Kabanata 3

9 2 0
                                    

Kabanata 3

"Ma, tapos na po ako. Tara na po," sabi ko kay mama.

It was a rainy Friday. Kahit masarap hindi bumangon at pumasok ay bumangon pa rin ako.

Last day na rin kasi ng vacant week namin. May assembly ngayon sa gym namin at ngayon pipili kung saang organization or club ka sasali.

Ihahatid ako ni mama ngayon sa school dahil ayaw ako ni mama ipagcommute kapag umuulan. Mahirap daw at baka magkasakit pa ako.

Before leaving, I checked my bag if may nakalimutan pa ako. Wala naman kaya pumasok na ako sa sasakyan at ganoon din si mama.

"Do you have your jacket or hoodie?" Mama asked. Tumango naman ako sa kanya.

Hindi ko muna sinuot ang hoodie ko dahil malamig na sa car at nakablazer naman ako. Tsaka ko na susuotin kapag malapit na kami sa school.

May nadaanan kaming cafe at sinabi sakin ni mama na magdrive thru muna kami. Sumang-ayon ako sa kanya.

"One hot americano please, and wait a sec," bumaling si mama sa akin at tinanong kung ano ba ang gusto kong orderin.

"Mia, anong gusto mo?"

"Hot coffee latte and caramel tart po," ngumiti sa akin si mama at inulit ang sinabi ko sa microphone.

Ngumiti ako kay mama para magpasalamat. We waited for few minutes since may car pa sa unahan bago pa namin makuha ang order namin.

Binigay sa akin ni mama ang inorder ko at nagpasalamat sa kanya, "Anything for my baby."

Lalong lumaki ang ngiti ko at hinalikan ko pa sa pisngi si mama. Mama was indeed an angel. Sobrang swerte ko sa kanya, nagbibigay siya sa akin ng pera, pagkain, at mga gifts kahit hindi ko naman hinihingi.

Hindi ko sinamantala ang kabaitan ni mama, kahit nagbibigay siya sa akin ay nagsasabi ako sa kanya na hindi ko naman kailangan ang mga ito pero ang sabi niya ay anak niya ako, responsibilidad niyang pasayahin ako.

Bubuksan ko sana yung inumin ko nang matanaw ko na ang school namin. Maaga pa naman, it was 6:20 in the morning and I saw that there are people in the school na.

Nagpark si mama sa parking area ng school at hinintay niya akong maisuot ang hoodie. Nang nasuot ko na ay kinuha niya ang payong ko para mabuksan ito.

Ibinigay niya ito sa akin nang bukas na para hindi na ako mahirapan pang buksan iyon, nagpasalamat ulit ako kay mama at nagpaalam na.

Dumiretso muna ako sa locker ko para mailagay ko ang payong ko na pinapatuyo ko pa. Nang matuyo ay inilagay ko na at kinuha lang ang mga importanteng gamit.

Inayos ko ang strap ng shoulder bag ko habang hawak hawak pa rin ang dala kong coffee latte at caramel tart.

Sinarado ko na ang locker ko at naglakad na papunta sa room. Malapit lang ang room ko sa locker ko kaya hindi ako nahihirapan.

Pumasok ako at nagulat nang makita sina Efrain at ang pinsan niya. Ang aga pa, ah? Sila lang din ang  tao sa classroom. Nagkibit balikat ako at pumunta sa upuan ko.

Tahimik akong umupo habang pinagmamasdan ang magpinsan, ang aga nila ah? Si Efrain ay mukhang natutulog samantalang ang pinsan niya ay nakapikit at may airpods sa tainga niya.

Binuksan ko ang caramel tart at sinimulang kainin ito. Nakangiti akong kumakain, nang naubos ko ito ay malaki ang ngiti ko.

I looked at Efrain's cousin and he was looking at me, too, with amusement in his eyes.

Before ThatWhere stories live. Discover now