Kabanata 7

7 2 0
                                    

Kabanata 7

I was absent again. Seriously. Laging ako ang hindi nakakatanggap ng complete attendance since kinder ako hanggang ngayong senior. Limang beses ata ako nagkakasakit kada taon.

I woke up earlier at 4 a.m. because I was feeling nauseous. I experienced this very often when I'm on my period. I experienced this every month. Every freaking month.

I was lying in my bed, my head leaning on the headrest. I also had my favorite gray hot compress pressed on my bloated abdomen and my laptop placed on the foldable laptop table.

I was emailing my adviser to take notice of my absence today. I also included in the email that I had been experiencing dysmenorrhea so unfortunately, I need to take a rest. Lalo pa namang sumasakit ang puson ko habang tumatagal.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si mama. May dala siyang gatas na sa tingin ko ay mainit at mga prutas na wala ng balat. Itinabi ko muna ang laptop ko sa gilid at ipinatong naman ni mama ang dala niya sa foldable table.

"Is it the time of the month again?" she asked while caressing my hair.

Pumikit ako at hindi na sinagot si mama kasi halata naman na meron ako ngayon. Hassle lang lagi kapag unang araw na meron ako, sobrang sakit ng cramps ko. Parang kinagat ng dinosaur. Totoo.

Hinawakan ni mama ang namumuti kong kamay. Kinukuyom ko lagi ang kamay ko tuwing umaatake ang sakit sa puson ko. Laging ganito ang nangyayari sa akin kapag meron ako kaya madalas absent ako.

If luck struck, nakakapasok ako sa school. Bibihira lang din hindi sumakit ang puson ko.

Nandito pa rin si mama, katabi ko siya sa kama at nanonood kami sa netflix habang kinakain ang mga prutas. Work from home si mama pero di ko sure kasi wala naman siyang sinasabi sa akin, ang sabi niya lang ay hindi naman daw siya kailangan sa trabaho.

Nakaidlip ako at pagkagising ko ay wala na si mama sa tabi ko. Nasa baba ata siya at naglilinis.

Binuhay ko ulit ang laptop ko at nanood na lang ng mga recorded online classes para kahit nagpapahinga ako ay nag-aaral pa rin ako. Inubos ko na rin ang nangangalahating gatas.

I was done listening to the online classes when Josef messaged me via Instagram. We were good now, he already said that he was okay. May gusto na kasi siyang iba, seryoso ata siya doon. Humagikhik ako, pinakilala niya pa nga ata sa barkada niya at sa pamilya niya. Damn, what a lucky girl.

tjjavier: where are you, mia? hindi kita nakita kanina

mignonettefejer: Absent.

Sinubukan kong tumayo at pumunta sa banyo. Nagtoothbrush ako at naligo ng mabilis. Gumaan ang pakiramdam ko pero ang sakit sa puson ko ay hindi pa rin nagbabago.

Tinutuyo ko ang buhok ko nang pumasok ulit si mama sa kwarto ko dala ang tanghalian ko. Napatingin ako sa oras, tanghali na pala.

"Ma, sorry if hindi ako makatutulong ngayon.."

She looked at me quizzically and then, smiled sweetly. Inilapag niya muna ang pagkain sa desk ko at pumunta sa akin para yakapin ako. She towered me. Mama was tall and so was my Lola, they were gifted with their heights. Mama was 5'10 while Lola was 5'9. Mas mukha pa silang magkapatid kaysa sa mag-ina.

She sniffed my brown hair and kissed it. She then pulled the chair and guided me to sit.

"Mia, you do know that I love you, right?" I nodded.

"You are not obliged to help me.. I brought you to the world. You are my responsibility and not the other way around. I am not your responsibility, Mia. Remember that," she said softly while caressing my face.

Before ThatWhere stories live. Discover now