Blaire
Mas maganda siguro kung dadagdagan natin ng petals 'yung dadaanan ng bride".Suggestion ko habang nagaayos ng upuan. Seven thirty pa lang ng umaga kaya mahaba pa ang oras namin para i-ayos ang lahat.
Nakakapagod!".Saad ni Belle ng matapos kami.
Nine a.m na at nagsisi datingan na ang lahat ng mga bisita ng ikasasal at ang mga magulang nito, hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil may mga pumupuri sa ginawa namin.
Guys balik lang ako saglit sa room".Paalam ko tsaka nag madaling bumalik sa kwarto para mag retouch dahil na haggard ako kanina Hahaha.
Habang nag lalakad ako papuntang room may nakita akong nagsuswimming sa private pool na malapit sa room namin, nang makalapit ako sa gilid ng pool sakto namang ahon ng babae.
Diyosa ba 'to? Ba't ang ganda!
Natulala ako sa kagandahan ng babaeng nakatayo sa harap ko napaka sexy naman nito! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.
Huy blaire! Ano nababakla kana?
Ang ganda ba ng view?".Tanong ng babae habang nagpupunas ng buhok.
Huh?".Tanging sagot ko. Omg! Blaire umayos ka nga!."A-uhm excuse me? Ano 'yung sinasabi mo?".Kunwaring tanong ko kahit alam ko naman 'yung tinutukoy niya.
Napangiti naman siya bago nag salita."I think na-eenjoy mo yung view". Nakangising sagot niya. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko sa kahihiyan! Pwede bang lamunin na lang ako ng kinatatayuan ko? Waaaaaah!
Imbis na tumuloy ako sa room namin minabuti ko na lang bumalik sa venue dahil sa kahihiyan.
Ang kapal ng mukha niya! Hindi siya maganda! Hindi siya sexy!".Inis na saad ko sa sarili ko. Aaaah! Kainis!
Anong itsura yan?".Tanong ni Ivan ng makalapit ako sa kanila. Nakasimangot lang ako habang naka cross arm na nakatingin sa mga taong nasa venue.
Bwisit kasi 'yung babaeng nasa private pool!".Inis kong sagot.
Ang sexy ni Madison noh?".Saad ni Hannah.
Oo".Biglang sagot ko. W..Wait? What?! Si Madison? As in 'yung may'ari ng resort na 'to?
Biglang nagka tinginan 'yung tatlo tsaka sabay sabay na tumingin sa'kin habang naka taas ang mg kilay.
Akala ko ba hindi siya maganda at sexy?".Nakangising tanong ni Belle.
H..Hindi nga".Irap kong sagot.
Ah? Hindi pero titig na titig ka lang noh?".Pangaasar ni Ivan. Nagtataka akong tumingin sa kanya, pano niya alam?."Sinundan ka kasi namin ni Hannah, kaya lang hindi na kami tumuloy dahil mukha namang nag e-enjoy ka".Sagot nya bago Pa ko makasalita.
Ayst! Kainis talaga!
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa kasal, dahil pag nakipag talo ako dito sa mga kumag na 'to hindi din ako mananalo.
Natapos na ang kasal at nagsisimula ng magkasiyahan ang mga tao kaya nagpasya na kaming bumalik sa kanya kanya naming room para magpahinga.
Grabe nakakapagod 'tong araw na 'to".Pagod na saad ni Belle tsaka padabog na humilata sa kama. Siya ang kasama ko sa room at sa kabila naman ay magkasama sila ivan at Hannah.
I agree".Saad ko naman tsaka humilata din sa kama, ipinikit ko ang mga mata ko. Maya maya pay napadilat ako bigla ng 'yung mukha at katawan ni Madison ang nakikita ko. Naramdam ko nanaman na nag-iinit ang mukha ko."Kainis talaga!".Pabulong kong saad tsaka padabog na umupo sa kama.
BINABASA MO ANG
Ti'll I Met You (GxG Story)
RomanceWala na kong ibang mamahalin kundi ikaw lang pangako yan"- Madison. Yan ang mga salitang binitawan ni Madison. Pero paano kung dumating yung totoong tao para sa kanya at magmamahal sa kanya ng buong buo. Kaya nya na kayang bumitaw sa pangakong bin...