Avril
Palihim ko naman na tinitignan si Ma'am Jane na tahimik pa rin sa aking tabi hanggang ngayon.
Wala ba siyang balak magsalita man lang? Ano yan sumama lang siya sa parents niya para makikain dito sa bahay namin?
Tapos na kasi kaming kumain at heto nga at nandito na kami sa may living room at nakikinig lang sa usapan nang aming mga magulang.
Dito nila itinuloy ang pag chichismisan nila kanina sa hapag. Hayst katatanda na mga chismosa pa rin hanggang ngayon.
Di ko mabasa kung anong nasa isipan ni Ma'am. Naka poker face lang kasi siya.
Oo aaminin ko na malaki talaga ang pagka crush ko kay Ma'am at hindi man lang nabawasan yun kahit masama ang ugali nito.
Para pa ngang nag mumukha siyang hot sa paningin ko lalo na pag nagagalit ito.
Yung namumula pa ang mukha nito sa galit. Parang lalo lang lumalakas ang appeal nito sa akin pag ganun siya.
Kaya nga madalas ay nakatitig lang ako dito at iniimagine ng kung ano ano. Buti na nga lang at hindi ako nito tinatawag lalo na kapag nawawala ako sa aking sarili.
Pero syempre hindi ko masyadong pinapahalata na malakas ang tama ko sa kanya. Tanging si Stephanie lang ang nakakaalam na crush na crush ko si Ma'am.
Hindi ninyo naman kasi ako masisisi, ang ganda naman kasi talaga ni Ma'am. Nakakainggit nga eh. Wala man lang ka effort effort ito na mag paganda pero angat pa rin talaga ang ganda niya sa karamihan.
Parang silang mag babarkadang lima na Professor na may kanya kanyang kakaibang ganda. Wala kang itulak kabigin sa kanilang lima kung sa pagandahan lang ang labanan.
Huwag mo na nga lang isali ang ugali kasi itutulak mo talaga. Sa susungit naman kasi na dinaig pa ang mga nag me menopause sa kasungitan at sama ng ugali.
Idagdag mo pa na sobrang terror nila sa mga estudyante na konting pagkakamali lang ay pinapa out na nila sa klase at hindi mo pa sure kung tatanggapin ka pa sa next meeting.
Tama lang na magbabarkada talaga sila. Pare pareho ng ugali. Swerte na malas nga ang mga mapapangasawa ng mga ito eh.
Swerte kasi nga mga beauty and brain sila, malas naman kasi nga masama talaga ang ugali. Nasa iyo na lang ang decision kung kakayanin mo ba o hindi.
"Huwag mo isipin na gusto ko itong pangyayaring ito Del Carmen. Pinag bibigyan ko lang ang mga magulang natin. Kasi nangako sila sa akin na hanggang isang taon lang ito and after that ay pwede na tayong mag divorce" ang bulong ni Ma'am sa akin.
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Mahirap ng mag comment at baka magalit pa ang isang to.
Kung kay Dad ay takot ako. Di mas lalo naman sa isang ito na may lahi ni satanas.
Maya lang ay nag paalam na sila sa amin na uuwi na.
"Kumpadre kami ay hindi na rin magtatagal pa at medyo malalim na rin ang gabi. Total naman ay nagkasundo na tayo at nakapag desisyon na rin. Kami ay aalis na at ng pare pareho na tayong makapagpahinga. Alam ko naman na mga pagod din kayo." Sabi ni Tito
Kaya naman nag sipag tayuan na kami sa pagkakaupo at giniya sila hanggang sa may pintuan.
"Anak kiss mo naman ang iyong fiance oh. Dapat ngayon pa lang ay masanay na kayo sa isat-isa ng hindi na kayo mag kakailangan kapag kinasal na kayo" ang mahabang litanya sa amin ni Dad
Ano ba naman itong si Daddy at may pahabol pang paganun. Mabuti naman sana kung hindi ito force marriage at talagang hahalikan ko itong si Ma'am Jane kahit hindi nito sabihin. Pasikat talaga

BINABASA MO ANG
Ms. Jane San Gabriel
Historia CortaPaano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago? Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo? Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo r...