Avril
Dumaan na ang ilang buwan, at marami pa rin naman kaming natira na mga estudyante dito ni Ma'am Jane sa kanyang subject.
Yung ibang classmates kasi namin ay mga nag si pag drop na talaga.Hindi na yata nakayanan ang pagiging terror ni Ma'am at kami na nga lang ang mga malalakas ang loob nananatili.
Masasabi ko na nakakatakot nga pala talaga siya. Mahilig kasi siyang mag pahiya ng estudyante lalo na pag hindi naka sagot ng tama sa tanong niya.
Tama din naman si Ma'am na pagalitan nito pag hindi nakasagot sa kanya dahil always naman na advance ito magbigay ng topic sa amin kaya wala na ngang dahilan pa para hindi masagot ang tanong nito. Unless kung hindi mo nga inaral ang topic na ibinigay nito. Wala ka talagang isasagot sa kanya.
May time pa nga na may pinalabas ito dahil sa hindi lang nito nagustuhan yung sinabing sagot ng tinanong nito.
Magaling siya magturo at talagang mahina na nga lang ang kukuti pag hindi mo pa naiintindihan ang pinapaliwanag nito. Pero dahil nga takot ang estudyante sa kanya ay hindi na makapag concentrate sa kanya. Kaya tuloy karamihan ay na memental block pag tinawag nito.
Muntikan na nga rin ako minsan dito. Buti na nga lang at mukhang wala itong mens at pinalagpas na lang niya yung sablay kong sagot.
Hindi kasi ako noon nakapag advance reading sa kanya. Dahil may long quiz kasi kami sa isang subject noon kaya doon ako nagconcentrate na mag review. Tapos nagka taon pa na ako ang napili nitong tawagin. Todo kaba ko talaga ng time na yun.
Maaga ako ngayon umuwi kasi nagtext sa akin si Mom na doon daw ako sa bahay mag dinner at may importante daw kaming pag uusapan nila dad.
Hindi na muna ako umuwi sa condo ko at dumiretso na lang sa bahay. May mga gamit naman kasi ako sa bahay kaya no need na sumaglit pa ako sa condo ko.
Naka hiwalay na nga pala ako ng tirahan kila Mom. Mula pa nung last year. Sabi ko kasi sa kanila ay try ko na rin na mamuhay ng ako lang kung kaya ko na ba.
Gusto ko rin ma feel kung ano ba ang buhay na mag isa at walang inaasahan kundi sarili ko lamang.
Matagal na kasi nilang nabili yung condo na yun. Kaya sayang naman kung hindi ko ito magagamit. Birthday gift kasi nila sa akin yun nung nag sixteen birthday ako.
Hiniling ko kasi sa kanila na huwag ng mag pa party pa dahil wala naman akong hilig sa mga ganoong bagay. Kaya bilang regalo nila yun binilhan na lang nila ako ng condo.
Buti nga at pumayag sila. Knowing kila Mom baby pa nga ang tingin ng mga iyon sa akin.
Tsaka iniisip kasi nila na baka mapabarkada daw ako at mapabayaan ko ang aking pag aaral kapag malayo ako sa kanila. Na baka hindi ko kakayanin na mag isa lang ako.
Balak pa nga nila sana noon na pasamahin sa condo ko si yaya. Kung hindi lang ako nakiusap na paano ako matututo kung ganoon sila sa akin. Hello kaya nga gusto ko lumipat muna doon dahil gusto kong tumayo sa sarili kong paa at hindi palagi aasa sa kanila tapos ipapasama pa sa akin si yaya. Hindi naman sa ayaw ko kasama si yaya ha. Pero syempre may rason nga diba ako kaya ako lilipat.
Nandito na ako sa may garage namin ng mapansin ko na nandito na rin ang kotse nila Dad. Mukhang maaga rin umuwi mga yon ah. Himala. Madalas kasi na late ng umuwi mga yan dahil sa trabaho nila sa office na hindi makapag hintay kinabukasan.
Kaya nga madalas noon na hating gabi na kung umuwi sila. Madalas tuloy na kaming dalawa lang ni yaya ang nag sasabay mag dinner.
Nakasalubong ko si yaya ng ako ay pumasok sa bahay. "Yaya nandyan na po ba sila Mommy? Pansin ko pa kasi yung car nila sa garage." Tanong ko kay yaya sabay halik sa pisngi at yakap ko dito.

BINABASA MO ANG
Ms. Jane San Gabriel
Historia CortaPaano kung isang araw ang tahimik mong buhay ay biglang nagbago? Paano kung malaman mo na pinagkasundo ka pa lang ipakasal ng parents mo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo? Paano kung malaman mo rin na hindi lang siya basta babae kung hindi isa mo r...