FriendsI have a hopeless crush on someone I have no chance with. But then I realized there are more intelligent, chinky eyes, fair guys than Ellisian Carvajal.
Hindi ko naisip na iiyak ako dahil sa lalaki. Sobrang babaw no'n. I feel so stupid wasting my tears because of him.
Marami pa akong pagpipilian kaya walang dapat ikabugho. Dalawang taon lang naman iyon. I invested both of my time and feelings on Ellis who didn't even see my worth and it's fine. Hindi siya kawalan. Ang Carvajal na 'yon, hindi dapat iniiyakan.
Bago pa man ako tuluyan makalapag sa probinsiya, nangako akong kakalimutan siya. Sinearch ko rin sa social media ang last crush ko at walang pasubali siyang in-add friend. Napangisi ako bago ibinaba ang cellphone.
"Tita Blanche, ako na po bahala sa mga gamit ko..."
"Just call me Tita Blaine, iha. Tatlo kaming Blanche rito sa probinsiya."
Nagulat ako roon. Ang alam ko ay panganay si Tita sa apat na magkakapatid tapos may isa naman siyang anak. Pero hindi ko pa nakikilala silang lahat. Pati na rin 'yong si Finn.
"Tatlong Blanche po?"
Perhaps they were named after that because of their white skin.
She closed the door beside her. Sinundo kami ng driver nila at hindi pa alam ni Lola Flor na ngayon ang dating ko dahil gusto ko ay surpresa iyon. Wala pang nakakalam kahit ang mga kaibigan ko na nakausap ko sa byahe.
"Ipapakilala kita sa kanila kapag nagkita kayo. Pati kay Finn, nasa Cantilan pa iyon ngayon at sa makalawa pa uuwi."
Naalala ko ang mga nangyari bago ako umalis. I graduated from high school but my dad wasn't there to celebrate with me. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag sa suhestiyon ni Mama na magpa-party sa bahay o kahit sa hotel. The Grazia in Manila greeted me with congratulations but that's it. Si Lolo Timothy, alam kong may mga regalo siya sa akin.
Makukuha ko iyon kapag nasa syudad ako. But I chose the province to see my Lola Flor and because I don't want another lazy vacation in Manila.
Kaya kinabukasan ay abala ang lahat sa bahay ni Lola sa paghahanda para sa selebrasyon ng graduation ko.
"Lola, hindi naman po kailangan. It was four days late," pagpigil ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Tumahimik ka, Isla! Hindi mo na nga ako sinabihan na kagabi ang dating mo, pipigilan mo pa ako na ipagdiriwang ang pagtatapos mo!"
"Kasi naman, hindi naman po kailangan..."
Mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin.
"Kung hindi lang sinabi ni Ynez na hindi ka naghanda sa Batangas, hindi ko pa malalaman!"
Matapos akong ihatid ni Tita sa bahay kagabi, mabilis na rin siyang umalis para umuwi nang makumbinsi siya na ayos lang ako. I was pacing back and forth last night thinking of ways to surprise her. Kaya lang ay nakita ako ni Uncle Freddie sa waiting shed sa harap lang ng bahay ni Lola kaya sa huli, nagpakita na rin ako.
She was happy but... disappointed. Hindi kasi ako nagsabi kaya wala raw siyang naihanda para sa pagdating ko.
Napanguso ako habang tinitingnan mula sa indoor balcony ang hindi mapakaling mga kasambahay sa baba. Maraming mga pagkain doon at may nakalaan pa na espasyo para sa lechon na darating mamaya. Nagpakabit din si Uncle Freddie ng malaking tarpaulin sa labas.
Lola isn't living in a castle or in a mansion. It's a modern two-story house with glamorous chandeliers and paintings. Marami rin siyang collection ng figurines. May indoor and outside balcony rin na pinakagusto ko sa lahat. I remember sleeping with my friends on the outside balcony and then occupied the indoor for our playtime.

BINABASA MO ANG
Riptide Summer (SLS #1)
RomanceIsla Grazia is driven by her emotions. Tinanggihan siya ng high school crush niya kaya pinili niyang magbakasyon malayo sa syudad para kalimutan ito. But when she's about to focus on her sanity, she suddenly falls for the man with a surfboard clampe...