Madison
Tahimik akong nag lalakad sa dalampasigan habang nakatanaw sa napaka gandang pag sikat ng araw
Naupo ako at nanatiling nakakatig sa pagsikat ng araw ngayon ko na lang ulit nasaksihan 'to na ako na lang mag'isa, nasanay kase ako na sa lahat ng bagay na ginagawa ko kasama ko siya.
2 years without you Mia.
Pero hanggang ngayon nangungulila pa din ako, hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang prisensya niya, akala tanggap ko na... Tanggap ko ng wala siya pero hindi pa pala.
Maam Madi naka handa na po ang breakfast niyo".Nahihiyang saad ni Lara na isa sa mga Receptionist dito sa resort na pagmamay'ari ng pamilya ko.
Napalingon naman ako sa kanya tsaka dahan dahan tumayo at pinagpag ang shorts na nadumihan ng bungahin.
Sige tara".Aya ko sa kanya tsaka naunang nag lakad.
Pag dating ko sa cottage kung saan malapit ang tinutuluyan ko naka handa ang mga pagkain.
Maam may kailangan pa po kayo?".Tanong ni Lara.
Uhm wala naman na, salamat".
Tumawag po pala ang daddy niyo kanina, hinahanap po kayo at hindi daw po ma-contack 'yung phone niyo".Saad nito habang naglalagay ng tubig sa baso ko.
Ah ganun ba? Sige tatawagan ko na lang siya mamaya".Sagot ko tsaka nag lagay ng pagkain sa plato ko.
Habang kumakain ako nakatanaw lang ako sa mga taong nag eenjoy sa paliligo sa dagat at ang iba ay naglalaro ng volleyball. Hindi ko kase alam kay dad kung anong nakain at ako ang pinag hawak niya sa resort namin. Pero okay na din siguro 'to para na din makapag unwind ako.
Nang matapos akong kumain agad kong tinawagan si dad na agad naman niyang sinagot.
Madison anak bakit naman hindi kita ma-contact kanina?".May pagaalala sa tono niya.
Sorry dad, naiwan ko kase sa kwarto 'tong phone".Sagot ko.
Alam mo naman na madaling mag'alala ang mommy eh".Saad niya.
Tell her that I'm fine dad".Buntong hininga kong sagot."Kaya ko na po ang sarili ko".
Narinig ko ang pag buntong hininga ni dad mula sa kabilang linya."Oh siya mag iingat ka diyan, just call me kung may problema o may kailangan ka".Paalala nito.
Noted dad".Maikling sagot ko.
Nang matapos ang usapan namin ni dad nag pasya akong maligo sa dagat dahil kahit mag eight thirty palang ng umaga dahil sobrang init na.
Nag suot lang ako ng white two piece at nag suot muna ako ng loose shirt bago lumabas ng kwarto. Madami ng mga nag suswimming at nag susurfing. Nang makarating ako sa dalampasigan dahan dahan kong tinanggal ang tshirt na suot ko at hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatitig sa'kin lalo na ang mga lalaking naka tambay sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
Ti'll I Met You (GxG Story)
Storie d'amoreWala na kong ibang mamahalin kundi ikaw lang pangako yan"- Madison. Yan ang mga salitang binitawan ni Madison. Pero paano kung dumating yung totoong tao para sa kanya at magmamahal sa kanya ng buong buo. Kaya nya na kayang bumitaw sa pangakong bin...