RIPTIDE SUMMER | Isla Grazia
"People change daw. Baka bukas alien na..." si Elaria na tumatawa habang nakatingin sa kaniyang cellphone.
"Basahin mo 'yong comment, aliw!"
Kanina pa sila nagtatawanan ni Felicity na abala sa pagtingin ng memes sa social media.
"Iyan pa, tigil... Pabasa naman! Ang tipid mo sa brightness, ah."
I just wanted to leave silently because people's eyes are feasting on us with a frown for they are really noisy! Sa lahat ng lugar, dito sa food court na naman sila naghasik ng kaingayan.
Inabala ko ang sarili sa pagkain ng Cheese Stick. Kulang na lang ay pati ang kanila ay kainin ko na rin.
"Si Isla, hindi maka-relate. Pinaglihi kasi sa sama ng loob," baling sa 'kin ni Felicity.
Umirap ako at tinuon ang atensiyon sa food banner na nakapaskil sa food outlet na pinili namin.
"Wait, may utang pala ako sa 'yo, Felicity. 'Eto..."
Biyernes ngayon at nagpasya kaming lumabas pagkatapos ng eskwela. Ngayong araw lang din kasi natapos ang final examination namin. We ended up in our favorite spot in the food court. Kilala at sanay na 'ata sa amin ang lahat dahil regular kami rito pero nahihiya pa rin ako sa tuwing nag-iingay sila.
Marami rin estudyante. Some students are from the same school, too. Moss green slack and white top, a tie that matches our pants clenched with belt, and of course, our identification card hanging on the thick lace. May iba rin na iba ang uniform.
Bumaling ako sa kanilang dalawa.
"Kakain pa kayo? Parang gusto ko pa uminom ng Pineapple juice."
Umarko ang kilay ni Elaria. Parang may naglalaro sa isipan niya. Then, a ghost smile stretch on her lips as she put her phone down.
"Naka-limang baso ka na ng Pineapple juice. May pinaghahandaan ka ba?"
"Magpapasisid 'ata kay Ellis..."
"Umaarangkada na naman ang ka-horny-han niyo," saway ko na naiinis.
"Say kalibugan, Isla," si Felicity na siniko naman agad ni Elaria.
"Ka-li-bu-gan," paisa-isa kong sinabi, nang-aasar.
Ellis is my crush, na kapatid ni Elaria. He's the top in our class, and also my inspiration to aim for the second rank. Nagpapa-impress lang ako dahil baka mapansin niya. Nasa third rank lang ako noon, naisip ko na magkatabi kami sa graduation kaya nagsipag talaga ako!
Even my parents were surprised because of my determination to make it.
Kung anuman daw ang rason ko, nagpapasalamat sila roon.
I smirked when I think of him. Ellisian Carvajal.
He's so cute and... smart. I'm into intelligent guys and it's not a surprise that I like him.
Iyong mapayat na 'yon, guwapo lang siya kasi singkit. Gusto ko ang mga singkit at maputi. Matangkad na mapayat? That's Ellis plus his sweet scent which I always sniffed whenever I get the chance to. Pakiramdam ko nga mauubos na siya tuwing ginagawa ko iyon.
BINABASA MO ANG
Riptide Summer (SLS #1)
RomansaIsla Grazia is driven by her emotions. Tinanggihan siya ng high school crush niya kaya pinili niyang magbakasyon malayo sa syudad para kalimutan ito. But when she's about to focus on her sanity, she suddenly falls for the man with a surfboard clampe...
