Chapter: 9

45 6 0
                                    

Belle

Maaga kaming pinapasok ni Blaire ngayon dahil meron daw siyang importanteng sasabihin, mula nung nag kausap sila ng daddy niya napansin namin sa kanya na medyo wala siya sa sarili niya.

Good morning guys".Bati ko sa mga kasama ko.

Good morning".Bati din nila."Ano kayang pag uusapan natin, kinakabahan ako!".Saad ni Hannah na halata ang kaba sa mukha.

Ako din eh, baka tatanggalin na tayo".Pang huhula naman ni Ivan.

Hoy kayong dalawa tumigil nga kayo diyan! Ang o-oa niyo".Sita ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko."B-Baka naman good news yun".Saad ko.

Wala na silang nagawa kundi manahimik habang inaantay namin si Blaire.

Habang inaantay namin siya dahil sa pagkakatanda ko medyo malelate siya ngayon dahil may dadaanan daw siya, tinapos na lang muna namin 'yung mga kailangan naming tapusin.

Ito bang kay Mrs Baltazar sure nang sa simbahan ang prenup?".Tanong ni Ivan habang tinitignan ang schedule nang mga clients namin ngayong buwan.

Oo. Sa monday na yun eh".Sagot ko naman.

Lima ang client namin for this month hindi siya puro kasal 'yung iba baby shower, gender reveal at birthday.

Guys gusto ko pag kinasal ako.. kayo ang mag ayos ng venue ko ha".Hannah said out of nowhere. Ivan and I just looked at each other then burst out laughing."What's funny?".Takang tanong nito.

Bruha mag jowa ka muna bago mo sabihin yan, kaloka ka!".Tumatawang sagot ni Ivan.

Pano naman mag kaka-jowa yan eh, masyadong pihikan".Natatawa kong saad tsaka iiling iling.

Pano naman kasi 'yung mga nagkakagusto sa'kin hindi pasok sa taste ko!".Nakabusangot na saad ni Hannah.

Bakit 'yung si Greg okay naman ah.. pogi naman tapos may datong-".

Pero kuripot".Pagputol ni Hannah sa sinasabi ni Ivan.

Well-- tama siya kuripot si Greg dahil nung one time na inaya siya mag dinner date sa mumurahing restuarant lang siya nito pinakain dahil ayaw niya sa mamahalin, take note mayaman si Greg meron silang sariling business.

Eh si Sean? Okay din naman yun ah".Saad ko naman.

Oo nga".Sang-ayon din ni ivan.

Hindi ko kayang makasama siya sa isang buong araw".Sagot naman ni Hannah.

Well si Sean ay isang human bible dahil sa bawat pag bitaw niya ng mga salita hindi mamawala ang bible verse, baka masunog si Hannah HAHAHAHAHAHA

Nagka tinginan naman kami ni Ivan at sabay na nag salita."Si Juanito!".Sabay naming saad.

NO WAY! Hindi na yun makakatayo pag walang saklay".Maarteng saad nito na ikinatawa namin ni Ivan."Para ko na siyang lolo eh!".Dugtong pa nito.

Atleast pag namayapa na siya lahat ng kayamanan niya sayo mapupunta".Pang aasar ko pa sa kanya.

Hay nako! Kaya ko magpayaman hindi ko kailangan ng matandang hukluban!".Sagot nito tsaka maarteng hinawi ang kanyang buhok.

Nag patuloy lang kami sa pag kukwentuhan habang nag tatrabaho at habang inaantay si Blaire, nang dumating ito agad kaming nag tipon tipon para makapag umpisa na sa pag uusapan.

Ba't ganyan mga mukha niyo?".Nakangising tanong ni Blaire habang nagtitipa sa laptop niya at patingin tingin saming tatlo.

A-ah uhm-".Hindi ko naman masabi sabi sa kanya na kinakabahan kami.

Ti'll I Met You (GxG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon