Avril
Habang nandito ako ay hindi ko naman maiwasan na pagmasdan ang loob ng kanyang office. Napaka organized nito sa kanyang mga gamit.
Maganda at halatang hindi basta basta na nakapatong lang kung saan saan ang mga gamit nito sa loob.
First time ko kasi na nakapasok dito sa office niya, kaya di ko maiwasan na humanga. Napaka net pa at refreshing ang kulay green na wallpaper nito.
Sabagay ganun din naman ang bahay nito. Malinis at organized. Kaya nga nakakahiya na mag kalat doon. Hindi nga rin halata na parang ako na ang bagong katulong nito. Ganun pala kapag nag asawa kana nagiging instant katulong kana.
Baka sinadya nito na huwag kumuha ng katulong para pahirapan ako. Pero dahil sanay naman na ako sa mga gawaing bahay sisiw na lang sa akin ang mga ganyang bagay.
"Oh sya lumabas ka na at naaalibadbaran na ako dyan sa pagmumukha mo." Biglang pagtataboy naman nito sa akin sabay compass pa ng kanyang kamay paalis. Ano yan parang nag tataboy lang ng aso eh.
Lumabas na rin lang ako ng office nya na di na ito binalingan pa ng tingin. Kaasar kasi ang bruhang ito.
Pag ako talaga napuno sa iyo, ipag kakalat ko talaga na ako ang asawa mo. Iwan ko na lang sa iyo kung ano pa ang magagawa mong bruha ka.
Tumuloy na ako agad sa cafeteria at nakita ko si Stephanie na nakapag order na rin ng para sa akin.
Naka simangot na umupo ako sa tapat nito at sinimulan ng kainin ang in order nya.
" Oh sinong naka away mo at salubong na naman ang kilay mo?" Puna nito sa akin
"Wala, may bruha lang kasi akong naka usap. Ang sama ng ugali grabe, Sarap ipa kulam ng bruha." Inis ko namang sagot dito.
" Sino naman itong bruhang ito? At mukhang badtrip na badtrip ka? Tanong naman ni Stephanie sa akin.
"Mas magandang huwag mo ng alamin pa. Hay kaasar talaga!!! Uhhgg!!! " Inis pa ring sabi ko. Hindi naman na ito nagtanong pa at nagkibit balikat na lang. Nag patuloy na lang kami sa pagkain.
Maya lang ay bigla ulit nag salita si Stephanie. " Avril Mall naman tayo maya oh. Tagal na rin kasi nating di naka ka gala eh." Pag aaya bigla nito sa akin
Napaisip naman ako. Okay lang naman siguro kay Ma'am Jane na medyo ma late ako ng uwi maya. Sa kanya naman nanggaling na walang pakialam sa isat isa eh. Di naman siguro iyon magagalit.
Pati hanggang ngayon ay asar pa rin ako sa kanya. Kaya need ko rin na makapag unwind at ng ma refresh naman kahit paano ang utak ko na sobrang na stress sa kanya.
"Sige ba, wala na rin naman akong gagawin maya eh. Tapos manood na rin tuloy tayo ng sine. Balita ko showing na raw ngayon yung inaabangan ko na mapanood." Sagot ko naman kaagad sa kanya.
" Maganda nga raw iyon, sabi ng mga naka panood na. Sige panoorin na rin natin iyon maya." Sang Ayon naman nito sa akin at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain.
Saktong 5 pm nang mag pa out ang last period namin. Di na rin kami nag aksaya pa ng oras at lumabas na kami agad ni Stephanie.
"Tara na Avril at baka maabutan pa tayo ng rush hour at maipit pa tayo sa traffic." May pagmamadaling sabi nito sa akin sabay hila sa aking kamay papunta sa parking lot.
Di naman masyadong halata na excited kang gumala gurl.
"Sandali lang naman. Atat lang masyado? Lapit lang kaya ng mall dito sa school natin noh." Medyo inis kong sabi dito. Sabay hila ko naman ng hawak nitong kamay ko.
Hilahin ba naman kasi ako na muntik ko ng ika dapa kanina kung di ko lang na balanse ang katawan ko ay baka nakipag lips to lips na ako sa sahig nito malamang.
"Sorry naman po, medyo excited lang eh. Tsaka baka kasi makita ako ni Samantha. Labasan pa naman din nila ngayon." Dahilan naman nya sabay peace sign sa akin.
"Ganun ba? Sige dalian na natin at baka nga ma pa trouble pa tayo sa queen bitch na iyon. Mainis lang tayo pareho." sabi ko naman at ako na ang humila sa kanya pa puntang parking lot ng school.
Kahit naman kasi pa ganitong pa nerd itong si Stephanie ay love ko tong friend ko na ito. Kaya nga ayaw ko na na bubully ito lalo na ni Samantha the queen bitch.
Mga taong kulang sa aruga ng magulang. Kaya nagpapapansin sa iba na yung kaya lang naman nila.
Pati tuloy ako nadadamay minsan. Alangan naman kasing pabayaan ko sya na ganunin lang nung bitch na iyon noh. Tanga naman kasi hindi marunong lumaban kaya tuloy kinakaya maya lang siya ng Samantha na yun.
Dapat lang kasi na pinapatulan paminsan minsan mga ganoong tao para di namimihasa.
Kung di ko lang kilala na straight yung si Samantha the queen bitch na iyon ay iisipin ko talaga na may gusto sya sa friend ko.
Lagi kasing nag papapansin. Kung ano ano na lang ang ginagawa para magpapansin. Papuri lang ang futa.
Ito naman kasing si Stephanie hindi napang kusang pansinin yung isa para matapos na kaagad. Hindi rin nag iisip ang isang to.
Nang makarating na kami sa kanya kanya naming kotse ay nag drive na kami papunta sa Mall.
Nag convoy na lang kami. At sabay rin na nakahanap ng bakanteng parking dito sa Mall.
Nang maka pasok na kami sa loob ay napag pasyahan namin na tignan kung anong oras ang showing ng balak namin panoorin.
Mga bandang 7 pm pa naman kaya nag pasya kaming mag ikot ikot na muna at mag early dinner na rin.
Di ko maiwasan na tumingin na rin ng pwede kong mabili na mga damit. Weakness ko rin kasi ang mamili ng mga damit eh.
Kaya nga kung maaari ay di talaga ako masyadong nag pupunta sa mall kasi iniiwasan ko rin na bumili ng kung ano ano. Minsan hindi ko na naisusuot iyong ibang nabibili ko. Kaya nga pinamigay ko na lang sa mga anak ng kasambahay namin ang ibang mga gamit ko. Lalo na yung mga hindi ko na masyadong nagagamit. Nakatambak lang kaso sa closets ko.
Bumili na lang ako ng tatlong pares na damit at isang pants. Si Stephanie naman ay ganoon din at nag aya na agad ako na mag dinner na kami. Kasi baka late na kami maka balik manood kung mag tatagal pa kaming mamili.
(Guys nasa GoodNovel na po ang book ko na ito. Doon nyo na po sya ma read ng buo. Kung namamahalan po kau sa Goodnovel pm nyo lang ako sa aking fb account Avril Del Carmen pag usapan natin ang price. Salamat)

BINABASA MO ANG
Ms. Jane San Gabriel
Short StoryPaano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago? Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo? Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo r...