Kabanata 8

11 2 0
                                    

Kabanata 8

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Ni hindi ko na rin siya pinansin mula kanina kahit ramdam ko ang mga titig niya sa akin minsan. It was awkward. Earlier was a fleeting moment of awkwardness.

Lunch na namin at nandito na ulit ako sa malaking puno na tinatambayan ko. Nakabukas na ang lunchbox ko pero hindi ko pa kinakain dahil wala akong gana. Nakatulala lang ako sa langit habang iniinom ang pangatlo kong delight.

Sinaraduhan ko muna ang lunchbox ko kasi baka langawin. Kakainin ko rin naman ito mamaya kapag nagutom ako. Niluto rin kasi ito ni mama kaya ayokong sayangin.

Iniinom ko na ang panlima at panghuling delight nang may sumulpot sa harapan ko. Nagulantang ako at natapon ang iniinom kong delight sa palda ko.

Tumayo ako at dali-dali kong kinuha ang towel sa bag ko at pinunasan ang palda ko para hindi lumagkit.

Galit kong tinignan ang namumulang mukha ni Dom. Nakatungo siya at hindi makatingin sa akin kasi pinupunasan ko pa ang palda ko.

Napabuntong-hininga ako, papalampasin ko ngayon ang panggugulat niya. Magpapalit na lang ako mamaya ng palda, may extra naman akong uniform sa locker.

"Why are you here?" Pambabasag ko sa katahimikan. Hindi na ako galit sa kanya, naiinis lang. Hindi ko kayang magalit nang matagal sa iba kasi ako yung nakokonsensya.

"I want to talk to you..." sabi niya habang nakatungo pa rin.

"Then talk," ani ko.

"We only had 30 minutes left before our next period so if you want to talk, talk now. Don't waste the time."

"Are you avoiding me?" He asked and then he lifted his gaze to meet mine.

"No. Why would I?" I answered. No, I lied.

"Because it feels like you are. Am I making you uncomfortable? Isn't what I did to you yesterday uncomfortable?" I wanted to say yes but I knew I would hurt him. Bahala na.

"I will be honest, Dom. Yes, you are making me uncomfortable. I mean, if it was really Efrain, it will be okay to me. Kasi makulit siya, he's unpredictable, kaya understandable kung siya ang magpapadala.

But, it was you. Ikaw ang nagpadala. We're not even friends yet, we're only classmates, acquaintances. What you did was questionable. Really. Ginagawa lang naman ng iba yung ginawa mo kung gusto nila yung tao, diba?" I said and took a breath.

I looked at him and I saw an unreadble expression painted on his face. I waited to hear his answer, but I got none. He didn't speak but the strange expression on his face remained.

Ang tanging naririnig ko lamang sa gitna ng katahimikan sa aming dalawa ay ang lagaslas ng mga dahon ng puno. Tanghaling tapat ngayon, mainit pero dahil nasa lilom kami ng puno ay hindi kami naiinitan at presko sa pakiramdam.

"Diba?" Ulit kong muli. Masyado nang matagal ang katahimikan sa aming dalawa, nakakailang na.

"No... wala akong.. gusto sa'yo," he carefully said. Huminga pa siya ng malalim na para bang kinakapos siya ng hininga.

Inayos niya muna ang salamin niya bago siya magsalita, "It was a thank you gift... p-para sa bigay mong shirts and tart when I accompanied you to the mall," he stated with uncertainty.

I just looked at him and nodded. He gave me his reason and now, his doings were acceptable. If he was lying, bahala na siya. I don't care.

Bumalik na rin kami sa klase bago pa mag-time. It seemed that the revelation took a toll on our acquaintanceship. Hindi ko na siya pinapansin at hindi niya na rin ako pinapansin. Back to zero, parang ganoon.

Before ThatWhere stories live. Discover now