Avril
Sakay na kami nang eroplano pabalik ng Pilipinas. Katatapos lang ng kasal namin ni Ma'am Jane.
After kasi ng kasal ay nagpasya na rin kaming umuwi kaagad. Wala naman kasing mangyayaring honeymoon. Pareho lang naman kaming napilitan sa kasalang ito.
Sa part ko napilitan ako kasi hindi pa talaga ako handang mag asawa. Sa part naman ni Ma'am Jane ay ewan ko lang kung ano naman ang dahilan ng isang ito.
Hindi pa rin kasi kami nakakapag usap magmula ng pinaalam sa amin nila Daddy na ikakasal nga kaming dalawa sa lalong madaling panahon.
Iniwasan ko na kasi ito kahit na sabihing Professor ko sya sa isang subject.
Katabi ko sya ngayon at halatang pagod ito. Nakatulog nga kaagad. Hindi ko naman mapigilang titigan ang kanyang napaka among mukha.
Hindi mo mapag hahalataan sa mukha nito ngayon na sobrang maldita at anak ni Lucifer ang isang ito dahil sa mukha nitong parang anghel na natutulog.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ang aking Professor. Ang isang kinatatakutan na Professor sa aming university.
Ang walang sina santo na estudyante. Mayaman ka man o hindi wala itong pakialam basta kung ta tanga tanga ka sa kanyang subject ay mapapahiya ka nito.
Nang lumapag na ang aming sinasaktan sa NAIA ay ginising ko na si Ma'am. Baka kasi mapasarap na ang tulog nito at maiwan pa ito sa eroplano. Masisi pa ako ng hindi oras pag nangyari iyon.
"Ma'am Jane nandito na po tayo sa airport malapit na po tayong bumaba. Ang mahina kong sabi dito. Mahirap na baka mag ala dragon ito pag na bwisit sa akin. Iniiwasan ko pa namang mangyari ang bagay na iyon.
Ang hirap kaya pag nagalit ito. Walang tigil ang bunganga kakaputak ang sakit tuloy sa tenga pag nasimulan na nitong mag bunganga. Syempre alam na alam ko iyon at Teacher ko nga ito sa isang subject.
Unti unti naman itong nagmulat ng mata. At luminga linga sa paligid na parang sinisigurado kung nag sasabi ako sa kanya ng totoo o gino good time ko lang siya.
"Bakit ka ba nang gigising ha!!!??" Inis na tugon nito sa akin
"Nakita mong natutulog pa ang tao. Maya pa yan mag palabas, tsaka mararamdaman ko naman na kung lalabas na tayo" ang masungit nitong sabi sa akin sabay irap at ikot nang mata.
Hayst sarap talaga dukutin ng mata nito. Kainis naman oh concerned lang naman ako sa kanya. Tapos mukhang parang kasalanan ko pa. Pag nga naman ganito ang ugali ng makakasama mo ewan ko na lang sa iyo kung hindi ka matuyuan ng dugo sa pagkainis mo dito.
Kailangan ko na talagang habaan pa ng sobra ang aking pasensya dahil kahit asawa ko na ito ay hindi pa rin dahilan iyon upang sagot sagutin ko ito. At isa pa mukhang matatalo din lang naman ako sa argument namin. Kaya mag mabuting pabayaan ko na lang itong mag maldita.
Nanahimik na lang ako at di na umimik pa. Napaka talaga naman nang ugali nito. Kanino kaya ito nagmana? Ang babait naman nila Tito at Tita na parents nya.
Oh baka naman ampon lang ito kaya naiiba ang ugali niya sa kanyang mga magulang. Pero kamukha kasi nito si Tita. Parang batang version lang nito. Na may ilang features din na nakuha kay Tito lalo na yung perfect at makapal nitong kilay na kuhang kuha nito sa kanyang ama.
Di ko na lang sya pinatulan at hindi na ito pinansin pa. Nag wait na lang ako ng confirmation na pwede na kaming lumabas. Pagod din naman ako, pero di ako nagsusungit nang walang dahilan.
Ano ako baliw na basta nalang nagagalit ng wala namang dahilan? Sa pagkakaalam ko naman ay normal pa ako. Ewan ko lang pag lumipas pa ang araw at buwan na kasama ko si Ma'am sa iisang bubong baka magka mental break ako nito.
BINABASA MO ANG
Ms. Jane San Gabriel
Short StoryPaano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago? Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo? Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo r...