Avril
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng aming university, hinahanap ko kasi yung classroom ng aking susunod na subject.
Ako kasi ang klase ng tao na hindi pala gala dito sa campus kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado mga buildings dito. Ang tanging alam ko lang ay papuntang cafeteria.
Sa paglalakad ko dito sa may hallway ay may nakasalubong akong isang nerd na aking pinag tanungan kung saan ang room ng Chemistry.
"Doon banda sa dulong bahagi Miss, papunta ka din ba ngayon doon? Sumabay kana sa akin at doon din kasi ang punta ko." Nakangiti nitong alok sa akin.
Hay mabuti nalang at may makakasabay na ako pumunta doon.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng naisip ko na magpakilala dito.
"Ako nga pala si Avril Del Carmen," Pakilala ko sa kanya.
"Hello Avril, ako naman si Stephanie Ken Fajardo." Pakilala niya naman.
"Avril kilala mo na ba yung professor natin sa Chem?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa eh, pero ang sabi ng ibang mga students ay terror daw masyado yang si Ma'am. Walang patawad sa students niya. Hindi daw pwede pakiusapan. Kung ano ang nakuha mong grado sa kanya iyon talaga walang special project" pagkukwento ko dito.
"Oo iyon din ang pagkakaalam ko. Kaya nga iyong ibang classmates ko ay sa ibang Professor nag enrol. Parehas din daw naman kasi ng descriptive title yung sa isang nagtuturo din. Kaya nga di ko sila kasama ngayon. Doon sila sa isang Professor."
"Malamang konti lang tayo na estudyante ngayon nyan ni Ma'am. Kasi yung ibang di napansin na nag enroll ay nag drop na agad sa subject." Napapailing pa na kumento nito.
"Nakakatakot naman pala talaga si Ma'am ano." Medyo nahihintakutang sabi nito sa akin. Na ikinibit balikat ko na lang.
Nang makarating na kami sa room ay iilan ilan pa lang ang naroon. Nasa kalahati pa lang siguro ang nandito.
Agad na kaming naupo sa may gitnang bahagi ng kwarto at nag hintay na dumating ito.
Sabagay medyo maaga pa naman kasi, baka maya maya lang ay madaragdagan pa kaming mga magkakaklase dito.
Masaya kaming nag kwe kwentuhan ni Stephanie nang biglang tumahimik ang paligid na para bang may dumaang masamang hangin.
Bigla naman ako napatingin sa harap ng makarinig ako nang tunog ng takong sa may pinto banda.
"Oh shit, ang ganda namang babaeng to" di ko mapigilang nasambit ko pala nang medyo may kalakasan. Bigla ko naman tinutop ang aking sarili at tumingin na lang ulit sa magandang babae na pumasok na dito sa aming room.
Narinig pa yata ako ni Stephanie, kaya kunot noo ako nitong tinignan nang may pagtataka.
Baliwala lang na nagkibit balikat ako at hindi siya pinansin. Patay malisya lang ako. Binaling ko naman ulit ang tingin ko sa babaeng maganda. Na parang anghel na bumaba sa lupa. Napaka amo naman kasi nang maliit nitong mukha. Na bumagay sa kanyang maliit din na katawan.
Napansin ko na dumiretso siya sa table ng guro sa harapan at inilagay doon ang kanyang mga dalang gamit.
Nangunot bigla ang noo ko. Don't tell me na siya ang kinatatakutang Professor nang chemistry? Nabibiglang nasabi ko sa aking sarili
Paano na ang isang mala anghel na ito ay kinatatakutan nila? Nagbibiro ba sila? O baka nagpalit lang siguro ng Professor? Tama, siguro nagpalit nga. Sa isip isip ko pa habang nakatitig sa isang dyosang nasa harapan namin ngayon.

BINABASA MO ANG
Ms. Jane San Gabriel
KurzgeschichtenPaano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago? Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo? Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo r...