Chapter 04

70 0 0
                                    


Permission


I have always been fascinated with the sky. Every night, I marvel so much why people is deeply in love with the dark night. Then I'd paused and realized that it offer us silence, something I learn to love as I get older.

Every time I stare at it, I always appreciates its beauty. Looking up into the night sky and seeing the stars, that appeared to be arranged more or less randomly, but if you look at it closely, you'd be amazed at how things are formed. Iba't iba man sila ng tingkad, ang iba'y hindi mapansin dahil kulang sa liwanag, nananatili pa rin sila. Kahit ang liwanag nito'y hindi nakakasilaw, hindi ito napagod magbigay ng liwanag sa atin.

I admit that it was the brightest one that I always admired. It has the spotlight, it captivates one who gazes at it. Marahil dahil kuryuso ako kung paano nga kung na sa iyo lahat ng atensiyon, kaya iyon ang una kong napapansin.

Personally, I'm quiet and I don't like attention. Even I belong to the family who has a name in the industry, hindi ko naranasan na pagtuunan ng atensiyon. Kay Elis, kahit alam niya iyon, hindi ko pa rin nakuha ang pagtingin niya. Gayunpaman, natuto ako sa dalawang taon na pagkagusto ko sa kaniya. I came to finally realize that not because I can have everything, means I can also get anything I want.

You have the means but then, you can't buy feelings.

"Isla, gabi na. Ipagpatuloy mo na lang ang pagtatahi bukas at matulog ka na," si Lola Flor iyon nang silipin ako sa balkonahe.

Mula sa langit, binaba ko ang tingin sa hoop. Kaunti na lang iyon at matatapos ko na.

"Lola, kaunti na lang po. Tatapusin ko na lang saka ako matutulog."

May bahid ng pag alma ang mukha niya nang tumingin sa madilim na kalangitan.

"Isa pa, buksan mo na ang cellphone mo. Gusto kang makausap ng Mama mo," paalala niya.

Napanguso lamang ako. Tuwing gabi bago ako matulog, tumatawag si Mama sa cellphone ni Lola. Simula nang tumuntong ako sa probinsiya, hindi ko pa nabubuksan ang akin. Kaya hindi ko pa alam kung anong picture ang sinend ni Rohan na gusto niyang iburda ko. O kung in-accept na ba ako ng previous crush ko sa social media.

"Opo, Lola. Pero bukas na po, ako na tatawag kay Mama."

I smiled sweetly. Hindi na niya ako nilingon pa at pumasok na sa loob. I continued my work. Sa kalagitnaan, natusok ang daliri ko. I felt like I'm still hung over what happened earlier.

"I hate your age, Isla," he said like it's nothing. "And you, in general."

Kumunot ang noo ko. Bumundol lalo ang kaba sa puso ko na akala ko'y nawala na. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko nang gumalaw na siya at tuluyang lumapit sa akin. Nanatili ako sa kinatatayuan, pilit pinoproseso ang kaniyang sinabi. Bahagya akong nalito at para akong nahihilo sa lapit niya sa akin.

"I don't care about what you saw earlier. So, shut your mouth."

I unconsciously licked my lips. Bumaba ang tingin niya roon. Mas lalo siyang nairita sa dilim ng ekspresiyon niya nang muling nagtama ang tingin namin.

Tanaw ko pa rin ang mansyon sa likuran niya pero maliit na ito sa paningin ko.

"Hindi ko naman iyon sinasadya. I was just passing by," depensa ko ulit sa sarili.

Riptide Summer (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon