Chapter 6

9.6K 372 44
                                    

Avril

Patapos na ang aming first period nang biglang mag salita ang katabi ko na si Stephanie.

"Hoy bruha alam mo na ba ang balita?   " Tanong nito sa akin na kala mo ay isang chismosa sa may kanto kung makapag salita. 

"Anong balita naman iyon? Maya ka na nga lang mag chismis diyan at baka makita tayo dito ni Ma'am na nag kwe kwentuhan ay mapa labas pa tayo ng wala sa oras." Sabi ko dito na pinanlakihan pa ng mata para tumahimik na ito

"Basta maya siguradong mabibigla ka sa sasabihin ko sa iyo. Tsaka ma broken hearted ka nito malamang."sabi pa niya sa akin

Di na lang ako umimik pa. Pero sa isip isip ano na naman ba ang sinasabi nito na ma broken hearted ako?  nag focus na lang na nakinig kay Ma'am. Mamaya ko nalang ito kakausapin tungkol sa chismis niyang yan.

"Class dismissed!" Dinig kong sabi ni Ma'am at umalis na.

Dali dali naman na nilapitan agad ako ni Stephanie at parang di na kayang pigilan pa na maibalita ang nalalaman nito.

"Oh ano na yang sasabihin mo sana kanina? May pa brokenhearted ka pang nalalaman dyan." Baling ko namang tanong sa kanya

"Yun na nga. Alam mo ba na may balita ngayon na yang crush mo na si Ma'am Jane ay kasal na daw." Sabi nito na nanlalaki pa ang mata pati butas ng ilong.

"Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?" Kabado kong tanong sa kanya. Baka kasi may naka kita sa amin ni Ma'am  mahirap na baka pag bintangan pa ako nito na nagpakalat nun.

"Dyan sa Facebook hot topic nga sya ngayon ng mga students dito sa university."

"Pero ang di nila alam ay kung sino ang asawa nito. Di daw kasi masyadong nakita yung guy kung sino eh."

"Tignan nalang natin kung sino ang mag hahatid at sundo dyan kay Ma'am Jane nitong mga susunod na araw. " Sabi nito na parang detective kung makapag suggest ng gagawin.

" Nangialam ka pa sa may buhay ng may buhay. Sa tingin mo kaya ay magagawi naman dito ang napangasawa non ni Ma'am?"

"Tsaka baka wala pa talagang asawa yun.  Nagkataon lang na kasama niya siguro yung guy. Tapos na issue agad na asawa nito." Pang lilito ko naman dito. Para di na e intrigahin pa ang buhay ni Ma'am Jane.

Malamang na malagot ako dito pag nalaman nito ang issue. Baka maya ay ako pa ang ituro nito na nagpakalat ng impormasyon na iyon.

Mahal ko pa ang buhay ko no. Tsaka di ko gagawin ang bagay na iyon ah. Ano na lang ang sasabihin nila pag nalaman sa campus na asawa ko pala sya? Baka pulutanin lang nila ang buhay naming dalawa. Pinaka ayaw ko pa naman ay yung pinag uusapan ang private life ko. Kahit naman siguro sino ayaw din naman yun.

"Baka nga noh. Sabagay halata naman kay Ma'am na wala itong love life napaka sungit kasi. Baka mag a ask palang ang gustong manligaw doon ay mag blackout na agad pag na taasan pa lang ng kilay nito." Natatawang sabi niya sa akin.

Na sinang ayunan ko na lang at kunwaring natatawa na rin sa kwento niya.

Mabilis natapos ang aming subjects na pang umaga at ready na sana kami ni Stephanie na lumabas para kumain nang biglang makatanggap ako ng text galing kay Ma'am Jane.

"Meet me at my office. Now!!!" Basa kung text nya sa akin. Halata ang galit sa way ng pag text pa lang nito. Bigla naman akong kinabahan dahil doon.

Agad ko namang tinago ang phone ko ng mapansin ko na balak sanang tignan ni Stephanie kung sino ang ka text ko.

"Hoy sino yan?" Tanong nito sa akin. Chismosa talaga ang fota.

"Wala si Mom lang. Pinapaalala na huwag ako mag skip ng lunch ko at iinom pa kasi ako ng gamot ko." Dahilan ko na lang dito.

"Nga pala Stephanie una ka na sa cafeteria ha at sasaglit lang ako sa faculty." Sabi ko dito at umalis na agad. Baka kasi magtanong na naman ito kung bakit ako pupunta doon o baka sumama pa sa akin.

" Hintayin kita doon ha. Huwag mo tagalan at baka mapag tripan na naman ako ni Samantha." Bilin naman nito sa akin at umalis na rin

Habang nag lalakad ako ay di ko maiwasang kabahan. Parang may idea na ako kung bakit niya ako pinapa punta sa office niya ngayon.

Sana naman ay huwag niya akong pag bintangan na ako ang nagkalat ng balita na iyon. Dahil ngayon pa lang ay para na akong maiihi sa takot sa kanya.

Nanginginig ang kamay na kumatok na ako sa pinto ng office nya.

"Come in!" Dinig kung sabi nito. Dahan dahan ko naman itong binuksan at bigla na lang sumalubong sa akin ang lumilipad nitong ballpen.

Buti na nga lang at mabilis akong naka ilag kung hindi malamang may sugat na ako nito sa mukha. Kawawa panigurado ang maganda kung face pag nagkataon.

Isa rin pala itong sadista eh. Wala pa akong ginagawang masama pero mukhang makakatikim na agad ako dito ng kanyang bangis.

Kaasar talaga, sarap halikan. Hahaha

"Ano itong nabalitaan ko na may asawa na raw ako ha?!!! Galit nitong kaagad sa akin at lalong dumilim pa ang aura nito.

Lalo yatang nagalit nung di ako tinamaan ng hinagis nitong ballpen nya kanina.

" May kinalaman ka ba dito ha Del Carmen?!!!" Sigaw ulit niya sa akin. Ni hindi man lang ako pinapa upo ng mahal kong asawa at basta na lang akong niratrat ng kanyang mapanghusgang salita.

" Wala akong kinalaman dyan Ma'am." Tanggap ko kaagad naman dito. Aba wala naman talaga akong kinalaman doon ah. Kahit nga ako nagulat din.

"Nagtaka nga rin po ako kanina nung sinabi sa akin yan ni Stephanie eh. Balak ko nga sanang sabihin sa iyo ito maya sa bahay pero alam mo naman na pala." Sabi ko nalang sa kanya.

Nagdududang tiningnan ako nito. " Siguraduhin mo lang na wala ka talagang kinalaman dito ha. Dahil pag nalaman ko na ikaw ang nagkalat ng chismis na ito. Lagot ka talaga sa akin. Sinasabi ko talaga sayo Del Carmen." Babala nya namang sabi at kahit paano ay nabawasan na ang pagdilim ng aura nito.

Kala ko nga kanina ay mag e evolved na ito. Buti na lang talaga at hindi pa.




Ms. Jane San Gabriel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon