Hate"You're old enough to take care of yourself. Hindi mo na kailangan ng bantay, Isla."
It's not Cade. It's definitely not him.
"May gagawin pa ako. Ipapatawag ko na lang si Rohan para bantayan ka!"
Naiirita na ako sa ingay niya. Sa katunayan ay ayaw ko rin naman siyang kasama kung 'di lang kay Tita Blaine. Gusto kong i-entertain ang sarili ko sa paglilibot ng mag-isa. But having him here just ruined my mood because he keep talking!
"Why aren't you speaking? Gusto mo talaga na ako ang kasama mo, ineng? You're too young for me!"
He's older than me so I have to pay him a respect.
"Ang ingay mo po," sa mahinahong boses.
"Aba! Sumasagot ka pa talaga!" muli niyang pagtatalak.
"Alam mo ba, Kuya? Ayoko po sa maiingay at hindi ka naman obligado na bantayan ako dahil kaya ko naman ang sarili ko."
Siguro kung totoo nga na gusto ko siya, matu-turn off na agad ako sa ingay niya. Gusto ko ako lang ang nagdadaldal sa aming dalawa.
"Tita will be mad at me if she finds out!"
Patuloy kaming naglakad sa dalampasigan habang tinatanaw ko ang kalmadong dagat. Nakasunod siya sa akin, iritado sa tono ng pananalita niya.
"Akala ko ba ay may pupuntahan ka? Bakit ka pumayag na samahan ako?"
"Mamayang hapon pa 'yon!"
Akala ko ba ay buong araw sila sa Madrid?
Mahaba-haba pa ang hihintayin niya dahil maaga pa naman. I don't have plans to swim but I forgot to inform Tita Blaine that I had a change of heart. Kaya hindi ko na rin siya naabisuhan na hindi ko na kailangan ng kasama.
"E, 'di sana nag dahilan ka na lang kay Tita. Isa pa, p'wede ka namang umalis. Pero nakasunod ka pa rin sa akin."
Tumigil ako at hinarap siya roon. Nagpalit siya ng pantaas kanina. Now he's sporting a sky blue tee, pero wala akong pakialam. Iritado ko siyang tiningnan dahil iyon ang nararamdaman ko sa nangyayari.
"Ilulunod po kita kapag nag-ingay ka pa," sa marahang boses. "Kaya ko na ang sarili ko, kuya Cade. I won't do something that would anger Tita Blaine, para hindi ka niya pagalitan. Kaya maari ka na umalis at iwan ako mag isa dahil iyon ang kailangan ko ngayon."
Nawala ang kunot sa noo niya. His grim face softened as realization hit him. Naisip ko na siguro ay napagtanto niya kung gaano siya kalupit sa akin simula pa kanina.
"Why do you want to be alone?"
I tilted my head at how soft his voice was. Kanina lang ay galit siya. Hindi ko alam kung galit nga ba pero iyon ang naging dating sa akin.
"Kasi ayoko sa maingay na katulad mo... po," I said those as calm as the waves.
Umingos siya sa sinabi ko. "Sasamahan na kita. Baka mamaya ay saan ka pa mapunta."
I looked over his side. Medyo malayo na kami sa cottage. Hindi ko iyon napansin dahil abala ako kakaisip kung paano siya mapapaalis. Nawala na rin ang pagkairita ko sa kaniya kaya hindi na masama ang timpla ko ngayon.
"Hindi ka na mag-iingay?"
Mas lalong kumunot ang noo niya.
"I'm older than you. Magbigay galang ka," banta niya.
Plastik akong ngumiti.
"Okay... po," sabay talikod. "Pero akala ko po ay aalis ka. Sayang, hindi na sana kita kasama kung natuloy 'yon."

BINABASA MO ANG
Riptide Summer (SLS #1)
RomanceIsla Grazia is driven by her emotions. Tinanggihan siya ng high school crush niya kaya pinili niyang magbakasyon malayo sa syudad para kalimutan ito. But when she's about to focus on her sanity, she suddenly falls for the man with a surfboard clampe...