In another Life

0 0 0
                                    


“Kailangan mo ng bumalik ngayon din Gabriela! Kung hindi ay mapapahamak siya!”

Hindi ako nakinig, bagkus ay pilit kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa lugar na ito.

Sa lugar na hindi naman ako kabilang. Sa lugar na pinagsawaan kong panatilihan. Mabibigat man ang bawat pigtik ng aking puso ay isinawalang bahala na lang. Gusto kong maging makasarili pansamantala. Gusto kong itigil na ang kahibangan sa kaniya...

Babalik na lamang ako, kung may babalikan pa...

                               —   — —
Tahimik na paligid ang nadatnan ko. Bawat pagtapak ng aking sapin sa paa sa tiles ay nag-uulit  ulit ito sa buong paligid.

Nilukob ako ng makirot na katotohanan. Ako na lang ang nag-iisa rito.  Malaki itong kalokohan.

“Sa anong paraan mo gustong tumakbo ang storya niyo?”   minsang tanong ng kaibigan ko.

Isang matabang na ngiti lang ang isinagot ko. Sa ang paraan nga ba?  Ganoon pa rin..  Sa ganoong tagpo  pa rin.  . .

“Itigil mo na ang pagpapatuloy sa pinangako mo sa kaniya!  Tanggapin mo na Gabriela! ” singhal ni Lucas.  Hindi ko ito pinakikinggan. Hindi ko magagawang talikuran ang isang pangako.

“Nakikita mo pa ba ang sarili mo Gabriela? Kilala mo ba ang sarili mo 'ha!”

Naiyuko ko lang ang sarili ko habang hindi mapigilanh lumuha. Kung ikaw kaya ang pumalit sa sitwasyon  ko!  Kung ikaw kaya ang manatiling mag-isa sa mundong ito!

Kung ikaw kaya ang iwanan ng taong hindi mo kayang mawala...

“Listen to me my Gabriela. In another life, I Casspien will waiting for you.. I'm  still into you no matter what happen. Death might seprate us  but my heart is only made for you. See yaaa soon my Gavriel,”  he murmured. His lonely soul blown by tjmhe wind.

Nadidinig ko pa din ang nanghihina nitong tinig. Naitakip ko sa aking mukha ang mga palad. Pigil ang hikbing gustong kumawala.

“Alam kong galing ka sa hinaharap Gabriela. Hindi mo ba ako mahintay sa susunod nating buhay?” tanong mo ng minsang pumaroon ako sa nakaraan natin.

Napahagulhol ako. Hindi mapawi ang kasabikang nadarama ko sa tuwing magkikita tayo. Handa akong masira ng tuluyan ang kabuuan ko masilayan ka lang!

“Live your life without  me. Kahit paulit-ulit  kang pumarito, hindi mababago n'on ang pagkawala ko.”

Mas lalo akong nakaradam ng pananakit sa dibdib. Paulit-ulit akong bumabalik sa nakaraan upang masigurong tayo ang magkakatuluyan sa dulo. Ngunit,  paulit-ulit din ang pamamaalam mo! Paulit-ulit din ang paglisan mo at pag-iwan sa akin sa dulo!

“Kailangan mo ng bumalik ngayon din Gabriela! Kung hindi ay mapapahamak siya!”

Hindi ako nakinig, bagkus ay pilit kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa lugar na ito.

Sa lugar na hindi naman ako kabilang. Sa lugar na pinagsawaan kong panatilihan. Mabibigat man ang bawat pigtik ng aking puso ay isinawalang bahala na lang. Gusto kong maging makasarili pansamantala. Gusto kong itigil na ang kahibangan sa kaniya...

Babalik na lamang ako, kung may babalikan pa...

Isang pasabog ang dumagundong sa paligid. Handa ko ng lisanin ang mundo mo ng mapagtantong huling araw na pala  na pagkikita natin ito! Nanginig akong bumalik sa Academy, nangilid ang luha ko.

“Ca-Casspien!” sigaw ko habang nanginginig na tumakbo.

“I told you! Mapapahamak siya! Hindi niya na control ang kapangyarihan niya! And end up killing each student's na makasalamuha niya!”

Halos magimbal ako sa duguang katawan ni Casspien habang pinagmamasdan siyang inuubos ang dugo ng isang studyante.

“Ca-caspien,” tawag ko ngunit hindi niya na ako makilala. Hinila ako ni Lucas patalikod.

“Pien can't recognized you anymore!  This is not a fairytale Gabriela! Once he can't control he's self, he will never be!”

Nasapo ni Casspien ang ulo.
“Lu-lucas, kill me now. Hi-hindi ko na maco-control ito.  Just fcking kill me now!”

Nanginig ako maging si Lucas. Hi-hindi.

“Fck kill me now! Garrreee!!!”

Naging pula ang mga mata nito at handa kaming sunggaban. Umalis ako sa likuran ni Lucas, tumakbo ako palapit sa kaniya ngunit ang matalim na kuko nito ang sumalubong sa akin.

Hindi na nga ako nito na-aalala. Sunod-sunod na saksak ang ginawa nito sa aking braso. Napadaing ako ngunit nanatiling nakatingin sa kaniya.

Hanggang umihip ang hangin kasabay ng sunod-sunod na pagtarak ng palaso.

Casspien smile. He smile while his eyes was looking at me. “I love you,”  he mouthed.

“No!” nanghihina sigaw ko sa huling palasong pumawi ng ngiti sa mga labi niya...

“Gabriela, set Casspien free..”

Marahas kong pinunasan ang mga luha saking mukha. “Tell me how? Tell me how can I let him go? Kung alam ko sa susunod na buhay, ganito rin ang sasapitin ng storya namin...”

trexgedy's one Shot StoryWhere stories live. Discover now