngang babaha na ang kwarto ko dahil sa pag-iyak.
Not until, not until someone commented. May naka a-attract itong profile. A boy with an eyeglasses. Napakagwapo nito bilang isang nerd. His reading a book, ang background nito ay kilalang-kilala ko. Dito ako madalas magsulat at kantahin ang kantang balak ko palang na ipublished.
“A good influencer will never plagiarize someone's work.”
Napalunok ako. First time na may nagtanggol sa'kin. Did he— did he knew who am I?
I replied him as Merlyn, my mysterious famous account.
“Why would I? Isa pa sa tagal kong naging celebrity sa soc. Med now lang ito nangyari,” ani ko.
Kinakabahan pa ako n'on habang hinihintay ang reply niya. Nanlalamig ako habang nakatunganga sa reply sections. Dinagsa na ng mga fans ko ang comment ng lalaki. Pero, hindi sila nag reply. Siguro ay hinihintay nilang sumagot ang binata.
Hindi ito nagreply, bagkus ay ang messenger ko ang nag pop-up. I click it, napatutop ako sa bibig ko.
This is not happening!
I click the video, then I saw myself singing. Same voice, same lyrics, same tune...
But different faces.“If I we're you. I'll face the consequences dear. Stop hiding behind those mask of yours. If they really loves you. They will accept the real Merlyn,” chat nito then he blocked me.