WildIt feels like forever walking towards the Zendejas residence. Magpapakita kasi muna ako kay Tita Blaine dahil iyon ang bilin niya kay Rohan. Kaya naman nang matanaw ko na ang pamilyar na malaking bahay, lagpas langit ang tuwa ko. Kahit sina Czarina, hindi naitago ang kilig dahil katulad ko, excited na rin sila.
"Nag-setup na ako ng tambayan malapit sa dalampasigan para pagpahingahan matapos maglibot," si Rohan.
"Maliligo ka ba, Rohan?" tanong ni Czarina.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. May nagbago pero ikinaganda naman ito. The tall palm trees were dancing in the wind and I couldn't help but be mesmerized by them. Lalo na at hindi pa man kami nakakalapit sa dagat, naririnig ko na ang bawat paghampas ng alon.
Pinagmasdan ko ang nadaanan naming mga bungalow. I figured it must be a lodging area for tourists. May nakikita pa akong mga surfboards sa gilid.
"Oo. Siguro, depende sa estado ng dagat, Czarina."
Napansin ni Rohan ang pagtitig ko sa mga bungalow kaya nagsalita siya.
Bay Bungalow.
"A lot of tourists came here especially in between the months of November to March. Kung hindi sa main city, rito sila nagre-rent to stay. Si Tita Blaine ang nagpapatakbo niyan. It also offers yoga."
Tumango ako. "Sayang, 'di ba? Tuwing November, may festival. Kaso may pasok ako no'n."
Bumagsak ang balikat ko sa naisip. Masaya tuwing November dahil may Surfing International Festival sa main city. May mga artista na dumadalo, at iba pang surfers mula sa ibang bansa.
"Si Finn, laging dumadalo tuwing festival. Hindi niya pinapalampas ang bawat malalaking alon," sambit ni Rohan.
"Kailan nga pala uuwi si Finn? Ilang araw na siya sa Cantilan, ah. Kasama niya ba si Sydni?"
Alright, I'm starting to get curious about Tita Blaine's son. Wala talaga akong maalala tungkol sa kaniya. O baka naman ay hindi talaga naikwento ni Tita. Dahil kung oo, maalala ko iyon lalo na kung... gwapo.
The Zendejas' is the home of godlike, beauty runs in their blood. Kaya nasisiguro ko na may ibubuga rin si Finn, kung sino man siya.
Tumingin ako kay Myrtle na naghihintay ng sagot ni Rohan.
They seem close. My friends and the Zendejas seem close.
Nalukot ang mukha ni Rohan. "Kasama niya 'yon panigurado. Para iyon linta kung makakapit kay Finn. Sabi nga ni Arceli, feeling girlfriend."
Humalgalpak si Czarina sa tawa. What a word.
"'Yong instructor niyang Australian, crush din naman 'yon ni Finn, 'di ba?"
"What is he like?" I asked curiously. "Palagi ko siyang naririnig simula pa kahapon. Is he a good man?"
Sumilay ang pilyong ngisi ni Rohan.
"Tandang na 'yon, Isla. Hindi na teen kaya matanda na."
Napanguso ako at umirap. "Hindi na teen. So, he's g'wapo. Katulad mo ba, Rohan? I mean..."
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad. I examined his face and no doubt, he is really handsome. Sabagay, may dugong banyaga rin siya katulad ko. The Zendejas' origin is Spanish, for sure. Nabanggit iyon sa akin ni Lolo.
Namumula ang tainga na umiwas siya ng tingin. Rinig ko ang malalim niyang paghinga.
I shrugged and averted my gaze.
"Gwapo ka rin kasi. Actually, lahat kayo. So, I assumed that Finn is also handsome, am I right?"
"Naku, Isla! Sobra pa sa sobra! Mas pogi 'yon kay Rohan at sa iba pa niyang mga pinsan!" galak na galak na sambit ni Czarina.

BINABASA MO ANG
Riptide Summer (SLS #1)
RomanceIsla Grazia is driven by her emotions. Tinanggihan siya ng high school crush niya kaya pinili niyang magbakasyon malayo sa syudad para kalimutan ito. But when she's about to focus on her sanity, she suddenly falls for the man with a surfboard clampe...