Inijakan"Careful, babe..." rinig ko si Finn sa girlfriend niya.
Sydni was there. Sinalubong ako ni Czarina at Myrtle nang makadaong na. I'm glad they were here so I won't feel out-of-place. Si Finn naman ay agad tinalunan ni Sydni sa tuwa at hinalikan sa labi. Sinuway lang sila ni kuya Cade at tinawanan naman nina Rohan at iba pa.
They really like to almost— make out — in front of people, 'no? It's not an issue, to be honest. Concern lang ako sa ibang makakita dahil hindi naman lahat ay open doon.
The two were too liberated. A man who grew up in States and his Aussie girlfriend. It's not questionable.
Nilingon ko si Rohan na kinuha ang dala ko. Inakbayan niya pa ako. Nagpatuloy kaming maglakad patungo sa room ko.
"Ihahatid na kita," usal niya. "How was the ride?"
"It was fine. Ang dami pa lang isla rito. Parang gusto kong mag-island hopping," excited kong sagot.
"You can come with me later. Mag-a-island hopping din ako."
"I heard you're leaving," naalala ko. "Tapos sa isla! Bakasyon, 'no? That's a good choice!"
Tumawa si Rohan. "Gusto mo ay sumama ka rin."
"Kung puwede lang ay sasama talaga ako! That's a dream, Rohan! To live in an island... Such a nice choice."
Mas lalo siyang natuwa sa naging reaksiyon ko. Ngumisi ako sa kaniya na ikinailing niya lang. He looked too happy maybe because of my enthusiasm to coastal areas. Gustong-gusto ko talaga iyon. Dahil na rin siguro sa ilang taon ko sa syudad, napagtanto kong mas masaya ang buhay probinsiya.
"Too bad, you're not allowed to go anywhere else."
Napasimangot ako. Naalala ko ang sinabi niya kaya iniliko ko ang usapan.
"Sasama ako mag-island hopping! Iyong isa, that looked like Homer Simpson! Nakita ko iyon kanina. I'd like to go there."
Tumango siya. "Okay, okay. Isasama ko na sina Czarina."
My forehead knotted. "Plano mo ba mag-island hopping lang mag-isa?"
He slowly nodded. May mapaglarong ngisi sa labi niya.
"Yup... May kasama noon pero ngayon, wala na. But then you're here!" he said, half chuckling.
Tumigil kami sa tapat ng isang bungalow. Rohan waited outside while I fix my things. May dalawang double bed roon. It has its own bathroom which is very convenient. Nagsuot ako ng dala kong pinaka wholesome na bikini. It's a Monstera leaf printed one piece. My back is exposed kaya naglagay ako ng cover up.
Paglabas ko, kausap ni Rohan si Czarina.
"Okay! Sasabihan ko si Myrtle! Sasama kami mamaya," mamumula-mula ang mga pisngi niya.
Nilingon nila ako. Czarina's smile was too wide and her cheeks were burning red. Hindi ko alam kung dahil sa init o kay Rohan.
Lumapit siya sa akin at lumingkis sa braso ko.
"Sasama kami mamasyal mamaya," anunsiyo niya.
Nauna na kami maglakad. Nakasunod sa amin si Rohan na tahimik lang.
"Kasi naman... Ito na ang huling araw na makikita ko si Rohan kaya huwag mo na muna siyang solohin, okay?"
My lips retracted. "I was about to tell you guys to go with us. Wala naman akong sosolohin."
"Hindi mo siya gusto?"
I liked him as a person and I see him only as a friend. Gano'n din ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Riptide Summer (SLS #1)
RomansIsla Grazia is driven by her emotions. Tinanggihan siya ng high school crush niya kaya pinili niyang magbakasyon malayo sa syudad para kalimutan ito. But when she's about to focus on her sanity, she suddenly falls for the man with a surfboard clampe...